The Offer And The Unexpected Person

1949 Words
Nandoon si Luke ng mga sandaling iyon sa harap ng puntod ng kanyang ate Leila habang tumutulo ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Mahabang panahon na ang nakararaan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kung ano talaga ang nangyari. Pero ngayon ay gagawa siya ng hakbang upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Handa siyang suungin ang panganib kung malaking tao man ang nasa likod ng nangyari.  "Pinapangako ko ate, hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay mo."  At saka niya nilisan ang lugar na iyon at tumungo upang kitain ang kanyang malapit na kaibigan na si Karen.  Sa isang eleganteng restaurant.  Nauna si Luke makarating sa meeting place. At matapos ang limang minuto ay nakatanggap siya ng text message na parating na raw ito. Kung kaya hinanda niya ang kanyang sarili dahil alam niyang isang mahabang kuwentuhan ang magaganap lalo na kasama pa nito ang mapapangasawa.  Hindi nagtagal ay may natanaw siyang papasok sa loob ng restaurant. Tiyak niya na si Karen iyon. Pagdating ng kanyang tinitignan sa loob ay luminga linga ito sa loob upang hanapin sya at saka siya tumayo at itinaas ang kanang kamay upang madali siyang mapansin nito. At ng makita siya nito, ay bakas sa mukha ng babae ang kasiyahan at pagkabigla. Agad itong lumapit sa kanyang kinaroroonan at nagyakap silang dalawa at nag palitan ng beso.  "Wow, Luke is that you? Ang laki ng pinagbago mo! At mukhang napaka asensado mo na mula ng sa States ka na tumira." Namamanghang reaksyon ni Karen sa kanya.  Napatawa na lang siya ng bahagya sa sinabi ng kaibigan.  "Ikaw talaga Karen, konting bagay lang. Anyway, guys, have a seat." Alok niya sa dalawang magkasama.  "Ay sorry pala, hindi ko pa pala kayo nai-introduce sa isa't isa. Luke this is Carl, my fiance. And Carl this is Luke, one of my closest friend during college days." Pagpapakilala ni Karen sa dalawang lalaki.  Agad naman na inabot ni Luke ang kanyang kanang kamay upang batiin ang magiging asawa ng kanyang kaibigan. Na tinugon naman ito ni Carl agad.  "Luke here. Nice meeting you Carl." Pagpapakilala ni Luke sa lalaki at nakipagkilala rin ito sa kanya.  Naging masaya ang usapan nilang tatlo at siya ang magiging bestman sa kasal ng dalawa. Tila napakasaya ng kanyang kaibigan sa mapapangasawa nito. Bukod sa may itsura ito ay halatang may pinag aralan at marunong makisabay sa usapan.  "Anyway Luke, what do you do in the States?" Tanong ng fiance ni Karen.  "Well, I am an assistant marketing specialist of a company based in New York." Nakangiting sagot niya.  "Well honey, hindi lang basta bastang company. Kundi isang giant tech company sa States." Pagmamalaki ni Karen sa kaibigan.  "Ikaw talaga Karen." Nakangiti ngunit nahihiyang sagot ni Luke sa kaibigan.  "Aba Luke, dapat maging proud ka sa narating mo ngayon. Aba, hindi basta basta maging isang parte ng isang tech company sa States." Hirit ni Karen.  "Exactly pare. And sa edad mong iyan eh isa ka ng ganap na assistant marketing specialist? Wow,  why don't you try to start a business of your own soon?"  Nginitian lang ni Luke ang fiance ni Karen sa sinabi nito.  "Well, actually I already thinking about that. But for now, there are things that I have to do first. It takes one step at a time." Nakangiting sagot niya sa dalawa. At saka niya nilagyan ng red wine ang tatlong wine glasses.  "Cheers." Nakangiting alok niya. At saka sila sabay sabay na uminom.  "Ay siya nga pala Luke. Alam mo bang isa ng sikat na basketball player dito sa bansa ang kaklase natin noon na anak ni Governor Henry Villamor na si Xavier Villamor?"  Biglang nag iba ang pakiramdam ni Luke sa kanyang narinig sa kaibigang si Karen. Ngunit hindi niya iyon ipinahalata at uminom siyang muli ng red wine upang kumuha ng lakas ng loob na magsalita.  "Well, actually since I left the country, wala na akong balita sa kanya." Kaswal na sagot ni Luke sa kaibigan.  "Seriously? Hindi ba naging close din kayo noon sa school?" Takang tanong ni Karen.  "Well, sort of. But not really." Kibit balikat niyang sagot. Sa totoo lang ay ayaw niya ng may marinig pa tungkol kay Xavier. Pero sa ngayon na isa na pala itong sikat na basketball player ay tila darating ang mga susunod na araw ay makikita niya ito sa tv o maririnig na pinag uusapan ng mga tao. Tila hindi maganda ang kanyang naging pakiramdam tuloy.  "And then yung daddy nya, tumatakbong Senator. Malapit na ang election. And mukhang may chance na manalo ang daddy niya. Idagdag pa ang kasikatan ni Xavier bilang basketball player . Syempre yung mga fans niya, ang iboboto ang daddy niya." Dugtong ni Karen.  Napatango na lamang si Luke sa sinabi ni Karen. Ayaw niyang magbigay komento sa sinabi ni Karen tungkol sa pamilya Villamor. At saka niya naisipang sumagot para hindi makahalata ang kausap.  "Well that's good." Nakangiti niyang sagot.  Matapos ang halos dalawang oras na kuwentuhan sa restaurant ay nagpasya na silang magkita kita na lang sa araw ng kasal. Dahil lahat sila ay magiging abala. Siya ay may appointment sa isang real estate agent bukas. At ang dalawa naman ay may mga lalakarin pa tungkol sa nalalapit na kasal.  Kinabukasan.  Matapos niyang tignan ng mabuti ang isang high end condo unit sa Makati, ay nagpasya na siyang bilhin na iyon upang doon na siya tumuloy at para naman doon na rin tumuloy ang kanyang mga magulang kapag umuwi ang mga ito sa Pilipinas. Bale three bedroom iyon at malawak ang sala na binagayan naman ng isang modernong kitchen. At kinabukasan ay lumipat na rin siya sa kanyang nabiling condo unit upang maayos na niya ang mga nabiling gamit at kanyang mga personal na dala mula sa States.  Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ang araw ng kanyang appointment sa isang napaka bigatin na negosyante sa bansa.  Bago siya makapasok sa building ay dumaan siya sa isang protocol kung saan ang may masamang balak ay hindi basta basta makakapasok. At ng masiguro na may appointment siya sa loob ay saka pinayagan na makapasok ang kanyang sasakyan sa loob. Inihinto niya sa basement car park ng building ang kanyang biniling sasakyan na black BMW M3 noong mga nakaraang araw. At ng maayos ang kanyang pagkaka park ay saka siya natigilan. Tila bigla siyang kinabahan. Sanay na siyang may makaharap na mga iba't ibang klase ng tao ngunit bakit siya kinabahan bigla? Huminga siya ng malalim at saka niya inayos ang suot na light blue polo long sleeve.  "I can handle this. Luke, just relax." Pagpapakalma niya sa sarili. At saka siya bumaba ng sasakyan.  Pagdating sa loob ng elevator ay tinignan niya ang orasan. Mayroon pa siyang fifteen minutes ayon sa pinag usapan na oras. At pinindot niya ang button na may nakalagay na 30th number.  "Ting! Level 30."  Ang narinig niyang sinabi ng babaeng voice audio sa elevator. At saka siya lumabas. Paglabas niya ng elevator ay hinanap niya ang partikular na sadya at saka siya pumasok sa isang malaking all glass door. Pagkapasok niya ay kaagad siyang hinarap ng isang babaeng naka uniporme ng all black.  "Good aftenoon, hi I am Mr. Luke Diaz. And I have an appointment with Mr. Mario de Ayala."  "Mr. de Ayala knows that you are already here. Please sit down for a while and I will take you to his office soon."  At saka umalis ang babae.  Pagkaupo ni Luke sa isang black leather na couch ay inilibot niya ang tingin sa loob ng reception area. Napahanga siya sa kanyang nakikita. Kung ano ang ganda at itsura ng mga naglalakihang opisina sa New York ay ganoon rin ang itsura ng kanyang nakikita sa ngayon. At marami rami rin siyang narinig noon pa man tungkol sa pamilyang ito. Maging sa States ay napag uusapan ang mga negosyo ng de Ayala. Kung kaya curious siya sa imbitasyon nito sa kanya.  Tinignan niya ang orasan at may limang minuto pa. At pagbalik niya ng tingin sa reception ay siya namang pagbalik sa kanya ng babae.  "Mr. Diaz, please follow me."  Saka siya tumayo at sumunod sa babae habang naglalakad patungo sa isang pintuan na modernong design at saka ito kumatok.  "Come in." Sagot ng nasa loob.  At saka binuksan ng babae ang pinto at tumingin sa kanya ng nakangiti.  "Thanks." Nakangiti niyang reaksyon. "You are welcome."  At saka ito umalis pagkapasok niya sa loob.  Habang naglalakad siya ay hinanda niya ang sarili sa kung ano pa man ang magiging takbo ng usapan.  "Good aftenoon Mr. de Ayala." Panimulang bati niya ng makalapit siya dito.  "Good afternoon too, Mr. Luke Diaz. I am glad that you are finally here. Please have a seat." At inialok nito ang upuan sa harap ng desk nito.  "Thank you." At saka siya umupo.  "I have seen some of your works and they were very impressive."  Panimula ng kanyang kaharap.  "Thank you so much Mr. de Ayala." Nakangiting sagot ni Luke sa big boss ng de Ayala Corporation.  "But I want to make this meeting fast and clear. Since I have now a partnership to the company that you are working with, I want you to do a very special task for me. But it's up to you if you can do that for me."  Seryosong pahayag sa kanya ng kaharap sabay abot sa kanya ng isang puting envelope. At kinuha niya iyon at saka niya kinuha ang laman niyon na mga iilang papel. At saka niya iyon inisa isang tignan.  Gagamitin ng Pacific Airways ang software ng kanyang pinapasukan sa New York para sa mga bagong screen monitor ng first class, business class at economy class ng mga passenger airplane. At nakalagay pa na makikipag collaborate siya sa mga iilang expert sa field na iyon. At anim na buwan lang siyang hihiramin upang mamalagi dito sa Pilipinas para sa project na iyon. Kung sa ganon, isang magandang bagay iyon para sa kanya upang lumawak ang kanyang kaalaman at magagawa niya ang kanyang iba pang plano sa Pilipinas.  "Mr. de Ayala, this is a good opportunity for me to explore my capabilities as an assistant marketing specialist, so there is no way for me to say no." Nakangiti niyang pahayag.  Bumitaw ng isang malawak na ngiti ang kaharap ni Luke.  "Well, thank you. And I am very glad to hear that Mr. Luke Diaz. My secretary will contact you soon about the contract and all the important details about this project."  At saka sila nag shake hands.  Habang nagmamaneho ay naisip ni Luke na maglibot na muna sa Manila. No need to rush. Gusto niya muna maglibang. Tutal, it's been a while nung huli siyang lumabas. At saka niya naisip na dumaan na muna sa isang restaurant.  Pagka-park ng kanyang sasakyan ay lumabas na siya agad at kasabay niyon ay pinindot niya ang lock button ng car key. Habang naglalakad ay napansin niyang mga halos mga magagandang sasakyan ang naroon. Tila hangout iyon ng mga mayaman o di kaya mga may kaya sa buhay.  Sa kanyang pagpasok ay siya rin namang paglabas ng isang matangkad na lalaking moreno na guwapo na nakasuot ng isang puting long sleeve shirt at naka black jeans at may kasamang isang magandang seksing babae.  Tila huminto ang t***k ng puso ni Luke sa kanyang hindi inaasahang nakita. Tila ang paligid ay naging slow motion. At ang lalaking may kasamang magandang babae ay tinignan rin siya at bakas sa mukha nito ang labis na gulat.  Saka lang na proseso sa isip ni Luke ang kanyang nakita na kahit walong taon na ang nakakaraan ay alam niyang ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Xavier Villamor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD