“MOMMY, I'm sorry! I'm really, really sorry!” paulit-ulit kong sambit habang umiiyak nang nakayuko. Nakabihis na ako at nakaupo na ngayon sa kama ko habang haplos ni Mommy ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak.
“Kasalanan ko po lahat, tita. Handa naman po akong panagutan si Elize kung mamarapatin niyo. I can marry her,” ani Drex na nakatayo sa tabi ng kapatid kong walang kibo at nakatingin lang sa akin.
“Lumabas ka muna, hijo. Mamaya na tayo mag-usap. Kakausapin ko lang muna itong anak ko,” mahinahon na sabi ni Mommy.
“Sige po, tita,” magalang na sagot ni Drex bago lumabas ng pinto. Naiwan naman kaming tatlo nina Mommy at ng kapatid ko sa loob ng kuwarto.
“Mommy, p-paano kung hindi matuloy ang kasal namin ni Luke?” pasinghak-singhak kong tanong at sinabayan ng mahinang pag-iling.
“Kakausapin ko si Luke, anak, kaya tumahan ka na. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa ni Drex.”
Napaangat ako ng tingin kay Mommy. “He fooled me, mom. Nagising na lang ako na may nangyari na sa amin dalawa! Nagising na lang ako na pareho na kaming hubad sa kama!”
Malalim na bumuntonghininga si mommy at hinaplos ang ulo ko. “Pero impossible naman na pinagsamantalahan ka ni Drex, Anak. I know him very well, he is a good guy. Matagal na namin siyang kilala ng daddy mo, at isa pa matalik kayong magkaibigan.”
Marahas akong umiling. “He is not a good guy, mom. He's an evil. He is a damn psychopath! He fooled me!”
“Tsk. Ang bait kaya ni Kuya Drex, guwapo't macho pa kumpara kay Kuya Luke!” sabat ng kapatid ko bago patakbong lumabas ng kuwarto.
Napailing naman si Mommy. “Huwag mo na lang patulan ang kapatid mo. Gusto mo bang tawagan ko si Luke ngayon at kausapin?”
“No, Mom. I'm afraid, paano na lang kung aatras siya sa kasal namin?”
Nagpakawala si mommy ng malalim na buntonghininga bago tumayo. “Kung talagang mahal ka niya ay tatanggapin ka niya kahit na maging sino ka man, kaya ang mas mabuti pa ay ayusin mo na ang sarili mo at pupunta tayo sa bahay nila para kausapin si Luke.”
Tumango ako at tipid na ngumiti kay Mommy. “Thanks, Mom. You're the best.”
Ngumiti lang si mommy sa akin bago lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ni Mommy ay agad kong inayos ang sarili ko at naglagay ng kaunting makeup sa aking mukha. Isang off-shoulder yellow dress na hanggang tuhod lang ang haba napili kong suotin at pinarisan ko lang ito ng isang yellow stiletto heels na dalawang inches lang ang taas. Nang makitang okay na ang sarili ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Buti na lang paglabas ko ay ang kapatid kong si Trisha Lorain na lang ang nadatnan ko at si Mommy, wala na si Drex na kinahinga ko naman nang maluwag.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Ano na lang ang sasabihin ko kay Luke? Pakakasalan niya pa kaya ako? Sobra akong kinakabahan. Alam kong sobra akong mahal ni Luke, pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya oras na malaman niya ang nangyari sa amin ni Drex.
“Mommy, si daddy po nasaan?” tanong ko kay mommy na ngayo'y nakaupo naman sa front seat katabi ng driver namin. Nasa backseat naman kami ng kapatid ko.
“Tinawagan ko na ang daddy mo at sinabing pumunta siya sa bahay nina Luke.”
Napapisil ako sa sarili kong kamay. “N-Nasabi niyo po ba kay Dad ang nangyari?” kinakabahan kong tanong na agad namang kinatango ni Mommy.
“Siya na raw ang bahalang kumausap kay Drex, kaya huwag ka nang mag-alala pa.”
Pagdating namin sa bahay ni Luke ay agad kaming pumasok nina Mommy. Halos manginig ako sa kaba habang naglalakad papasok sa loob ng Foentez Mansion—ang bahay ng parents ni Luke.
Papasok pa lang ako sa pinto ng mansion ay nang bigla na lang akong sinalubong ni Luke ng mahigpit na yakap.
Hindi ko na mapigilan ang mapahikbi. “I'm sorry, Luke. Hindi ko sinasadya.”
Hinaplos niya ang likod ko. “It's okay, nabanggit na sa akin ni Mommy ang naabutan niya sa apartment mo. Pero may tiwala naman ako sa 'yo, kaya sa 'yo lang ako makikinig.”
Para akong nabuhayan ng loob at bumitaw ng yakap sa kanya. “Sasabihin ko sa ’yo lahat, hindi ako maglilihim kahit kaunti, I promise.”
Ngumiti si Luke sa akin at marahas na tumango bago bumaling kay Mommy. “Tita, kakausapin ko lang po si Elize saglit.”
Napatango naman si mommy, kaya agad akong niyaya ni Luke na umakyat sa kanyang kuwarto.
Pansin ko pa ang masamang tingin ng kanyang mommy na nakasalubong namin sa hagdan. Alam kong masama ang loob nito sa akin dahil sa naabutan, but I understand, may karapatan siyang sumama ang loob sa akin dahil sa nakita niya. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung makita mo ang mamanugangin mong nakahubad at may kayakap pang ibang lalaki? Kahit sino naman ay magagalit talaga.
Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad akong pinaupo ni Luke sa kanyang kama at naupo naman siya sa tabi ko.
“Okay, babe. Now tell me what really happened.”
Napalunok ako ng isang beses. Huminga muna ako ng malalim bago nagpaliwanag.
“Nagising na lang ako nang nakahubad katabi si Drex, Luke. Hindi ko maalala kung ano ba talaga ang buong nangyari, basta ang natatandaan ko lang ay nag-doorbell si Drex sa apartment ko at pinagbuksan ko. May dala siyang isang bote ng whiskey, sabi niya gusto niya lang akong i-congratulate sa huling pagkakataon.” Nanginginig na nilaro-laro ko anv aking kamay kahit na namamawis na ‘yon. “Kaya ayon... uminom kaming dalawa, at hanggang doon lang talaga ang naaalala ko. Nagising na lang akong hubo't hubad katabi siya.” Napahikbi ako.
Napakuyom naman ng kamao si Luke nang marinig ang paliwanag ko.
“Sabi ko na nga ba't masama ang kutob ko sa lalaking 'yon, pansin ko ang mga tingin na binibigay niya sa 'yo, kaya nga sinabihan kitang layuan na ang lalaking 'yon. Tingnan mo tuloy ang nangyari. Damn!”
Mas lalo akong napaiyak. “I'm so sorry, Luke. H-Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. I'm really sorry.”
Ginulo niya ang kanyang buhok at napabuga ng hangin bago ako niyakap. “Tahan na, 'wag ka nang umiyak. Ngayon din ay magsasampa ako ng kaso sa gagong 'yon. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan,” mariin na sabi ni Luke bago hinalikan ako sa noo. “Bukas na lang natin ituloy ang kasal. You need to rest, Elize. Kahit anong mangyari ay pakakasalan pa rin kita. I still love you.”
Parang nakahinga ako ng maluwag sa narinig.
Pagkatapos naming mag-usap ni Luke ay sabay kaming lumabas ng kuwarto niya at bumaba ng stairs.
Pagkababa namin ay agad kong nakita si daddy na nakaupo couch katabi si mommy at kaharap ang parents ni Luke.
“Maupo kayo, may sasabihin ako,” wika ni Dad.
Naupo naman kami ni Luke sa kabilang couch.
“Napag-usapan na po namin na bukas na lang ipagpatuloy ang kasal, tito. Magsasampa po ako ng kaso ngayon sa lalaking 'yon,” ani Luke habang hawak ang kamay ko.
Umiling si Dad at tumingin sa aming dalawa ni Luke. “Hindi niyo na kailangan pang ituloy ang kasal, at 'wag na rin magsampa ng kaso kay Drex. Nakapagpasya na ako.” Tumayo si Dad. “Ipapakasal ko na lang si Elize kay Drex, buo na ang pasya ko.”
Gulat akong napatayo at ganoon din si Luke.
“Pero tito, paano niyo po nasasabi ang bagay na 'yan? Hindi ako papayag na ibigay sa kanya si Elize!” bulalas ni Luke at mahigpit na hinawakan ang isa kong kamay.
“Oo nga, Dad, anong pumasok sa isip niyo at nasasabi niyo 'yan? No way! Hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yon!”
“Umuwi na tayo!” galit na sagot ni daddy at naglakad palabas ng mansyon.
Marahas akong umiling at tumingin kay Mommy na tumayo na rin. “Mommy, ano po bang pinagsasabi ni daddy? Ano'ng nangyayari sa kanya?”
My mom sighed. “Umuwi na raw tayo sabi ng Daddy mo, halika na.” Inagaw ni Mom ang kamay ko mula kay Luke.
“Pero, tita,” apila ng boyfriend ko na parang ayaw pa akong bitawan, pero sa huli ay pinakawalan din ang kamay ko.
Ang mga parents ni Luke ay nanatiling tahimik habang nakaupo at parang wala nang pakialam.
Agad akong hinila ni Mommy palabas ng mansyon at pinapasok sa loob ng kotse.
“Mom, ano po bang nangyayari? Bakit kayo nagkaganyan ni Daddy? What happened, Mom?” mangiyak-ngiyak kong tanong pagkaupo sa loob ng kotse.
Kita ko pa ang paghabol ni Luke sa akin palabas ng mansyon pero agad nang pinatakbo ng driver namin ang kotse paalis.
“Mom, sumagot po kayo!” sigaw ko kay mommy nang hindi ito kumibo.
Damn! Hindi ko alam kung anong nangyari sa parents ko, parang kanina lang ay ayos pa si Mom sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ng parents ni Luke at nagkaganito sila ni Dad.