Episode 4

1625 Words
MAGHAPON akong nagkulong sa loob ng aking kuwarto, kahit na dinalhan ako ni Mommy ng pagkain ay pinabayaan ko lang at hindi kinain. Hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon ni Mommy at Daddy na gusto nila akong ipakasal kay Drex imbes na kay Luke na siyang boyfriend ko at pakakasalan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa parents ko, kahit na umiyak ako at nagmakaawa ay tinalikuran lang ako at sinabing buo na ang pasya nila. Itinago din ni Mommy ang phone ko, kaya hindi ako makatawag kay Luke. Nang sumapit ang gabi ay naisipan kong tumakas, pero paglabas ko ng aking kuwarto ay puro mga naka-lock ang pinto papunta sa labas. Wala akong nagawa kundi bumalik sa kuwarto ko, naghanap pa ako ng telephone na maaaring gamitin pero itinago yata ni Mommy pati telephone. Kinabukasan ay panay ang katok ni Mommy at ng kapatid ko sa aking pinto pero hindi ko sila pinagbuksan at nanatiling tahimik. “Anak, kailangan mong kumain. Buksan mo ang pinto may dala akong pagkain para sa'yo,” ani Mommy pero hindi ko pinansin at nanatili lang akong nakahiga sa aking kama. “Ate, pupunta raw dito ang parents ni Kuya Drex mamaya para mamanhikan!” malakas na sabi ng kapatid ko ngad namang sinaway ni Mommy. Napabalikwas ako ng bangon sa narinig. “Anong oras sila darating?” “On the way na sila papunta rito, Anak. Kaya magbihis ka na para maharap mo sila mamaya,” sagot ni Mom. “Sige, hintayin niyo na lang ako sa baba!” Nagmamadali akong pumasok ng bathroom at naligo. Kailangan kong humarap sa parents ni Drex at sabihin mismo sa kanila na ayukong magpakasal sa anak nila. Si Luke ang mahal ko at sa kanya lang ako magpapakasal. Pagkatapos kong naligo ay nagmamadali akong nagbihis at sinuot ang black t-shirt at short denim pants. Hindi na ako nag abala pang suklayin ang buhok ko at agad na akong lumabas ng aking kuwarto. Pagkababa ko ay agad kong nakita ang parents ni Drex kausap ang parents ko, at hindi lang 'yun, dahil naroon din mismo si Drex na nakaupo at nakikipagtawanan pa kay Daddy na para bang masaya ang kanilang pinag-uusapan. “Oh hija, nandito ka na pala,” nakangiting puna sa akin ni Tita Mesha, ang Mommy ni Drex. Napatingin naman silang lahat sa akin at pati na rin si Drex na kinahinto ko sa paglapit at kinakuyom ng kamao. Damn him! Tumayo si Mommy at agad na lumapit sakin. “Anak, 'wag kang gagawa ng hindi maganda, nandito ang pamilya ni Drex. Pakiusap kumalma ka,” bulong sa akin ni Mom. Mapait akong natawa at napakagat sa gilid ng aking labi. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap nila, dahil magmumukha lang akong kawawang sisiw kung sakali, ni wala nang pakialam sina Mom at Dad sa damdamin ko. “Hi, Elize, can we talk privately?” tanong ni Drex. Tumayo ito at nagpaalam muna kay Dad bago lumapit sa akin. “Tama si Drex, Anak, mag-usap kayong dalawa ng mabuti, 'wag pairalin ang init ng ulo,” sang-ayon ni Mommy na hinaplos pa ang buhok ko at ngumiti bago bumalik sa kanyang upuan. Nanatili ako walang kibo habang nakatayo lang sa tabi ng stairs, hanggang sa hinawakan na ni Drex ang kamay ko. “I have something to tell you, please let's talk inside your room.” Inis kong binaklas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Wala naman tayong dapat pag-usapan pa. Wake up, Drex. I don't love you! And I don't want to marry you!” Kita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha dahil sa sigaw ko. I know that I hurt him, but I don't care. “Elize! Sumusobra ka nang bata ka!” saway ni Dad sa akin at tiningnan pa ako ng masama, habang ang parents naman ni Drex ay nanatiling tahimik at nakatingin lang sa amin. “Sumunod ka sa akin,” mariin kong sabi kay Drex bago siya tinalikuran at umakyat ng hagdan. Ramdam ko ang pagsunod niya sa aking likuran. Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad ko siyang hinarap at sinalubong ng malakas na sampal sa magkabilaang pisngi. “Ayan! Para magising ka sa katotohanan na ayoko sa'yo at hindi ako magpapakasal,” mariin kong sambit matapos siyang sampalin. Sa lakas ng sampal ko ay kitang-kita ang bakas ng palad ko sa kanyang pisngi na ngayon ay namula na. “I'm already awake, Elize. Kahit maka ilang libong beses mo pa akong sampalin nang paulit-ulit ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na gusto kita. Na mahal kita,” mariin na sagot ni Drex habang haplos ang namumulang pisngi. “Mahal? Mahal mo ako?” I pointed myself. “Kung mahal mo ako dapat hindi mo ginawa sa akin ang bagay na 'yun, Drex! Dapat hindi mo ako pinagsamantalahan! Dapat kung saan ako masaya ay doon ka rin! Ganoon ang totoong pagmamahal, at ang nararamdaman mo para sa akin ay hindi 'yan pagmamahal, Drex! Kasakiman na 'yan!” Napahilamos si Drex sa sariling mukha at napabuga sa hangin bago ako sinalubong ng tingin. “I know. Alam kong kasakiman ang ginawa ko, Elize! Dahil ayukong mapunta ka sa isang lalaking tulad ni Luke na ginamit ka lang! He just used you for the sake of their company! Palugi na ang kompanya nila at kailangan nila ng tulong ng Dad mo para makabangon sa pagkalugi! Ginamit ka lang ng tarantadong 'yun!” Hindi na ako nakapagpigil at muling pinalipad ang palad ko sa namumulang pisngi ni Drex. “Shut up! That's not true! Alam kong mahal ako ni Luke! Gumagawa ka lang ng kuwento para mapaghiwalay kami, but I don't believe you anymore. Minsan mo nang sinira ang tiwala ko, tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kita?” Umiling-iling ako at dinuro siya sa dibdib. “No. Hindi na ako magtitiwala pa kahit kailan sa'yo, Drex. At para sabihin ko sa'yo, kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi ako magpapakasal sa'yo! Itaga mo 'yan sa utak mo!” Natigilan si Drex sa mga sinabi ko, kaya agad akong naglakad papunta sa pinto para sana lumabas, pero pagkahawak ko pa lang ng doorknob ay agad niyang pinigilan ang braso ko. “Totoo lahat ng sinabi ko, Elize. Kahit ang mga magulang mo ay alam na 'yun, kaya nga ayaw ka na nilang ipakasal sa lalaking 'yun,” mariin na sabi ni Drex habang hawak ang isa kong braso. Natigilan naman ako. No! That's not true! Alam kong mahal ako ni Luke, at hindi niya ako ginamit lang para makaahon ang kanilang kompanya. Alam kong pagmamahal ang dahilan kung bakit niya ako niyayang magpakasal kahit na tatlong buwan pa lang kaming magkasintahan. Humarap ako kay Drex at sinalubong siya ng seryosong tingin. “Para sabihin ko sa'yo, totoo man 'yang mga sinabi mo o hindi, magpapakasal pa rin ako kay Luke at hindi sa'yo, Drex! Wake up, please! I don't love you!” inis kong inagaw ang braso ko sa kanya at mabilis na lumabas ng kuwarto at iniwan siyang tulala. Alam kong masakit ang mga salitang binato ko sa kanya, but I don't care. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi magalit. Pagkababa ko ng kuwarto ay tanging si Dad at Mom na lang ang naabutan kong nakaupo sa sofa, wala na ang parents ni Drex. “Nakapag-usap na ba kayo ng mabuti ni Drex, Anak?” tanong ni Mom sa akin. “Oo, at hindi ako magpapakasal sa kanya. Babalik na ako sa apartment ko,” iritadong sagot ko at agad na naglakad papunta sa main door para sana lumabas, pero napahinto ako nang bigla nagsalita si Dad. “Binenta ko na ang apartment mo, kaya wala ka nang babalikan pa fahil hindi na iyon sa'yo. Dito ka na tumira sa bahay.” “What!?” hindi makapaniwala kong bulalas nang marinig ang sinabi ni Dad. “Akin 'yun, Dad! Hindi mo puwedeng ibenta 'yun nang wala ang pahintulot ko!” Napapadyak ako sa pagkainis. “Ako pa rin ang nagbigay sa'yo nu'n, kaya may pahintulot ako para ibinta 'yun,” balewalang sagot ni Dad at dinampot ang magazine na nakalagay sa table bago binasa. “It's okay, Tito,” sabat ni Drex na pababa ng hagdan. “Dahil ako naman ang nakabili ng apartment niya, puwede naman siyang tumira doon, dahil magiging pag-aari din naman niya ulit 'yun oras na ikasal kaming dalawa.” Napaawang ang labi ko sa narinig at napakuyom ng kamao lalo na nang makita ko ang nakakalukong ngisi ni Drex sa akin. “Oh, narinig mo ang sinabi ni Drex? Puwede ka naman daw tumira doon, tutal ikakasal na rin naman kayo next week,” ani Dad na parang natawa pa. Damn! Pinagkakaisahan nila akong dalawa. Nang mapatingin ako kay Mommy ay ngumiti lang 'to sa akin na para bang sinasabing sumunod na lang ako sa sinabi ni Dad. Napabuga ako sa hangin para pigilan ang galit. Kailangan kong kumalma dahil baka masigawan ko si Dad ng wala sa oras. “Kung gano'n naman pala, eh di doon na lang ako sa apartment ni Luke titira!” Napatiimbagang si Drex, at napaangat naman ng tingin si Dad nang marinig ang sinabi ko. Hindi ko na hinintay pang makasagot sila at agad na akong lumabas ng mansyon. “Elize Mica!” rinig kong pagtawag ni Dad sa pangalan ko. He's mad, but I don't care anymore. Sakto naman paglabas ko ng gate ay may dumaang taxi, kaya agad ko itong pinara. Pagsakay ko ng taxi ay siya namang paglabas ni Drex sa gate. Napangisi ako at nagba-bye sa kanya. Buti naman at hindi niya ako naabutan. Kitang-kita ko pa kung paano umasim ang mukha niya nang makita ang pagba-bye ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD