NAPAHAWAK ako sa sarili kong ulo at napangiwi dahil sa pagkirot nito. I slowly opened my eyes. Maliwanag na sa buong silid. Muli akong pumikit at napahikab bago nag-unat-unat ng katawan. But I immediately stopped when my hand hit like a human body. I opened my eyes again and looked beside me. Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang makita ang payapang mukha ng best friend ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
What the f**k?
Bumalikwas ako ng bangon at malakas na napasigaw nang makitang nakahubad pala ako. Not only me, but also the person beside me was also naked.
Nagising naman si Drex sa pagsigaw ko at agad na napamulat ng mata. "Why are you shouting?" inaantok niyang tanong sa akin.
No! This is not real! This is just a nightmare! A f*****g nightmare!
Pinagkurot ko pa ang pisngi ko para lang magising sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Pero hindi, dahil talagang totoo ito! Hindi na ito panaginip!
I started crying when I realized what really happened last night between me and my best friend.
Hindi ito maaari!
Napabalikwas naman ng bangon si Drex nang marinig ang paghagulgol ko.
"Hey, Elize, why are you crying? Are you okay?" he asked me with his innocent voice.
Napayakap ako sa kumot para takpan ang hubad kong katawan. “A-Ano bang nangyari? Bakit tayo nakahubad, Drex? I can't remember what really happened last night!" napahikbi ako.
Sandaling natigilan si Drex at parang nagulat din nang ma-realize niyang nakahubad pala kami pareho.
"Oh s**t! What happened? Why are we both naked, Elize?" Mabilis na itong tumayo at pinulot ang mga nagkalat niyang kasuotan sa sahig.
Agad naman akong umiwas ng tingin at napahigpit ang yakap sa puting kumot. "I don't know, Drex! I don't remember anything!" naiiyak kong sagot.
"s**t. Wala din akong maalala, Elize. I'm sorry for what happened." Drex sat next to me after wearing his boxer. "Stop crying. It's already happened, wala na tayong magagawa.”
Inis kong tinabig ang kanyang kamay nang haplusin niya ang pisngi ko. "Don't touch me! Stay away from me!" I shouted while sobbing.
Isang malalim na buntonghininga ang kumawala kay Drex. "Hush now, don't cry anymore. Pananagutan na lang kita. I will marry you. I'm ready to take responsibility for what happened to us."
Hindi ako makapaniwala na agad na napatingin sa kanya. "Are you out of your mind, Drex? I have a boyfriend and we’re going to get married today—" Napatigil ako sa pagsasalita ng may maalala.
Shit! Kasal nga pala namin ngayon ni Luke!
When I looked at the hanging clock, it was already 10:35 AM. Apat na oras na lang ay kasal na namin ni Luke. I'm sure sa mga oras na ito ay on the way na sina Mommy kasama ang mag-aayos sa akin.
I quickly get off the bed while holding the blanket tightly. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang biglang pagkirot sa pagitan ng hita ko.
"What are you waiting for? Get out of here before mom gets here!" I shouted to Drex. He was just standing, watching my every move.
But he didn't answer and just stared at me.
"Leave, Drex! Baka maabutan ka pa ni Mommy rito! It's my wedding today and I don't want it to be ruined because of you!" once again, I screamed and annoyed walked closer to the bathroom.
I was about to hold the doorknob when someone suddenly stopped my arm from behind.
"Do you just ignore what happened to us, Elize?" Hinawakan ako ni Drex sa magkabilaang balikat at pinaharap sa kanya. "I can marry you. Nakahanda akong panagutan ka. I'm ready to face your parents and tell them what happened to us."
Pagak naman akong natawa at inis na binaklas ang kamay niya sa pagkakahawak sa balikat ko. "Puwede ba, Drex! We only made one mistake! Pareho tayong walang alam! Parehas nating hindi ginusto ito! Kaya umalis ka na ngayon din! Please lang!"
"You're wrong, Elize Mica! Mali ka! Kung ano man ang nangyari sa atin ngayon ay ginusto ko! I planned it! I prepared for it!" he yelled at me.
Agad na namilog ang mata ko sa narinig. I couldn't help myself and slapped him hard on both cheeks. Sa lakas ng sampal ko ay namula ang kanyang makinis na pisngi at nagkaroon ng bakas ng palad ko.
"How dare you! Pinagkatiwalaan kita! Paano mo nasabi 'yan? You are my best friend!" Pinagbayo ko na ng kamao ko ang kanyang matigas na dibdib. "You fooled me! Paano mo nagawa sa akin 'to? Best friend tayo, 'di ba? You are my best friend! Ten years tayong magkaibigan, Drex!"
Wala na akong pakialam sa pagkahulog ng kumot sa katawan ko, I just punched Drex's chest again and again. "I hate you! I hate you so much! You fooled me!" mngiyak-ngiyak kong sigaw habang patuloy sa pagsuntok sa kanyang dibdib.
Drex just stayed standing in front of me and took all my punches and slaps on him, ni hindi man lang siya umilag sa mga sapak ko sa kanya.
"I hate you, Drexton! I hate you! I hate you so much!"
He kept quiet for about 2 minutes, until he pulled me closer to him and hugged me tightly.
"Stop crying please, baka mamaga na 'yang mga mata mo. Hush... Oo na, kasalanan ko na lahat. Tahan na, please."
Nagpumiglas ako sa kanyang mga bisig. "Bitiwan mo ako! I need to take a shower! Kasal namin ngayon ni Luke, hindi ako puwedeng ma-late!"
Pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin nang marinig ang sinabi ko.
"Ano ba! Bitiwan mo sabi ako!"
"Ayoko, hindi kita bibitiwan! Sabihin mo munang aatras ka na sa kasal niyo ng Luke na 'yon bago kita bitiwan!"
Pagak akong natawa. Talagang nababaliw na siya!
"Nawawala ka na sa sarili! You're crazy, Drexton!"
"You're right. I'm totally crazy, Elize. I'm crazy in love with you," mahina niyang sagot habang yakap pa rin ng mahigpit ang hubad kong katawan.
"No matter what you say or do, I'm gonna marry Luke! I don't love you, Drex! And I don't want to love you forever! Nakakasuklam ka!"
Inis kong sinipa ang paa niya, pero hindi man lang siya nagpatinag sa kanyang kinatatayuan at parang linta pa ring nakayakap sa akin.
"Alam ko, hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin 'yan. I already knew, Elize. Alam ko naman na 'yong Luke na 'yon ang gusto at mahal mo. But I don't care. I still love you. I am madly in love with you!"
Panay ang pumiglas ko habang sige naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin.
And since I can't get away from the tightness of his hug, I have no choice but to bite his shoulder.
Sunod-sunod siyang napamura dahil sa pagkagat ko, pero hindi pa rin siya bumitaw ng yakap sa katawan ko.
Natigilan lang kaming dalawa sa paglalaban sa isa't isa nang marinig ang boses ni Mommy na papalapit na sa kuwarto ko.
"Baka tulog pa, gigisingin na lang natin," rinig kong sambit ni Mommy.
"Alam mo namang tulog mantika si ate, Mom. Kaya 'wag ka nang magtaka kung ganitong oras ay tulog pa," sagot naman ng boses ng bunso kong kapatid na babae.
My mom knows my password, kaya madali siyang makapasok ng apartment ko kahit hindi pagbuksan ng pinto.
Binitiwan naman ako saglit ni Drex at mabilis na dinampot ang nahulog na kumot bago binalot sa aking hubad nakatawan at saka ako muling niyakap ng mahigpit. Sakto namang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Surpri—"
Mommy couldn't continue shouting “SURPRISE” when she saw us. It's like they are the ones who got surprised instead of surprising me.
They were shocked.
Napaawang ang labi ni Mommy kasama ang kapatid kong babae, and also my boyfriend's sister and her mother were surprised at what they saw.
I wasn't able to speak and my tears just started falling while I was still hugging the man I hate today.
Nang maka-recover ang Mommy ni Luke sa pagkagulat ay agad itong napailing-iling na tila na-disappoint sa naabutan. She quickly left the room with her daughter.
Sunod-sunod namang tumulo ang luha ko at tuluyan nang napahikbi dahil sa kahihiyan.