NAKASANDAL lang ako ng upo sa loob ng kotse habang nakatitig sa binili kong pregnancy test. Gusto kong makumperma kung talaga bang buntis ako dahil parang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang tanong ni drex nung nakaraang araw kung buntis ba ako. Hindi ako mapakali na baka totoong buntis nga ako, kaya ngayon ay naisipan kong bumili ng pregnancy test para malaman kung ano nga ba talaga ang dahilan ng palagi kong pagsusuka tuwing pagkagising sa umaga. Minsan ay nakakaramdam din ako ng pagkahilo at parang gusto ko palaging maasim ang kinakain ko. Lahat ng senyales ng isang buntis ay naranasan ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang kabahan. Mabilis kong pinatakbo ang kotse pauwe sa suite ni drex. Pagkauwe ko ay agad akong pumasok ng banyo dala ang PT. Kailangan ko ng malaman ngayon habang nasa