HINDI ako mapakali ng higa sa kama at panay ang tingin sa orasan. Malapit ng mag 12 am ng gabi pero hindi parin umuuwe si drex, dapat bago mag 7 pm ay nakauwe na ‘yun, pero ngayon ay maghahatinggabi na at wala parin. Galit parin kaya siya dahil sa mga sinabi ko kanina? Siguro ay dinibdib niya lahat ng mga masasakit na sinabi ko. This is all my fault. Inabot ko ang cellphone at tinatawagan ang number ni Tita Mesha. Nagbabakasali na baka umuwe si drex sa kanila, pero nakailang tawag na ako ay hindi naman sinasagot ng kabilang linya, at tingin ko ay tulog na. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at muling nahiga sa kama. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kung tawagan para malaman kung nasa hotel pa ba si drex o nakalis na. s**t! Hindi ako mapakali sa kakaisip sa kanya.