"Very Good, Elize Mica!" Sigaw ni Gorgen na agad na pumalakpak at lumapit sa akin bago pinakatitigan ang katawan ko at kumunot ang noo. "Parang tumaba ka ng kunti, elize. Nagpapataba ka ba?" I rolled my eyes on him. "Baka lumalabo na ang mga mata mo kaya mo nasasabi 'yan." Napasimangot lang si Gorgen sa sinabi ko. Inabot ko ang white robe at sinuot dahil naka swimsuit lang ako at pansin ko na parang kanina pa pinagmamasdan ng bagong photographer ang katawan ko. Parang hinuhubaran niya na ako sa klase ng kanyang tingin. Tsk. Guwapo sana kaso parang may pagka-pervert. Naupo ako sa couch at inabot ang isang bottle ng mineral water bago ininom. "Bukas ay may photo shoot ulit tayo sa isang beach resort mga bandang alas kuwatro ng hapon para kuha ang sunset, kaya binabalaan kita na hu