Nagising ako dahil sa ingay nang mga kasamahan ko dito pshhh!
Humikab muna ako bago bumangon. Naghilamos muna ako at nagmumog bago lumabas sa kuwarto.
"Hoy Elle diba ikaw magsaing ngayon?"
"Tongno bat ako? Ako kaya kahapon nagsaing Rayhanna, diba Joli?"
"Ewan basta tapos na ako maghugas ng plato, k dot!"
"Tas ehh di sino magsaing ngayon?"
"Ehh di ikaw, ikaw na dyan girl. Masarap ka naman magsaing eh HAHAHAHA,"
"Mga langya, as if my choice pa ako diba tsss!"
Napailing na lang ako habang bumaba ako sa hagdan. Oo nasa iisang bahay lang kaming anim pero iba-iba ang kuwarto namin.
"Ohh ayan gising na pala si sleeping beauty," pansin sa'kin ni Jane habang umiinom ng kape habang nanonood ng TV kasama si Joli at Elle.
"Magandang umaga rin Jane," sarkastik kong sabi sa kaniya at dumiretso na sa kusina.
"Hoy Lyn ikaw maglinis ngayon!" Sigaw ni Joli. Di na lang ako sumagot at pumasok na sa kusina. Ganito talaga ang mangyayari pag marami kayo sa isang bahay tapos kayo-kayo lang, parang boarding house gano'n.
"Good Morning Annah," bati ko sa kaniya ng nakita ko siyang nag-cu-cup ng rice sa rice cooker.
"Good Morning din Lyn, may chocolate pancakes na ginawa si Grace diyan," sagot niya naman. Ngumiti na lang ako at nagtimpla ng coffee latte. Si Grace kasi ang hilig magluto sa amin. Kaya nga chef ang kinuha niya para ipagpatuloy ang kahiligan niya.
"Speaking of Grace, nasa'n pala siya? Bat di ko napansin sa baba?" Tanong ko sa kaniya habang umuupo na at kinukuha ang pancake raw ni Grace.
"Nasa labas, sa kaniya kasi ang pagdidilig sa garden ngayon," sagot niya habang umuupo na rin. Tumango tango na lang ako.
Today is Saturday kaya wala kaming pasok. At sa tuwing walang pasok ganito kami, may naka-assign na agad na mga gagawin namin dito sa bahay. Pagka-sunday naman 'yan ang araw namin para sa preparation of school para sa monday. Gaya ng paggawa ng mga assignments, projects, study and so whatever. Para pagka-monday, okay na lahat wala ng problema.
Few minutes, pagkatapos kong magkape at kumain ng pancakes ni Grace, legit masarap siya!!!! Tinali ko muna ang buhok ko into ponytail at saka nagsimulang maglinis sa bahay.
Di naman siya mahirap dahil may vacuum cleaner tas di naman gano'n karumi ang bahay namin. Magwawalis ka lang gano'n.
Sa sala, kusina, sa veranda, mini library at sa banyo lang naman lilinisan ko. May kaniya-kaniya kaming CR sa kwarto namin pero may extra CR kami dito sa baba para sa mga bisita or sa amin din.
Just imagine, ihing-ihi ka na tas aakyat ka pa para umihi, ewan ko lang kung di ka makaihi niyan sa hagdan pffttt HAHAHAHAHA. Pero sa kuwarto namin, kaniya-kaniya na kaming paglilinis. Depende na 'yan sayo kung ano ang ayos ng room mo.
About sa paglalaba ng damit namin, nagpapa-laundry lang kami. Diba iba talaga pagsosyalin ang mga kasama mo awoottss!
"Hooh I'm Donnnneeee!" Narinig kong sigaw ni Grace nang pagkabukas ng pagkabukas niya sa pintuan. Akala mo talaga kung ano ang ginawa, nagdilig lang naman ammmp HAHAHAHA.
"Guys nilinis ko na rin pala ang pool baka want niyo ring magtampisaw sa ilalim ng araw?" Tanong niya habang paakyat sa hagdan.
"Wala ba kayong date ni Zander ngayon?" Tanong ni Joli sa kaniya. Huminto muna siya at humarap sa amin habang nagwawalis pa rin akong nakatanaw sa kaniya.
"Ewan, wala naman siyang sinabi sa'kin," sagot niya at dumiretso na sa itaas.
"Bakit kayo Joli mayro'n?" Singit ni Jane at kinuha ang remote para ilipat sa kabilang channel ang pinapanuod.
"Mamayang alas diyes, manonood kami ng sine," sagot naman niya.
"Kami mamayang gabi pa 8 pm," habol na sagot ni Annah na galing sa kusina. Tinapos ko na ang pagwawalis at umupo na rin sa kabilang sofa. Sana all diba *-*
"Ako rin, date with my books till the day will end," sabi ko sa kanila sabay kuha sa librong babasahin ko na naman.
"Ewan ko talaga sa'yo Lyn, buti di nasisira mata mo dyan 'no," Joli asked while nanunuod ng palabas.
"May eye protector kaya ako," sagot ko naman sa kaniya.
"Kung saan ka masaya girl, go na lang kami. Pero pag gustong-gusto muna magka-jowa just call us and we'll be there," ewan ko kung nang aasar ba 'tong babae na ito Aishhh!
"Alam niyo naman wala pa akong plano diyan. Study first muna," kindat ko sa kanilang sagot HAHAHAHAHA.
"Whatever," sabi na lang ni Joli at nanonood ng taimtim. Ako lang kasi sa amin ang single kaya out of place na naman ako when it comes in relationship pero buti na lang books save me yiiieeee.
Si Jane kasi may jowa 'yan kaso nasa ibang bansa kaya LDR muna sila. Hanggang skype, call at text muna sila ngayon. Tas 'yang si Annah ganiyan-ganiyan lang 'yan, pero she's dating one of the hottest boy in our school.
Si Joli naman, ewan kung magjowa na ba sila bat kasi ayaw pa sagutin kung pareho naman 'yong feelings diba. In short wala pang label pero wag ka nililigawan lang naman siya ng basketball captain ng school naman, diba ang taray. At saka 'yang kay Grace, sabi since birth na raw magkadugtong mga puso nila hehehe ibig kong sabihin, magkakabata na sila ng jowa niya raw so super duper magkakilala na sila niyan. Hindi taga school namin, his from a popular adonis school.
And Elle Yeahhh Si Frank nga ang bass member ng banda ng school namin. Hoping na sana ma-fix na nila ang problema nila. Sinilip ko si Elle habang nanunuod ng TV, tumatawa rin ito pero di niya talaga matatago ang pagkalungkot ng kanyang mga mata. Minsan napapatigil ito sa pagsabay sa kanila at napapayuko. Laban lang Elle.
And last but not the least, siyempre ako. Ang ako na taga-sandalan at taga-comfort sa kanila. Ang ako na walang ibang mahal kung hindi ang aking mga libro, ang pamilya ko at siyempre ang mga kaibigan ko
Diba ang bongga ng mga jowa nila. Hindi basta-basta. Pero ako di na umasang makakaranas ng ganiyan, siyempre iba ako sa kanila eh. Ang layo.
"Witweewww!!!" Naagaw ang pansin namin no'ng nag-whistle si Annah habang nakatingala. Nakita namin si Grace na nakapangligo attire. Naka shades, sport b*a and sport short na may bitbit na towel. Take note, pink lahat.
"OHH MY GOSSHH! WHY DID I FORGET IT, MY DEBUT IS COMING!!!" Biglang sigaw ni Jane habang tumitingin sa phone. Napahinto naman kami at napaisip.
Today is September 12 then Jane Birthday is on September18. Umay malapit na nga tas debut pa 'yan Yiieee. Within a week na lang pero wala pang plano. Patay add to do list na naman!
"OMGG OO NGA UWAHHHH!"
"WE'RE SO EXCITED!"
"TAS DEBUT PA NA 'YAN GIRL OMO! WITH 18 FLOWERS AND 18 CANDLES NA 'YAN KYAAAAHHHHH!"
"Hoy tumigil nga kayo sa kakatili, ang sakit sa tainga,"
"Sorry Lyn but I'm so excited!"
"And speaking of that may party talagang mangyayari at dapat Lyn nando'n ka talaga, no buts!"
O--O
Sinasabi ko nga ba eh HUHUHUHU. I regret kung bakit pa ako nagsalita ackkkkk!!!