♡LYN POV♡
"Wazzup, we're here!!!" Napaangat agad ako ng tingin sa kanila na may tig-iisang dala-dalang tray. Meet my squad.
"Lyn sama ka sa amin mamaya, may party kaming pupuntahan," aya sa akin ni Joli, Jolina Corpus habang nag-uunahan silang umupo. Ang cute charming childish ng squad namin.
"As if papayag 'yan tss," segunda naman ni Grace, Grace Park. Ang attitude girl ng squad. Ingat kayo diyan.
"As usual si Lyn pa, pustahan na lang tayo kung papayag 'yan," komento naman ni Elle, Camelle Salvacion ang make up artist ng squad. Ika nga niya, "Kilay is may life."
"Asa pa kayo, parang di na kayo sanay diyan duhhh," impit na saad naman ni Annah, Rayhanna Chuy. Ang chinese sa squad namin na hindi man lang singkit ang kaniyang mga mata, so weird chussss. The fashion girl sa squad.
"Of course she really love her books more than to us, so boring," sabi naman ni Jane, Baby Jane Muñoz, the party pooper girl, the rich one owning Baby Salon Spa and Baby Jane Boutique. Our dear mother sa squad.
"Guys alam niyo naman pala eh. Ma-out of place lang ako do'n tapos isa pa di ako bagay sa mga ganiyan," umiiling-iling kong sagot sa kanila habang nililigpit ang mga libro ko.
And lastly I'm Edelyn Sanchez, Lyn for short. Ako ang NBSB, ako ang boring, ako ang walang taste sa fashion, ako ang outdated lagi, ako ang babaeng walang pakialam sa mundong ito. In short, ako ang old fashioned sa squad at ang nerdy girl.
Mali bang hanggang ngayon loyal pa ako sa mga kasuotan noon, sadyang mas komportable lang ako sa mga damit noon kaysa ngayon, na kung saan ang mga damit ngayon halos maubusan na ang mga tela, uso yata ngayon ang labasan ng mga kaluluwa aishh!!
"Ayytt why don't you try to hang out Lyn, try to experience new environment naman diba?" Tanong sa akin ni Grace habang ngumunguya ng chips at nag-ce-cellphone lamang.
"Nahh, di ko lang feel mas maganda maging ganito na lang, sa paraang ganito ako masaya," nakangiti kong sagot sa kaniya. Napangiwi naman itong tumingin sa akin at itinuon ulit sa cellphone ang paningin.
"Sa ilang taon kang ganiyan girl, di ka naman naboboring? Ako niyan swear di ko kaya 'yan abeerr!" Singit ni Elle habang nakaharap na naman sa salamin niya at kung anu-anong ginagawa sa buhok. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.
"Minsan nakakabagot pero wala laban pa rin gano'n lang," sagot ko naman sa kaniya. Aytt ano ba 'yan puro na lang ba question and answer kami nito.
"Enough for that, basta if you want to join, just tell us okay. Just eat your meals," singit naman ni Jane at nilapag ang mga pagkain sa harapan. Siyempre siya mayaman kaya libre niya HAHAHAHAHA.
"Huwag mong isipin na prini-pressure ka namin Lyn ha, we're just concern lang baka bored na bored ka na diyan," Joli.
"Yeah, sinasabihan ka lang namin baka balang araw mauntog ka tapos biglang sasama ka diba, ehh di bongggaaa!" Annah.
"HAHAHAHAHA pag talaga masasama natin 'to sa gala, lilibre ko kayo lahat," Elle.
"Utot mo Elle, if I know nag-iipon ka ng pera para sa collection of new makeup stuffs mo duhhh!" Grace.
"WOYY! SAMA MO TALAGA SA AKIN BABAE KA HMMMP!!" Elle.
"Tss RIP Elle,*blee*" Grace.
"Pfft! HAHAHAHAHAHA MY CONDOLENCES!" Annah.
"MGA LANGYA TALAGA KAYO!!!" Alburuto ni Elle at walang anu-anong inayos lahat ng gamit sabay kuha ng pizza at sinubo. Akala niyo mag walk out ang manang niyo, nahh sanay na yata 'yan maprito shhhhhh!
Nakangisi na lang ako habang kumakain ng puto cheese. Mapapangiti ka na lang kakanood sa mga kabaliwan nila. Ganiyan kaming maglambingan. Lambingang nakakaiba pffft!
"Anyway kumusta kayo ni Frank Elle? Balita ko nagkakalabuan daw kayo, totoo ba iyon?" Tanong ni Joli para mag-iba ang ihip ng hangin. Naku! Nakaharap kaming lahat sa kaniya at pinagdidilatan siya ng mata dahil sa tanong niya, aishh wrong move Joli!
"Unfortunately cool off muna daw kami," nakangiting hilaw na sagot ni Elle. Umay, ang pangit ng atmosphere grrr!
"Why not breaking up with him directly girl? You, yourself know what I mean," segunda ni Grace dahilan para matuon ang paningin namin sa kaniya with the expression na "What do you mean?" Habang si Elle naman ay nakayuko lang. I felt something fishy here!
"What? Huwag niyo nga akong tingnan ng ganiyan, just ask Elle not me psh!" Taray niyang sagot sabay irap at parang walang pakialam na nakatuon lamang sa kaniyang cellphone.
Hayyyy, ano kaya 'yon? Bakit feel ko may something na nangyayari. Oo di pa ako naka-try magkaroon ng jowa, pero kaming mga single at walang karanasan sa pag-ibig mas malakas ang sense naming may something basta huwag na kayo magtanong, 'yon na 'yon pfttt
"May dapat ba kaming malaman Elle?" Seryosong tanong ni Annah na may bahid na pag-aalala. Yeah ganito lang sila magkasagutan pero alam ng panginoon kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
"Akala ko ba, no secrets allowed. Ano 'to, ano 'tong nalalaman ni Grace na di namin alam. Why so unfair?" Iritang saad ni Joli. Siguro kailangan ko nang umeksena. Para lang akong narrator dito eh at witness. Di ko alam eh, di ko alam bat di ako mahilig mag salita aytt.
"Joli chill lang, 'yong dugo natin. Calm down okay, " pampakalma ko sa kanya. Umupo na lang ito at tinitingnan si Grace ng masama. Umay! What's going on?
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan, diyan ka kay Elle magtanong kung gusto mo ng explanation. I don't have any rights to cross the line, don't me," reak agad ni Grace sa kaniya. Juskoh! Wag naman sana.
"Bakit palaging ikaw ang may alam? Ganiyan ka ba ka-chismosa ha? Halos lahat ng mga pangyayari alam mo," sabi nito habang dinuro-duro pa ito. Lagot!
"Joli stop you're not helping," awat sa kaniya ni Jane dahilan para panlilisikan siya ng mata ni Joli.
"WOW JANE I'M NOT HELPING PALA HA, IKAW, KAYO ANONG AMBAG NIYO, NAKATUNGANGA LANG DIYAN TSSS!" Sigaw niya ulit. Buti na lang walang masyadong estudyante dito sa cafeteria kasi class hours tas break time kasi naming mga freshmen ngayon.
"Tumigil ka nga diyan Joli nababaliw ka na naman diyan," singit ni Annah.
"Kasi naman itong dalawa na 'to ang sarap pang-umpogin, kung di ko lang kayo love, katayin ko na kayo diyan eh hmmp!!" Sagot niya at naiiritang kumuha ng soda at uminom.
Nakakabaliw diba? Ako rin nadala akala ko talaga rambulan na HAHAHAHA. Pero joke lang nasa squad rules namin 'yan, walang away-away at saka dapat pag-usapan agad ang mga problema gano'n.
Kaya nga di sineryoso ni Grace ang sinasabi ng Joli na 'yan, kasi alam niya tinutupak na naman iyan HEHEHE peace yow Joli.
"Kung di lang din kita kaibigan matagal na kitang tinapon sa bermuda triangle, pasalamat ka," sagot naman ni Grace habang nilalapag ang phone niya sa lamesa at uminom ng mineral water. What'z with her phone? As usual text and chat with her boyfieee.
"Thank You Gracey Sissy^_^ " pa-cute na sabi nitong childish pftttt langya lang HAHAHAHAHAHA
"PFFT! HAHAHAHAHAHA BALIW KA TALAGA!" Annah.
"Crazy childish!" Jane.
"Thank you my a*s, no welcome, sarado kami hmmp!" Grace.
"Pffftt HAHAHAHAHAHA!"
Tawa namin lahat este tawa naming lima maliban lang kay Elle na imbes tumawa ay ngumunguwa pa ito.
O--O
"UWAAAAAHHHHHHHH!" Ngawa niya para tumigil kami sa kakatawa. Hala?
"Hey what happened?" Jane.
"Ilabas mo lang sa amin 'yan, narito lang kami," Annah.
"Shhhhh! Tahan na," Joli.
"Fight lang girl, sige iyak mo lang 'yan," lapit ko sa kaniya at hinihimas ang likuran niya. Ganito na lang ang magagawa ko ang i-comfort siya.
Nakayuko lang si Elle sa lamesa habang umiiyak pa rin. Lagot talaga sa amin ang Frank na 'yon, makakatikim ka talaga!
"Nalaman ko na pustahan lang pala 'tong jowaan na ito *hik*. Tang*na tanga ko! *hok* Bat ako naniniwala kasi agad *hik* akala ko kasi totoo eh bus*t! *hok* Pero di pa alam ni Frank ungas na alam ko na ang lahat," iyak niyang sabi habang nakasubsob pa rin sa lamesa ang mukha niya.
"WHAT! FOR A YEAR? PUSTAHAN LANG? NOO IMPOSIBLE," reak agad ni Jane.
"Baka gawa-gawa lang nila 'yon Elle tapos naniniwala ka agad," Annah.
"Ewan ko rin pero di ko pa alam. Basta kahapon sabi niya we need space muna daw tss," Elle.
"Ehh di sana binigyan mo ng racket papuntang outer space. Tingnan natin," Joli.
"Tss what a nonsense thought girl," Grace.
"Aishh it is supposed to be a joke, mga langya kayo hmmp!" Joli.
"Tsss, so why not confronting him Elle. Para naman matuldukan na 'yang problema niyo kaumay," sabi ko sa kaniya at bumalik na sa inuupuan ko kanina. Tumigil na ito sa paghikbi pero nag-uunahan pa rin ang mga luha.
"Or gusto mo samahan ka namin?" Suggest ni Annah sa kaniya. Oo nga, go kami diyan. Umiling-iling na lang si Elle at pinahiran ang mga luha niya. Kawawa naman ang Elle namin.
"No worries, kaya ko 'to. Thanks Guys!" Sagot niya at ngumiti sa amin. Ngumiti naman din kami pabalik. Ayan ganiyan ang Elle namin.
"Siyempre one for all, all for one nga diba, yiieee group hugggg!" Sigaw ni Joli at dali-dali naman naming pinalibutan si Elle at nagyakapan kami.
I'm so very blessed to have them in my life. Sabihin na lang natin na para akong ma-out of place sa kanila dahil sa mga gimik at interesado sa mga buhay nila.
Ehh ako, mas nakapokus ako sa academic ko para alagaan ang scholarship ko. Yes di ako mayaman, medyo may kaya lang. Pero kailangan kong mag-take ng scholarship para naman bawas sa gastusin nila mama.
Unlike them, galing sila sa mga marangyang pamilya pero para sa kanila wala silang pakialam sa yaman nila. Diba, ang ganda lang nilang kasama.
We become best of friend despite of how far they are from me, pero kahit ganiyan they never treated me na nasa ibaba nila ako. They treated me fairly.
Ganiyan kami ka-solid na magkakasama. Di man kami magkapatid sa dugo, magkapatid naman kami sa puso.