PROLOGUE
"Congratulations, you're one week and one day pregnant," ani ng doctor.
O--O
O--O
O--O
"WHAAATT! BUNTIS AKO DOC? IMPOSSIBLE PAANO NANGYARI 'YON?" Napasigaw ako dahil sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyayari 'to?
"NOOO! BAKA NAGKAMALI LANG PO KAYOO!" Dagdag kong sigaw sa kaniya at naguguluhang umupo ulit. Hinawakan ko ang tiyan ko at nag-uunahan ang aking mga luha. Juskoh! Hindi puwede 'to, napaka-impossibleng pangyayari. Paano ako mabubuntis kung, kung wala man lang nakagalaw sa'kin, kung wala man lang akong lalaki? Jusmeyo! How it could be? Argghhhh!!! Wala pa nga akong first kiss, buntis agad. How could it be?
Nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at pagngitngit ng mga ngipin ko. How come? I'm really sure na di ko ginawa ang bagay na 'yon. My squad always with me and I always with my books. Don't tell me I got preggy because of readings and the great father of my pregnancy is my books. Uwuuuu mababaliw na talaga ako HUHUHU.
"Just calm down miss, just calm down okay. What's the problem?" Pakalma sa'kin ng doctor, langya paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Sino ang maniniwala na buntis ako? Sinong maniniwala na mabuntis ng maaga ang kagaya ko, ang kagaya kong nerd na teenager na walang alam gawin kung hindi ang mag-aral at makikipag-usap sa mga notes at libro niya, tapos ganito ang mangyayari sa akin? Arghhhh this is insane!!!
"How do I calm down doc? Sabihin mo sa akin imposible bang mabuntis ang isang tao kahit birhen pa ito?" Tanong ko sa kaniya ng harap-harapan na ikanagugulat niya.
At sino bang hindi mawindang kung isang virgin ka pa tas malalaman mo isang araw buntis ka na? Ano 'to joke? Kung joke man ito, puwes hindi nakakatuwa swear. Iisipin ko pa lang, di ko na alam ang gagawin ko. Paano ang pag-aaral ko? Ano na lang sasabihin sa'kin nina mama? Kaibigan ko? Ackkkk!
Napailing-iling na lang ako sa naisip ko at nakayukong lantang-lanta na.
"You mean, you haven't tried s3x yet?" Tanong sa'kin ng doctor para ikakalaki ng mata ko, kilabutan nga siya sa tanong niya. Napaka-straight forward naman ng doktor na ito. Hello kaka-18 ko lang kaya at saka 'yang mga salita na 'yan, nakakatindig balahibo grrrr!!! Too vulgarrr.
"Oo and I'm proud of it. Kaya imposibleng mabuntis ako, baka mali lang po kayo," sagot ko sa kanya. Napa-smirk na lang siya at binigyan ako ng PT, umay dapat ba talagang mag pregnancy test pa ako, bakit kasi nangyayari 'to.
"Baka hindi mo alam kung paano gamitin 'yan?" Tanong niya sa akin habang may kung anu-anong nililista.
Di na lang ako sumagot sa kanya. Tumayo na lang ako at pumasok sa CR dala-dala ang PT. Alam ko kung paano gamitin ito dahil siyempre sa mga education purposes tapos siyempre by reading na rin ng kung anu-ano.
Pagkapasok ko sa CR nag-sign of the cross muna ako. Lord naman sana for this second time, totoong mali lang. Di ko talaga alam pag positive to, how come???
Iniihan ko yong PT at hinintay ang result. 101% ang kutob kong hindi talaga, malakas ang kumpiyansa ko dahil I'm still fresh and holy.
P
E
R
O
*dug *dug *dug *dug
Nawala ang ngiti sa aking labi,
Nag-uunahan ang mga luha,
Kabog na kabog ang dibdib ko.
Sana nanaginip lang ako, sana hindi ito totoo.
Nanginginig na ang aking paa, humawak ako sa pader bilang suporta dahil any time puwede na akong matumba dahil nawalan na ng lakas at puwersa ang mga paa ko.
Napaupo ako sa sink habang tinitingnan ang Pregnancy Test result, dalawang guhit so ibig sabihin, napatakip ako sa mukha at sinabunutan ang sarili ko. Impossible, dalawang ulit na itong test, maaring magkamali ang una, pero ang pangalawa ay hinding-hindi, hindi ko na alam. Iisa lang ang ibig sabibin nito,
"I'm a Virgin Mother at Eighteen."