MAY KINUHA SI Hunter sa kanyang bulsa at ibinigay kay Angeline. "Ano ito?" kunot ang noo na tanong sa kanya ni Angeline. "Susi ng condominium na binili ko. Kung ayaw mong puntahan kita rito ay doon na lamang tayo magkita Angeline. Ang lugar na iyon ay sa ating dalawa." "Hindi pwede Hunter, " tanggi ni Angeline sa kanya na ibinalik ang susi. "Putulin na natin ang ugnayan na ito. Hindi ito tama." "At ano ang tama Angeline? Ang tikisin natin ang mga sarili natin? You want me and I love you. Sapat na iyon para magkasama tayo. Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko sayo kanina? Sa susunod ay mas gagalingan ko pa," wika niya na parang nababaliw na sa takot na 'wag siyang layuan ni Angeline. Natigilan ito dahil sa kanyang sinabi. "Papatayin ka ni Samuel kapag natuklasan niya ang ginagawa nat