NAGISING SI ANGELINE na may humahaplos sa kanyang makinis na hita paakyat sa kanyang p********e. Nang una ay hinahayaan niya lang pero nang maalala niya na si Samuel ang katabi niya sa kama ay napabalikwas siya. Mabilis niyang inalis ang kamay nito. "What's wrong with you ha? Kailan mo ako pagbibigyan?" galit na tanong sa kanya ni Samuel. "Wala akong ibang hiniling sa'yo Samuel simula nang una pa lang kundi ang igalang ako. Hindi ko kayang makipagtalik sa'yo," wika niya sa lalaki na napabangon. "Kung ganun ay ganito na lang tayo palagi? Tititigan ka na lang. Hindi ako bakla Angeline at hindi ko kayang magtiis!" Napakagat siya sa kanyang pang ibabang labi. Ito na nga ba ang ang kanyang kinatatakot. Ang ipilit na ni Samuel sa kanya ang sarili. "Ginusto mo ito Samuel. Kung pinatay mo na