CHAPTER SIX

1433 Words
SIMULA nang may nangyari sa kanila ni Angeline ay naging mailap na ito sa kanya. Ramdam niyang iniiwasan siya ng babae. Hindi na ito pinapakawalan ni Samuel. Kulang na nga lang ay itali nito sa katawan si Angeline. Ganun kalaki ang takot nito na mawala ang babae sa paningin nito. Sabagay ay hindi niya ito masisisi dahil gagawin niya talaga ang lahat upang mabawi si Angeline at wala siyang pakialam sa nararamdamam ni Samuel. Kahit na nakikita niya si Angeline na nakangiti ay iba ang nakikita niya sa mga mata nito. Lungkot ang nababasa niya sa mga mata ng babae. Hindi ito masaya kay Samuel. "Hunter!" tawag sa kanya ng ama. Katatapos lang ng libing ni Tito Raul kung kaya wala ng rason upang manatili sila sa bahay nito. Iyon na yata ang pinakamalungkot na nangyari sa kanyang buhay. Ang muling malayo sa babaeng minamahal. Hindi pa siya sumasakay ng sasakyan at nakatitig lang siya sa bahay nina Samuel. Mabibigat ang paa na pumasok siya sa driver seat. Natatakot siya na hindi na muling makita si Angeline. Binuhay niya ang makina ng sasakyan nang mapansin niya si Angeline. Nasa bintana ito at nakasilip sa kanila. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nataranta siyang bumaba muli ng sasakyan upang matanaw ito ng maayos pero hindi niya na ito nakita. "Let's go Hunter," wika sa kanya ni Mama Carol. Tumango siya rito at muling pumasok sa sasakyan. "Hindi lang ikaw ang nagtataka sa misteryong bumabalot sa pagkatao ni Angeline, maging ako rin ay nagtataka at alam kong nasasaktan ka," wika pa nito sa kanya nang paandarin na ang sasakyan. "Salamat Ma," wika niya rito. Kahit hindi siya tunay na anak nito ay nararamdaman niya naman na mahal siya ni Mama Carol. "Nandito lang kami kung kailangan mo ng tulong," wika pa nito sa kanya sabay abot ng calling card sa kanya. Nasa likuran niya ito nakaupo. Napakunot noo siya nang makita niya ang nakapangalan sa calling card na ibinigay nito. "Alam kong kailangan mo 'yan kaya gumawa ako ng paraan para makakuha ng calling card ni Angeline," wika nito kaya napangiti siya. "Thank you so much Ma. Hindi ko ito inaasahan." "Kaya pala hindi ka umaalis sa tabi ni Angeline kahapon dahil diyan," wika pa ni Papa Apollo na natatawa rin. "Curious din kasi ako Apollo. Malakas ang kutob kong may itinatago si Samuel sa atin," sagot ni Mama Carol. "Malaking tulong po ito Ma. Akala ko ay mapuputol na ang ugnayan ko kay Angeline pero dahil sa calling card na ito ay nabuhayan ako ng loob," wika niya pa. "Pamilya tayo Hunter. Syempre gusto ko rin na maging masaya ka. Alam ko naman kung gaano mo katagal na hinintay si Becca. Saksi kami kung paano ka nangulila sa kanya." Ginagap ng kanyang ama ang kamay ni Mama Carol. Hindi na siya makapaghintay na hindi makausap si Angeline. Namimiss niya na ito kaagad. ************** WALANG MAGAWA si Samuel kundi ang manatili sa probinsiya dahil sa kagustuhan ng ina. Gusto nitong kasama palagi ang apo nito. Kung siya ang masusunod ay ayaw niyang manatili si Angeline sa kanila. Alam niya kasing hindi titigil si Hunter. Kilala niya ito. Kung sira ulo siya ay mas sira ang ulo nito. Nag-aalala siya na makuha nito ang kanyang mag-ina. Hindi niya iyon hahayaan na mangyari. Kanya lamang si Angeline. "Samuel!" tawag sa kanya ng kapatid na si Patrick Samonte. Nang malaman niya na ampon siya ay hinanap niya na kung sino ang kanyang tunay na mga magulang hanggang sa nagpakilala sa kanya si Patrick na kapatid niya ito. Walang nakakaalam sa lihim nilang iyon. Nalaman niyang pinaampon siya dahil palagi siyang maysakit noon. Ang kapatid niya rin ang kumuha kay Becca at itinago nito. Oo, si Angeline at Becca ay iisa. Binago nila ang buhay nito at inilayo kay Hunter upang makaganti sa lalaki. Bilyon ang nawala sa negosyo nila nang pabagsakin ni Hunter si Melchor Perez. Dahil dun ay minahal niya si Becca. Iyon ang rason niya kung bakit hindi niya maibigay si Becca sa kanyang kapatid. Samantalang si Becca naman ang naging alas ni Patrick kay Hunter lalo pa at may personal na galit si Patrick kay Hunter. Napag-alaman ng kanyang kapatid na naging babae rin ni Hunter ang asawa nitong si Cristina. Tumingin siya sa kapatid. Pinapunta siya nito sa bahay nito. "Make sure na hindi aamin si Angeline kung sino siya dahil kapag ginawa niya 'yon ay tutuluyan ko siya at ang anak niya. Kaya lang siya buhay ay dahil sa'yo. Isa pa ay alas natin ang anak ni Angeline laban kay Hunter." "Ako ang bahala kay Angeline, Patrick." "Nawawala ka sa focus dahil sa pagmamahal na 'yan Samuel baka mamaya ay maisahan lang tayo ni Hunter. Kalaban ang mga Villareal, Samuel at hindi mo sila kadugo. Naiintindihan mo ba ako?" tanong pa nito sa kanya. "Alam ko. Ang akin lang ay hayaan mo sa akin ang mag-ina ko. Okay lang na gamitin mo sila sa mga plano mo pero akin si Angeline. Hindi siya pwedeng bumalik kay Hunter," galit niyang sagot. "Paano kung si Angeline ang bumalik kay Hunter? Sa tingin mo kaya ay naniwala si Hunter na hindi siya si Becca?" "I will stick to the plan. Alam kong hindi aaminin si Angeline," pagsisiguro niya pa sa kapatid. "Sige na umuwi ka'na at baka malingat ka pa," pagtataboy nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang umuwi. Bumalik na naman sa kanyang alaala nang hanapin niya si Angeline sa mansiyon. Iniwan niya lang ito sa silid nila at pagbalik niya ay wala na ito na labis niyang ikinagalit. Napakuyom siya ng kanyang kamao nang makita si Angeline at nakasunod si Hunter dito. Mukhang katatapos lang ng mga ito mag-usap. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng mundo dahil sa nakita. Hindi niya hahayaan na makuha muli ni Hunter si Becca. Matagal niya itong itinago. Wala na si Becca dahil si Angeline na ito. Matagal na nilang pinatay si Becca sa katauhan ni Angeline. Galit na hinablot niya si Angeline at dinala niya ito sa silid nila. Mabuto na lang at walang tao parteng iyon ng bahay dahil halos nasa sala ang mga nakikiramay sa kanila. "Nasasaktan ako Samuel. Ano ba!" pagpupumiglas nito sa kanya. Napangiwi ito ng suntukan niya ito sa tiyan. Napaluhod ito sa kanyang harapan. Namilipit sa sakit. "Alam mo naman siguro na kanina pa kita hinahanap hindi ba?" tanong niyang galit na galit. "Nasa kusina lang ako," pagdadahilan pa nito. "Hindi ako tanga! Binalaan na kita Angeline. Ayokong nakikipag-usap ka kay Hunter," wika niya pa. "Kapag hindi ako nakipag-usap sa kanya ay mahahalata niya ako. Lalakas pa lalo ang kanyang hinala na ako si Becca," umiiyak nitong sagot sa kanya. "I gave you everything Angeline at hindi naman siguro tama na ito ang isukli mo sa akin," wika niyang hinila ito patayo. Idinikit niya ito sa pader sa labis na galit. Gusto niya itong sampalin pero hindi niya magawa at baka may makakita pa ritong may pasa. "Anong gusto mong gawin ko Samuel? Ang tanggapin ang gusto mo? Itinago mo ako sa pamilya ko at kay Hunter. You kidnapped me!" galit din na sagot sa kanya ni Angeline kaya napangisi siya. "I made you damn it! Ginawa kitang tao at pinakilala sa mundo ng pagmomodelo. Ano pa ba ang kulang?" "Ginawa mo 'yun upang ilihis ang katotohanan. Isa lang ang gusto ko, ang palayain ako Samuel. Hindi kita kayang mahalin," umiiyak na wika ni Angeline sa kanya. Sa galit niya ay itinulak niya ito. Napasalampak sa sahig si Angeline. Napansin niyang napangiwi ito sa sakit. Ito ang buhay sa kanya ng babae sa tuwing na ginagalit siya nito. Manhid na nga yata ang katawan nito dahil sa pananakit niya. "Ako lang ang pwede mong mahalin at wala ng iba. Huwag mong kakalimutan na akin ang anak mo. Hinding-hindi mo siya makukuha sa akin!" sigaw niya rito. "Walanghiya ka Samuel! Malapit na ang katapusan mo," umiiyak nitong wika. "Kapag nangyari 'yon ay isasama kita. Galitin mo pa ako at ulo na ng anak ninyo ni Hunter ang makikita mo," pagbabanta niya pa. "Maligo ka at lumabas doon. Maraming bisitang naghihintay sa akin," dagdag niya pa bago lumabas ng silid. Wala siyang pakialam kung hindi niya makuha ang puso ni Angeline. Ang mahalaga sa kanya ay nasa kanya ang babae. Hanggat may pinanghahawakan sila kay Angeline ay matatakot itong lumaban. Wala naman talaga siyang balak na dalhin ito sa Sorsogon pero iyon ang plano ni Patrick. Gagamitin nito si Angeline upang mawala si Hunter sa konsentrasyon nito dahil kung siya lang ang masusunod ay itatago niya si Angeline kay Hunter..Magkamatayan na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD