CHAPTER SEVEN

1328 Words
Ang nakaraan...... BITBIT ang mga gamit ay nagpaalam na si Becca sa kanyang mga kamag-anak. Ngayon na ang alis niya patungong Manila. Tuloy na tuloy na ang pagpunta niya sa ibang bansa kung kaya kailangan niya ng pumunta ng Manila sa lalong madaling panahon. Isa pa ay kailangan niyang lumayo kay Hunter. Masasaktan lamang siya hanggat nakikita niya pa rin ang lalaki. Siya lang rin naman ang mahihirapan dahil kahit ipilit niya ang gusto ay wala siyang halaga sa lalaki. Isang panakip butas lamang siya. Gagamitin lang siya ni Hunter upang makuha muli si Alani at sa huli ay siya lang ang luhaan. Kumbaga pampalipas oras lamang siya. Gagamitin kung kailan nito kailangan at isa siyanf malaking tanga. Umaasa sa isang bagay na malabong mangyari. Akala niya ay masasanay siya na iba ang mahal ni Hunter. Akala niya lang pala, dahil sa ilang beses na nangyari sa kanila ng lalaki ay lalo niya pa itong minamahal at kalaunan ay nasasaktan na siya. Walang ibang nakikita si Hunter kundi si Alani. Kay Alani tumitibok ang puso ni Hunter at hindi sa kanya. Mabigat ang paa na sumakay siya sa inarkilang sasakyan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho, hindi na siya tumutol sa gusto ng mga ito dahil hindi tiyak niyang mahihirapan siya kung magco-commute lamang siya. Ang sasakyan na inarkila ng mga ito ay ang maghahatid sa kanya sa terminal ng bus station patungong Manila. Dalawang maleta rin ang kanyang dala. Ang iba niyang mga gamit ay pinamigay niya sa kanyang mga kamag-anak. Isa pa ay wala na rin naman siyang babalikan sa Sorsogon. Hindi niya kilala ang driver na kinuha ng kanyang mga kaibigan sa trabaho. Natitig siya sa kanyang cellphone. Larawan iyon ni Hunter. Hindi niya mapigilang hindi mapaiyak habang pinagmamasdan niya ang larawan ng lalaki. Sa tagal niyang minahal si Hunter ay hindi niya alam kung makakalimutan niya ito. Noon pa naman ay lihim niya itong minamahal pero si Hunter ay nakatuon lang ang pansin kay Alani. Tinanggap niya iyon dahil sa labis na pagmamahal pero ang lahat ay may hangganan. Napapagod din siya, napapagod na siyang masaktan. Huminga siya ng malalim bago pinunasam ang luha. Mananatiling bangungot ng kahapon si Hunter. Napakunot ang kanyang noo nang makita niya ang driver na nagsuot ng gas mask. Sa tingin niya ay hindi pa naman ito katandaan. "Bakit po Manong? Anong meron?" tanong niya. Ang weird kasi nito. Sa halip na sumagot ay may inispray ito sa loob ng sasakyan, ilang sandali pa ay nagdilim na ang kanyang paningin. Wala na siyang namalayan sa mga nangyari. Paggising niya ay nasa loob na siya ng isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Ang mga gamit niyang dala ay nagkalat sa loob ng silid. Isa-isa niya iyong kinuha at binalik sa maleta niya. Ang kabog ng kanyang dibdib ay ganun na lamang. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya rito at kung sino ang taong nasa likod ng pagdukot sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mapaiyak. Takot na takot ng mga oras na iyon. Tiyak niyang walang maghahanap sa kanya lalo pa at maayos naman ang kanyang pagpapaalam sa kanyang mga kamag-anak. Hindi niya mapigilang hindi panghinaan ng loob. Mabilis niyang tiningnan ang pinto pero nakalock iyon mula sa labas. "May tao ba diyan?" sigaw niya. "Tulong!" Ilang beses siyang sumisigaw. Sumakit na lang ang kanyang kamay sa kakahampas ng pinto pero tila walang tao sa labas. Umiiyak na siya sa takot. Napatingin siya sa bintana. Ang lahat ay nakalock. Napansin niyang nakabukas ang aircon sa loob ng bahay. Napaupo siya sa maliit na kama na naroon. Muli siyang umiyak. Hindi niya alam ang bukas na naghihintay sa kanya. Hinanap niya ang kanyang cellphone sa paligid pero hindi niya iyon nakita. Tumayo siya nang mahagip ng kanyang mata ang maliit na refrigerator. Binuksan niya iyon. Puno naman ng pagkain sa loob. Kumuha siya ng tubig at mabilis iyong ininom bago niya pa inikot ang kabuuan ng silid. Gusto niyang makakita ng daan palabas pero bigo siya dahil kahit sa CR ay walang madaan. May exos fan siyang nakita pero hindi naman kasya ang tao. Sa tingin niya kapag nawalan ng ilaw ay masu-suffocate siya sa silid na 'yon. Umiiyak na bumalik siya ng kama. Naubos nalang ang kanyang maghapon sa silid na iyon at wala man lang nagbukas ng silid. Nakailang tulog din siya pero walang nangyari. Nakakulong pa rin siya sa silid na tinagurian niyang isang hawla. Dalawang araw rin ang lumipas na nakakulong siya sa silid na iyon bago bumukas ang pinto. Nagmistula siyang bilanggo at walang makitang tao. Walang laman ang kanyang isip kundi ang lalaking kanyang minamahal. Hindi kilalang tao ang nasa kanyang harapan pero maporma ito. Sa tantiya niya ay nasa forties na ito. Higit na matanda kay Hunter. "Kumusta ka?" tanong nitonsa kanya. "Anong kailangan mo sa akin at bakit mo ako pinadukot?" tanong niya sa lalaki. "Wala akong panahon para sagutin ang tanong mo dahil papatayin din naman kita," sagot ng lalaking kanyang kaharap kaya natigilan siya. Bigla siyang nataranta. "Wala akong natatandaan na may atraso ako. Maawa ka naman sa akin. Wala akong kasalanan," napaluhod siya sa harapan nito upang magmakaawa pero hindi siya nito pinansin. "Sumunod ka sa akin," wika nitong tinalikuran siya. Mabilis siyang tumalima at sinundan ito. Wala siyang sapin sa paa dahil nakarubbershoes siya nang dukutin nito. Napatingin siya sa kabuuan ng bahay. Isang malaking bahay iyon na may tatlong palapag. Sumunod siya nang bumaba ito ng hagdan. Nanginginig ang kanyang katawan lalo pa at puro tinapay lang ang kanyang kinakain. Hindi pa naman siya sanay na walang kanin. "Huwag mo ng pangarapin na makatakas sa akin dahil puro ng bodyguard ang bahay ko," wika nito sa kanya na nakatalikod. Napansin siguro nito na panay ang linga niya. Hindi siya kumibo. Sa kusina siya dinala ng lalaki. Hindi nga ito nagsisinungaling dahil napakaraming bodyguard nito. Lahat yata ng sulok ng bahay ay may nakatayo. Napansin niya ang pagkain sa kusina. Mabilis siya lumapit at kumuha ng fried chicken. Akala siguro ng mga bodyguard ng lalaki ay tatakas siya dahip naging alerto ang mga ito. "Hayaan niyo ng kumain," wika ng lalaki na sumundo sa kanya sa silid kung saan siya nakakulong. Wala na siyang pakialam sa paligid niya dahil gutom na gutom na talaga siya. Hindi na siya nag abala pang umupo at mabilis na kumuha ng kanin. Mamamatay rin lang naman siya 'wag naman sa gutom. Nakamasid lang sa kanya ang lalaki habang kumakain siya. Kabilat kanan ang hawak niya sa fried chicken. Wala siyang pakialam kung isipin man nitong patay gutom siya. Ito rin naman ang may kasalanan kung bakit siya nagutom nang dalawang araw. Nang mabusog ay inabot niya ang soda na nasa kanyang harapan. Mabilis niya iyong tinungga. Ilang sandali pa ay may napansin siyang lalaki na bagong dating. Hindi niya ito kilala. Nagtama ang kanilang mga mata. Pinagmasdan siya ng lalaki. Sa tingin niya ay kaedaran lang nila ito. Napansin niya ang pagkakahawig ng mga ito. "Ikaw na muna ang magbantay sa babaeng ito at may one week out of town meeting ako sa mga bagong kliyente natin. Siguraduhin mo lang na hindi siya makakatakas," wika ng lalaki sa bagong dating na titig na titig sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi kabahan sa kakaibang titig nito. "Uuwi na ako," wika niya sa dalawang lalaki. "Hindi ka uuwi!" sigaw sa kanya ng lalaking sumundo sa kanya kanina. "Aalis ka hindi ba? Isa pa hindi ko naman ito bahay," katwiran niya pa. "Uuwi kang bangkay na!" sigaw pa nito kaya muli siyang natakot. napahalukipkip siya sa isang sulok. "Sige na, ako na ang bahala rito," wika ng lalaking bagong dating. "Huwag mo siyang alisin sa paningin mo. Kapag nagtangkang tumakas ay patayin mo na," wika pa ng lalaki kaya hindi na siya kumibo. Hindi niya alam kung ano ang atraso n'ya rito dahil sa tindi ng galit nito. Nang makaalis ito ay nakahinga siya ng maluwag. Mukhang hindi kasi ito nagbibiro nanpapatayin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD