CHAPTER FIVE

1229 Words
HINDI MAPIGILANG hindi mapangiti ni Hunter. Kung kanina ay kulang na lang ay magwala siya sa galit ngayon ay para siyang nanalo sa lotto. Hindi niya na hahayaan na makalayo pa sa kanya si Becca. Ito na ang simula ng lahat. Ipaglalaban niya ito kahit iba ang nagmamay-ari rito. Wala sa bokabularyo niya ang isuko ang kanya. Paglabas niya ng silid ay nakita niya si Ezekiel. Kaagad siya nitong nilapitan. “Kanina pa hinahanap ni Samuel si Angeline. Kasama mo ba siya?” mahina ang boses na tanong nito sa kanya. Bagong ligo na siya bago siya lumabas. Hindi n’ya mapigilang hindi mapangiti sa tanong ni Ezekiel. Masyaong praning na si Samuel. Palibhasa kasi may itinatago ito. “I was with her,” pag-amin niya. “Nababaliw ka ba? Gulo ‘yang ginagawa mo Hunter,” sermon pa sa kanya ng kapatid. “Hindi ako papayag na maisahan ako ni Samuel, Ezekiel. Niloko niya tayo. Alam kong si Angeline ay si Becca,” giit niya pa. “Hindi sabi ko sa’yo na hinay-hinay lang? Hindi ko pa nakakausap si Samuel. Aamin siya sa akin, believe me.” “Paano kung hindi? Akala ko naman ay kamag-anak natin siya pero traydor pala. Alam niyang matagal ko nang hinahanap si Becca and all this time ay nasa kanya lang pala,” katwiran n’ya. “At paano kung hindi talaga siya si Becca? Nanggugulo ka ng pagsasama ng mag-asawa Hunter.” “At paano mo maipapaliwanag sa akin ang pagsuko ni Angeline ng sarili niya sa akin?” tanong niya rito kaya natigilan si Ezekiel. “May nangyari na sa inyo?” bulalas nito. “Ang boses mo,” saway niya dahil marami pa ring tao sa paligid nila. “Answer me, Hunter. Pinilit mo si Angeline sa gusto mo?” tanong niya pa. “Kusa niyang ipinagkaloob ang sarili niya sa akin nang dalhin ko siya sa silid ko. Walang rape na nangyari dahil pareho kaming naging masaya,” paliwanag niya pa. “Sumasakit ang ulo ko sa’yo Hunter. Paano nga kung hindi siya si Becca? At kung siya naman si Becca ay ano ang dahilan niya para magtago sa atin? May anak na siya Hunter at hindi ikaw ang ama kundi si Samuel.” “Tulungan mo ako Ezekiel. Kailangan malaman ko kung ano ang itinatago ni Samuel at kung bakit naging sunod-sunuran si Becca sa kanya. Paniwalaan mo ako, siya si Becca at hindi siya si Angeline David.” “Alam mong hindi kita pababayaan Hunter pero sana ay ‘wag kang padalos-dalos.” “Alam ko ang ginagawa ko at nag-iingat naman ako,” wika niya pa. “Baka kapag nalaman ni Samuel na naglalaro kayo ng apoy ni Angeline ay baka pareho kayong mapahamak,” wika pa nito. “Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko Ezekiel. Kung sa ganitong paraan lang para makasama ko si Becca ay gagawin ko. I want to be with her kahit pa panandalian lang,” wika niya pa. Tinapik siya sa balikat ni Ezekiel. “Nasa likod mo lang ako. Sige na at hinahanap ka ng ibang mga bisita. Puntahan ko lang ang mag-iina ko,” wika sa kanya ni Ezekiel bago siya nito iniwan. Pagbalik niya sa mga bisita ay nakita ng kanyang mga mata si Samuel. Napansin niya ang pagsulyap nito pero hindi niya ito pinansin. Nasa tabi na nito si Angeline at mukhang bagong ligo rin ang babae. Sino ang mag-aakala na ang kasama nila noong nanganganib ang kanilang mga buhay ay traydor pala at may lihim na agenda? Ang tulad ni Samuel ang nagpapakita na totoong may ahas. “Mayor Hunter Villareal,” wika ng isang kilalang businessman sa kanilang lugar na si Patrick Samonte. Sa tingin niya ay nasa forties na ito at matikas pa rin ang pangangatawan. Ito ang dating asawa ni Cristina Perez. Ang alam niya ay marami itong illegal na gawain at iyon ang hindi niya pa napapatunayan. Masyadong maingat si Patrick Samonte sa mga ginagawa nito. Gumagamit pa ito ng ibang tao upang hindi matukoy na ito ang utak ng mga illegal na gawain. Nilapitan niya si Patrick at ngumiti rito. “Good evening Mr. Samonte,” sagot niya. “Nakikiramay ako sa pamilya ninyo,” wika nito sa kanya kaya tumango siya. Lumapit pa ito sa kanya upang lumayo sa mga taong naroon. “Marami na akong narinig tungkol sa’yo Mayor Hunter at sa tingin ko naman ay totoo ang mga naririnig. The bad boy Villareal?” wika pa nito sa kanya. “Totoo ‘yan Mr. Samonte. Hindi ko ‘yan ikakaila,” sagot niyang napakuyom sa kanyang kamao pero tulad ng palaging sinasabi sa kanila ng amang si Apollo ay dapat na palagi silang mahinahon kahit pa nakakapikon ang kaharap. “Hindi ba tauhan ka dati ni Papa?” tanong pa sa kanya ni Patrick. “Oo at ikaw di ba ang dating asawa ni Cristina Perez na hiniwalayan ka?” tanong niya. Napansin niya ang pagtagis ng bagang nito dahil sa kanyang sinabi. “Akala ko ay magaling si Papa humawak ng tao. Naisahan mo ang tusong si Melchor Perez, Mayor. Isa kang ahas na pagkatapos bihisan at pakainin ay biglang manunuklaw,” wika pa nito sa kanya. “Lahat naman tayo ay hunyango. Kung saan may pakinabang ay nandoon hindi ba Mr. Samonte? Pero hindi ka lang basta hunyango dahil isa ka ring linta.” pauyam niyang sagot sa kausap kaya ngumisi ito. “Hindi lang naman ako ang gumamit kay Melchor Perez dahil ikaw rin. Pinulot ka lang niya at dahil mautak ka ay pinakasalan mo ang anak niya. Tama ba ang impormasyon na nakuha ko?” tanong niya rito na nakangiti. “Kung nasaan ka ngayon Hunter ay hindi dahil sa sarili mong diskarte kundi dahil isa kang Villareal at ako? Dugo at pawis ko ang puhunan sa lahat ng ito. Magkaibang-magkaiba tayo,” wika pa nito kaya napangisi siya. “Huwag ka lang maging kampante at baka magsama kayo ni Melchor Perez sa kulungan,” sagot niya pa. “Masyado kang mayabang. Bata ka pa sa larangang ito Mayor kaya kung ako sa’yo mas mabuti pang maging dealer ka na lang ulit ng drugs para naman may matutunan ka.” “Hindi na pwede Samonte dahil ang tungkulin ko ngayon ay ang patayin ang mga drug lord na katulad mo,” sagot niya. Napansin niyang namumula sa galit ang mukha ni Samonte dahil sa kanyang sinabi. “Hindi mo kilala ang binabangga mo Hunter, ayokong magsisi ka sa huli. You need to be nice to your enemy,” sagot pa nito. Akmang tatalikod na ito sa kanya pero tinawag niya ito kaya ito muling humarap sa kanya. “Kilala kita Samonte. Maraming sinabi sa akin si Cristina tungkol sa’yo at kung bakit iniwan ka niya,” wika niya pa. “Stop it! Damn you,” pigil na pigil ang galit sa boses nito. Gusto niyang humalakhak sa reaksiyon ni Samonte. “Ayaw mo bang marinig?” tanong niya. Nilapitan niya pa si Samonte at may ibinulong siya. “Payo ko lang sa’yo, uminom ka ng viagra baka tumayo pa ‘yan,” wika niyang natatawa bago niya ito iniwan. Tiyak niyang nagwawala si Samonte sa kanyang sinabi pero bakit ba siya matatakot? Tiyak niya rin naman na marami itong alam sa kanya dahil sa mga sinabi nito kanina. Amanos lang kung baga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD