NAPAAPAK SA PRENO si Hunter ng biglang may tumawid na bata. Napatuwid siya ng upo sa takot na baka nasagasaan niya ito. Mabilis siyang bumaba ng kanyang sasakyan. Napahinga siya ng maluwag nang makita ang bata na nakahiga sa lupa. Walang galos at mukhang hindi naman nasaktan. Mabilis niya itong nilapitan na nag-aalala. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong pinabangon ito pagkatapos niyang pagpagain ang marungis nitong damit. Ngumiti sa kanya ang babae. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla niya itong niyakap. Siguro dahil na rin sa takot na baka nasagasaan niya ang inosenteng bata kung kaya ganun na lamang ang kanyang reaksiyon. Sa tingin niya ay kaedaran ito ng triplets at ni Sam. "Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ulit sa bata. "Wala po," sagot nito sa kanya. Hin