Chapter 12
Pagkababa ko ng taxi, agad kong inayos ang aking sarili. Halos patakbo akong papuntang apartment. Agad kong binuksan ang pintuan.
Pero wala akong makitang tao. Tumakbo ako sa kusina wala din tao doon. Mabilis kong tinungo ang kwarto ng mga anak ko. Pagbukas ko ng pintuan,nagulat silang lima. Sa akin ang nakacentro ng mga mata nila habang nakatitig sa akin. Nagbibihis ang mga anak ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil andito sina Marisa at Manang Delia.
"Where, have you been?" tanong ni Black habang nakapamulsa ito.
Napalunok ako, dahil diko alam ang isasagot ko sakanila.
"My god Mommy! We are worried, about you," saka ako niyakap ni Brown.
"Mommy what happen to your neck?, is mosquito bite you?" habang hinahaplos ni Blue ang leeg ko. Di ako agad nakapagsalita. Diko alam ang aking sasabihin. Si Marisa naman nakatitig lang sa akin. Saka niya ako hinila patungo sa labas ng kwarto.
"Halika dito mag usap tayo! Kids stay first here, I need to talk your mother?"
Sabi ni Marisa. Habang sinasara ang pintuan ng kwarto.
" Now tell me, anong ngyari saiyo bat bigla kang nawala nung,nagkagulo" tanong ni Marisa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Mahabang istorya Beshy" sagot ko.
"Eh di iksihan mo, para maintindihan ko, saka ano 'tong suot mo, damit pang lalake, magsabi ka nga ng totoo?" di ako makasagot, bigla na lang tumulo ang luha ko. Dahil sa ngyari sa akin.
"My god April! Wag mong sabihin, naulit nanaman ang ngyari saiyo?" tumango ako sa kanya, bigla niya akong niyakap.
"Sabihin mo sa akin kung ano ngyari"
Kwento ko sa kanya ang lahat nangyari sa gabing yun, wala siyang nagawa kundi yakapin at patahanin ako.
"Shshsh, it's not your fault! beshy, andito lang kami, dito muna ako saka na lang
ako uuwi, tawagan ko na lang sina mommy, samahan muna kita ok?
" Salamat beshy, diko alam ang gagawin kung wala ka, "patuloy kong pag iyak.
" Gago din yung lalake na yun ah pinagsamantalahan niya ang kahinaan mo, tawagan ko mamaya si Aldrin"..
"Wag beshy, wala kang pagsasabihan, please" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Kilala mo ba yung lalake na yun na naka one night stand mo?" tanong nito habang nakataas ang isang niyang kilay.
"Hindi, di naman ako intrisado sa buhay na iba" sagot ko naman sa kanya.
"Oh my god, your really innocent. Siya lang naman ang ang pinsan ni Aldrin, Isa siya sa pinakamayan dito sa buong pilipinas, maimplewensyang tao, you need to stay away from him, play boy yun baka idagdag ka lang sa mga flings niya"
Paliwanag nito. So isa siyang mayaman.
"Siguro, di na yun intrisado sa akin" matamlay kong sagot.
"Alam mo ba ang pangalan niya?"
"Hindi, saka di nga ako intrisado"
"Gaga, nagsama kayo ng buong gabi ni pangalan di mo alam, kurutin ko kaya singit mo, Siya si Leonardo Ace Williams, nagmamay ari ng Williams Empire,."
"Oh, bat parang pamilyar ang pangalan niya" napaisip ako, parang narinig ko na.
"Siyempre kahit san ka magtanong kilala siya baka naririnig mo lang, siya tama na yan magbihis kana para makakain na tayo, bilisan mo"
"Pero saan kayo pupunta dapat kanina bat nagbibihis din ang mga bata?"
"Natural hahanapin ka namin sana kaso andito kana kaya wag na, kakain na lang tayo, nagpa order ako ng foods mamaya deliver dito."
Agad naman ako kumilos para makaligo at makapagbihis na rin. Pagkatapos ko magbihis lumabas ako. Nasa kusina na lahat nag aantay, para kumain.
"Let's eat now mommy, we are hungry"
Sabi ni Blue habang nakanguso.
"Sige anak kain na tayo"
"Me too mommy," Sabi din Brown.
Si Black naman parang walang pkialam sa mundo, basta panay ang tingin nito sa akin, parang nagtatanong ang mga mata nito. Nginitian ko siya.
"Kain kana anak, ok lang si mommy," tumango lang ito saka tinutok ang atensyon sa pagkain.
"Kumain ka na rin Beshy sigurado napagod ka ng husto" pagbibiro nito habang may kasamang kindat.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Pagkatapos namin kumain, si manang na ang nagligpit. Mga bata nasa sala nanonood. Kami naman ni Marisa nakaupo malapit sa mga bata.
"Wag na muna tayong gumala ngayon beshy pagod ako" sabi ko kay Marisa.
"Talaga san ka napagod? Dahil ba sa ngyari, anong feeling makatabi ang isang sikat, at napakagwapong nilalang" pabirong sabi nito, kinurot ko ang tagiliran niya kaya napatili siya.
"Shshs, can you please lower your voice"
Paninita ni Black, kaya agad kaming nanahimik ni Marisa.
"Parang napakabossy nitong isang anak mo na to, teka wala ka bang napapansin sa mga anak mo, bakit parang malaki ang hawig nila doon sa taong yun" pagtataka ni Marisa, napansin niya pala yun.
"Malabong mangyari yang iniisip mo"
"Para nga silang pinagbiyak na bunga, lalo na yang si Black, parehong pareho sila". Napapaisip tuloy ako, tama si Marisa magkakamukha silang apat. Pero hindi talaga, baka nagkakamali lang siya.
Bigla naman nagring aking phone.
Kaya kinuha ko agad at sinagot.
"Sagutin ko lang to beshy".
"Hello, sino po sila?" sagot ko kaagad.
"Where are you"? Tanong ng isang lalake sa kabilang linya.
"Sino po sila?"
"You, forget me already?
" Pasensya na po diko kayo natatandaan eh, " nagtatakang sabi ko.
" Diba ngayon Ang grand opening ng Williams hotel, dapat andito kana ng 9 am pero it's almost 11"..
"Ha! oo nga pala, oh my god nakalimutan ko monday pala ngayon, unang pasok ko sa trabho" pagkagulat ko, agad agad akong pumasok sa aking kwarto para magbihis, para makapasok sa trabaho grand opening pa ngayon.
"Sorry po nakalimutan ko, papunta na po ako ngayon din"
"Ok see you cutie" pamamaalam nito, teka kilala niya ako.
"Ah wait sir--" naputol na sasabihin ko dahil binaba na nya agad.
Agad agad akong naghubad.
"May pasok pala ako ngayon Marisa, nakalimutan ko, kaw na muna bahala sa mga bata,"
"Ha! wag kana pumasok"
Di pwede grand opening namin ngayon"
Agad akong nagtungo sa kabinet ,sinuot ko agad ang aking uniform.
Saka nagmamadaling lumabas.
"Mga anak, papasok muna si mommy ngayon sa trabaho, wag niyong bigyan ng sakit sa ulo ang tita ninang niyo ha, bye mga anak, beshy bahala ka na sa kanila"
"Bye mommy take care"
"Bye beshy, ako na bahala sa kanila"
Agad akong sumakay ng jeep.
"Naku naman April first day mo sa trabho late ka pa nakakahiya sa mga boss".
Sabi ko sa sarili ko.
****Alexander****
"Hey, Leo di ka ba talaga dadalo sa opening ng hotel? Saka saan ka ba nagpunta kagabi bigla ka na lang nawala pagkatapos ng gulo"
"Fvck off! I have something to do, Bye"
"Wait! Leon!!"
"What again!"
"Di ka naman matutuloy sa Singapore diba? So why dont yo--" tut tut tut---
"What the fvck!! Dipa ako tapos magsalita binabaan na ako kaagad" nainis na napamura talaga ako, so mokong na to, bakit pa nagpatayo ng hotel kung di naman siya dadalo.
"Si Leon, ba yan?" tanong ni Aldrin
"Yess, but he don't go here"
"Saan ba yan nagpunta kagabi bigla na lang siya nawala" sabad din ni King.
"Ah what ever!sige diyan muna kayo may aasikasuhin lang ako."
"Ok go dude!" sagot ni Aldrin.
Agad kong tinungo ang labas ng hotel para abangan ang bagong receptionist, tutal mayang 12 pa ang simula ng celebration . Agad naman dumating ang inaabangan ko. Sinalubong ko ito.
Palinga linga ito, tumigil siya ng magkasalubong kami.
" Welcome April!"
"Ha! Ikaw," pagtataka nitong sabi habang nakatulala, at tinitignan ako.
"Yes its me welcome! You look beautiful"
"Ikaw si Alexander Davies? Ang ceo ng hotel na to" gulat nitong sabi.
"Yess its me, ok shall we" akmang abutin ko ang kanyang kamay, pero umiwas ito.
"Sorry po sir, nakakahiya po,", napangiti ako habang sinusundan siya habang papasok sa loob ng hotel.
Agad siyang pumasok loob, at tinungo niya front dest, para magsimula na itong magtrabaho.
Ako naman saka sina Aldrin at king. Inasikaso namin ang mga taong nagsidating. Dumating na din ang 12. Para simulan ang celebration ceremony . Daming tao na dumalo. Kilala lahat sa matataas na tao. Nang napansin kong panay titig ni Aldrin at King sa babaeng nasa harap ng front desk.
"Wait! Is that girl is Marissa friend, last night" pagtatakang tanong ni King.
"Yeah! I think she is!, mas maganda pala siya sa day light," sabad ni Aldrin.
"Yeah she is beautiful, dito pala siya nagtatrabho, mukhang mapapadalas yata ang pag check in ko dito" pabirong sabi ni King.
"No! Leave her alone" sabi ko kay king.
"Why! You like her? Nakangiti pagkasabi ni Aldrin sa akin
" Yess! I like her. But may nag mamay ari na sa kanya, di niyo gugustuhin siyang kalabanin, " sabi ko sakanila, habang nakatitig pa rin kay April.
" Oh, she have boyfriend already " nadismayang sabi Ni king.
"Ok lang yan dude, maraming isda dito lets hunt later" pabirong sabi ni Aldrin.
"Fvck boy's, talaga kayong dalawa tsk tsk, ikaw naman Aldrin may Fiance kana"
"I dont have a Fiance" sagot nito habang nagtatawanan sila ni king.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Andoon na nga sila nakikipagharutan sa mga guest na mga babae, Muli ko naman pinagmasdan si April. Anong gagawin mo pag nalaman ni Leon na andito kana pala malapit sa kanya, magkalapit na kayong dalawa pero, di pa nakilala ang isat isa. Malapit na, Good luck saiyo cutie, malapit ka ng mabihag ng isang mabangis na Leon.
Natapos ang buong maghapon na kasiyahan. Marami na rin ang mga guest na nagsiuwian. It's already siyete na ng gabi.
Nagpaalam na din si April para umuwi. Hinatid ko pa ito sa may sakayan tumanggi kasi itong ihatid ko.
"Ashole, you missed the aportunity to see her again" agad ko rin tinungo ang sasakyan ko para makauwi na pagod din ako sa buong araw na ito..
*****Leonardo Ace Williams ******
Alasyete na ng gabi, andito lang ako sa may condo ko,. Nakaupo sa may mini bar nag iinom mag isa. Medyo natamaan na ako. Muli kong naalala ang babaeng nakanaig ko kagabi, diko man lang alam ang pangalan niya. Napangiti ako tuwing naalala ko ang gabing yun. Thats is the best night. Aking kinuha ang phone ko saka binuksan tinitigan ko ang mga larawan nito, na kinuhanan ko kagabi habang mahimbing siyang natutulog
She's so beautiful, like her maamo ang mukha, they have same dimples, her eyes is like her. Wait bakit parang marami silang similarities. Napabunting hininga ako. Nagkataon lang siguro.
I want to find her. But I cant find her its been sever years past by until now still cant find you. Paano kung mabaling na sa iba ang attensyon ko. At di ko namamalayan nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. At makakalimutan na kita April Esguerra. I want you in may heart, but my body want her. "Fvck naguguluhan ako,aahhh"
Napasabunot ako sa aking buhok.
Next morning maaga akong nagising kahit masakit pa ang ulo ko sa hang over. Papasok ako ngayon sa company isang araw akong di pumasok kahapon. Tiyak marami akong trabaho ngayon. Lalo na't di ako natuloy sa Singapore.
Pagkarating dito sa company ko. Pumasok ako agad, isa isa naman nabinati ako ng mga tauhan ko dito sa kompanya. At agad akong sinalubong ng secretary ko. Na natataranta
"What is my schedule today?"
"You have meeting at 1 o'clock sir, may dinner meeting po, kayo kay Mr. Tan. Saka marami pa po"
"Ok bring may Breakfast, now"
"Sir pero? Saan ako maghahanap ng sandwich na ganun"
"It's not my problem anyway" sabi ko sabay talikod.
"Ah, one more thing dont disturb me until 1 o'clock, bring my food now" papasok ako sa aking office ng may nakaupo na sa swivel chair ko.
Umupo ako sa may coach, habang nakahalukipkip ang mga kamay ko at nakadkwatro.
"What bring you here!"
"I miss you cousin"
"What do you want,"
"Relax, gusto lang kita makita bago ako imuwi sa cebu"
"You just disturbing me, get out"
Tumayo ako saka ka hinila ko siya sa swivel chair.
"I said get out." muling paninigaw ko sa kanya.
"Relax cousin, magugustuhan mo kung sino nakilala namin kahapon sa grand opening ng hotel mo"
" Who is it? "
" Wag na pala, pinapaalis mo na pala ako"
"Pinagloloko mo ako Aldrino!" tawag ko sa kanya, dahil iniinis na niya ako.
"Ok relax cousin, Masyado kang seryoso"
"Look, I fvcking busy here, can you please, go away" pananaboy ko sa kanya.
"Ok, ok! I will go now," tumayo na ito saka akmang aalis na pero nilingon niya ako saka ngumiti.
"Nakita ko siya Leonardo, ang babaeng matagal mo ng hinahanap" seryosong sabi nito, diko agad nakuha ang kanyang punto, pangiti ngiti pa ito.
"What, do you mean?" nagtatakang tanong ko, medyo nauubos na ang pasensya ko sa taong ito.
"You're love of your life"
"What!!!"
"Hahaha, your reaction is so serious cousin, you want to know where she is? "
"Wag, mo akong pinagtritripan Aldrino,
Alam mong di ako nakikipagbiruan"
"Seryoso ako, at di rin ako nagbibiro, if you want to see her, go to your new hotel, bye Leon, and goodluck".
Natulala ako sa kinauupuan ko, diko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Paano kasi lagi niya akong ginugoodtime
Pero may halong kaba at excitement ang aking nararamdaman, kailangan kong makasiguro kung totoo ang mga pinagsasabi ng mokong na yun.
Agad akong tumayo saka kunuha ang coat ko, saka mabilis akong lumabas sa office ko.
"Sir, saan po kayo pupunta, may meeting pa kayo mamaya" sabi ng secretary ko pero nilagpasan ko lang ito diko na pinansin, basta ang alam ko, pupuntahan ko ngayon ang babaeng dahilan kung bat ako nagkakaganito.
"Make sure, Aldrino na totoo ang pinagsasabi mo kung pinagloloko mo lang ako, di ako magdadalawang isip na ipatapon kita, sa kaduluduluan ng mundo" bulong ko sa sarili habang mabilis akong naglalakad.
Pagkarating ko sa parking lot, agad kong tinungo ang aking sasakyan. Pagkasakay, pinaandar ko ito agad, parang gusto ko pa itong paliparin. Makarating lang ako agad.
Di ako mapakali, kung totoo man to, I'm the happiest man in this world.
Pagkarating ko sa hotel, agad akong bumaba, iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa harap na agad naman na kinuha ng mga tauhan dito sa hotel para ipark.
Wala akong sinayang na panahon agad akong pumasok at nagpalinga linga.
Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko na babae pamilyar ang boses.
"Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sainyo?" tanong nito, ang boses niya di ako nagkakamali, ang nagmamay ari sa boses na yan, ang babaeng nakasama ko ng gabing iyon. Dahan dahan akong lumingon, hanggang sa nagkaharap na kami. Di nga ako nagkamali siya nga.
Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat at napa atras pa ito.
Ako naman di rin nakagalaw, diko alam kung anong mararamdaman ko.
Bakit parang biglang lumakas ang kabog ng dibdib. Wala na ata ako sa katinuan.
Bigla ko na lang siya sinunggaban na yinakap, na para bang matagal na akong nangungulila, sa kanya. Di ko namamalayan na napaluha na pala ako.
Niyakap ko siya ng mahigpit, na parang ayaw ko na siyang pakawalan pa.
Pilit niya akong tinutulak. Pero mas lalo ko siyang niyakap.
"Sir, binatawan niyo po ako, sir" pakiusap nito. Linuwagan ko aking pagyakap sa kanya, at doon lang ako nagising sa katotohan na over reacting na pala ako.
Di pala siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Pero bakit parang may nagtulak sa akin na yakapin siya.
Nakaramdam din ako ng tuwa kahit papaano dahil, andito rin pala ang isa kong hinahanap na babae, na nakasama ko lang kahapon ng gabi. Umayos ako ng tayo saka inayos ang aking damit.
Saka ako ngumiti sa kanya.
"I'm sorry akala ko ikaw yung babaeng matagal ko ng hinahanap"
"Ah eh ok lang po yun sir"
"By the way, we meet again, at dito ka pala nagtatrabaho" pinilit kong ngumiti na para bang walang ngyari, akward kasi
"Opo, second day ko lang po ngayon, May kailangan po kayo, kung wala mauna na po ako marami pa akong gagawin"
"Wait!!" What is your name again?
"Ah, sandali lang po sir may tumatawag sa akin sa may front desk, mauna na po ako." paalam nito. Akmang aalis nasa ito pero, agad kong nahablot ang kanyang paluspusan. Saka ko kinabig siya palapit sa akin. Kinuha ko ang kanyang I'd na nakasabit sa kanyang leeg. Saka ako ngumiti at lumapit sa kanyang taenga.
" It's been A long while!! I got you baby, I miss you" tinulak niya ako saka mabilis na bumalik sa front dress. Natawa ako dahil sa kanyang reaction.
"Mukhang gusto ko ng imanage ang hotel na to!!" napangiti ako, habang pahakbang papalayo. Pero nakatingin pa rin ako sa kanya.
"What can I do to you, Alexander, Should I kill you now!"....