Chapter 17

2766 Words
Chapter 17 Isang buwan na ang nakalipas ng huling magkasama kami. Namimiss ko na siya di man lang nagparamdam. Sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reach ang kanyang phone. Sinabi ko lang naman na wag niya akong istorbohin ng ilang araw pero bakit tumagal naman na ata.Nahiya naman akong magtanong kay sir Alexander. Wala naman siyang nababangit sa akin. Eto naman ang gusto mo diba April yung iwasan siya. Pero bat parang di ko kaya miss na miss ko na talaga siya gusto ko siyang makita. Ilang araw na rin akong pabalik balik sa condo niya pero sabi ng mangement doon. Matagal na raw di siya nakakauwi roon. Kung ano, ano ang pumapasok sa isip ko. Siguro nga isa lang ako sa mga babae nito. Parausan niya lang pag nagsawa na basta na lang iiwanan na parang basahan. Nawawalan din ako ng ganang magtrabaho. Parang may di kumpleto sa akin. Kakaiba rin ang aking nararamdaman nitong nakaraang araw pero binabaliwala ko lang ito. "Hoy! Girl ok ka lang ba, bat parang wala kang kasigla sigla ha". "Pagod kasi lage kaya siguro ganito" "Sigurado ka ah, namumutla ka kasi, para kang kulang sa dugo, di ka ata nasisikatan ng araw". "Hindi ah kumpleto pa ang dugo ko" "Ay ganoon, alam mo ba sabi nila pag kulang ka sa dugo kumain ka raw ng talong na with eggs" "Ha! Paghaluin ba yun, parang torta" "Hindi, dapat fresh talong and egg" Sabay tumawa ng malakas ang kasama ko. Nang makuha ko ang kanyang sinasabi. "Puro ka kalokohan" Kasalukuyan akong nasa front desk ng may nagtanong sa akin. "Hello miss pwede pong magtanong?" Sabi nito habang nakatitig sa akin. "Hello mam, ano pong maipapaglingkod ko sainyo? Magalang kong sagot. " Nasaan po ang Ceo office? " " Ah si sir Alexander po ang hinahanap niyo.Sandali lang po tawagan ko lang ang kanyang secretary " " Teka parang pamilyar ka". "Ako po mam" "Oo ikaw, saan nga ba kita nakita?" "Oh naalala ko na ikaw yung babae sa loob ng banyo, na binigyan ko ng sandwich" "Ah ikaw nga si Miss ganda, dito lang pala kita matatagpuan. Alam mo bang hinahanap kita ganda" "Hindi eh bakit nga ba" "Laking pasalamat ko sa araw na yun dahil sa sandwich mo na binigay, nakaligtas ako sa amo kong mabangis." "Ah yun ba wala yun" "Pinapahanap ka ng boss ko para ipagluto oh igawan mo ng sandwich lalo na ngayon. Naawa ako sa kanya di ko alam ang ngyari pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya." "May trabaho na ako" "Kaya nga eh i hire ka sana niyang personal cooker niya. Kaso di kita mahanap. Dito ka lang pala nagtatrabho" "Ganun ba, Eto ibigay mo sa kanya baka di pa siya nakakain baka makatulong" Inabot ko sa kanya ang sandwich na baon ko para sana sa tanghalian ko. "Wow salamat, hulog ka talaga ng langit di pa yun kumakain eh, salamat ano nga ba pangalan mo ganda?" "Danie what are you doing here" Biglang dumating si Sir Alex. "Sir may pinapaabot si sir na mga papers kailangan mo daw tignan" "Oh sige doon tayo sa office ko," "Sige po sir, maiwan muna kita ganda" Tumango lang ako "How are you April?" "Ok lang po sir"" "Sige mauna muna kami," Nginitian niya ako saka tumalikod. Makalipas ng isang oras bumalik ulit yung babaeng nandito kanina. "Ganda salamat dito ah, Ako nga pala si Danie Santos, ikaw anong pangalan mo?" "April Esguerra ang pangalan ko" "Sige mauna na ako ha, ito pala calling card ko pag may kailangan ka tawagan mo ako ha, saka pwede ba gawan mo ako lagi ng pagkain para sa boss ko bayaran na lang kita ok lang ba" "Sige ba basta may oras ako" "Sige pag nakagawa ka kunin ko mismo rito para sa kanya, sige ganda mauna na ako ha tawagan mo ako" "Oh sige salamat din" Kinuha ko ang inabot niyang calling card, saka ko tinignan. "Williams empire, oh nagtatrabho siya doon bilang secretary ng ceo" bulong ko. Teka Williams Empire, Secretary. So secretary siya ni Leon. Muli akong nabuhayan ng loob. Napangiti ako nakaisip na kasi ako ng paraan kung paano ko siya makita at makausap. Napagpasyahan ko na puntahan siya bukas. "Excited na ako makita ka, lagot ka sa akin matagal kang di nagparamdam" sabi ko sa isip isip ko. Biglang nagring ang aking phone. "Gemma sagutin ko lang tong tawag ko saglit ha".sabi ko sa kasama ko. "Oh sige wala pa naman gaanong tao" "Salamat sandali lang ako" Tinungo ko ang backdoor. "Hello Joy!!, buti napatawag ka namis na kita uy, kailan ka pupunta dito" "Namiss din kita lalo na mga inaanak ko" "Sana andito ka" "I'm on may way" "Ha! Wag mo nga kong pinagtritripan" "Oo papunta na akong maynila, di ko nga alam bat napaaga ang punta ko diyan. Ang alam ko kasi sa katapusan pa ako mailipat sa maynila" "Mas mabuti maaga ka na mapunta dito, para may makakasama ako" "Yang Alexander pala may ari dito sa hotel, yang mayabang na yan, siya lang naman ang tumawag at pinapapunta na ako diyan diko alam kung bakit" "Talaga si sir Alex salamat naman sa kanya pinapunta kana dito.Anong oras ka makakarating dito" "Mamaya pang alauna ng hapon" "Oh sige, pwede bang makahingi ng pabor?" "Ano yun sabihin mo na" "Pagkarating mong maynila pwede bang sunduin mo mga bata mamaya sa school nila 3pm ang out nila sa school. Marami pa kasi akong gagawin, saka may part time ako ngayon sa isang restaurant. Panggabi ako siya pang dagdag sa allowance ng nga bata ikaw muna bahala sa kanila ha" "Oo sige ako na bahala, sige na bye see you soon bruha" "Salamat, send ko mamaya ang address ng school nila bye" Nabuhayan ako ng loob di ko na kailangan pang mag aalala sa mga bata Andiyan na si Joy pwede na ako magsimula sa partime ko maya. ****Black-Brown-Blue**** " Black pwede ba tayong maglaro mamaya pag nakalabas tayo ng school, gusto ko pumunta sa arcade" pakiusap ni Blue sa kapatid pero di ito pinansin ni Black bagkos pinagpatuloy niya lang ang kumain ng lunch nila. "Black please maganda doon saglit lang naman tayo eh" sabad naman ni Brown. "No! Pagkatapos ng klase uwi na agad, yan ang bilin ni mommy, sunduin tayo ulit ni Tatay Gorio". "Please Black pag pumayag ka I will call you kuya please" pagmamakaawa ni Blue "Yeah, Black its beautiful there, maraming pwedeng malaro, sige na payag kana please" sabad din Brown. "Mommy will get mad, pag di tayo umuwi. Saka mag aalala yun" "Saglit lang naman, I will call you also kuya, pagpumayag ka hindi lang yun forever ka na namin tawagin na kuya" Napaisip naman si Black. "Ok then, from now on call me kuya, ako ang masusunod, sige pupunta tayo mamaya doon pero saglit lang ha baka hanapin tayo ni mommy" "Yehey!! Thank you Kuya your the best" Sabay nilang sagot sobrang saya ng dalawa, Napangiti naman si Black. "Let's do that" bulong nito sa sarili matagal na kasing di naipasyal ng kanilang mommy ang mga bata dahil sa abala nito sa trabaho. Pagkatapos nilang kumain pumasok sila ulit sa classroom nila na masaya. Pagsapit ng alastres masayang masaya ang mga ito. Sakto naman na tumawag ang kanilang ina. Na di sila masusundo ni Tatay Gorio dahil nasiraan ito. "Si ninang Joy daw ang susundo sa atin andito siya sa maynila" sabi Ni Black "But you already said that we go in arcade" malungkot na sabi Blue. "I know, I need to wait first Ninang Joy para may kasama tayo.". "Really excited na ako" masayang sabi Ni Brown.Lumipas na ang 30minutes wala pa ang kanilang ninang Joy. "Ok lets go wag na natin antayin si Ninang, imessage ko na lang siya na puntahan tayo doon sa arcade". Sabi ni Black saka sila lumabas ng gate ng school. "Mga bata di pwedeng lumabas kayo, wala pa ang sundo niyo" paninita ng security guard ng school "Kasi po nasiraan ng sasakyan yung susundo sa amin," sagot ni Brown Nagpalinga linga ng mga bata, nag iisip sila kung paano sila makaalis. Nahagip ng mata ni Black ang isang sports car na di kalayuan ng gate ng school. "Over ther sir! Ang sundo namin nakapark po sa banda doon" tinignan ng security ang tinuturo ni Black. Nagtaka naman si Blue at Brown alam nilang di yun ang kanilang sundo. "Ah yun ba sige samahan ko na kayo papunta doon" "Naku wag na po" agad na sagot ni Blue "Kaya na po namin pumunta doon diba kuya Black Brown?" tumango naman ang dalawa "Sige pero titignan ko pa rin kayo, mahirap na" sabi ng security. "Ok po alis na kami" Sabi ni Black pero nakatingin pa rin ang security sa kanila kahit papalayo na mga ito. Hanggang narating nila ang red sports car na tinuro kanina ni Black. "Who's car is this" Tanong ni Blue. "I dont know, tinuro ko lang kanina para makalabas tayo sa gate" sagot ni Black "Look nakatingin pa rin si mamang security sa atin, what we gonna do" Natatarantang sabi ni Brown. Sinilip ni Black ang loob ng kotse pero di niya ito makita dahil sa tinted window ito Sinubukan niyang buksan, nagbukas naman ito dahil hindi nakalock. Tinignan nila ang loob may taong nakaupo sa driver sits pero mukhang lasing at nakatulog na ito. "Is he die kuya? " Tanong ni Blue. "I think he's only sleeping," sabad ni Black habang dinadama niya ng kamay ang ilong ng lalaking tulog. "Wait! What that smell" nakatakip ang ilong ni Brown. "I think he drunk a lot of alcohol and fell sleep" sagot ni Black. "What can we do now kuya? The security still looking us" sabad ni Blue. "Go inside besides his sleeping" Pumasok ang mga bata sa loob ng sasakyan.Ang lalake naman sa drivers sit ay di parin gumagalaw. "What can we do pag nagising siya kuya Black" natatakot na sabi ni Brown "Shsh dont be noisy baka magising siya" "Wait!!! I think his pamilyar san ko nga ba siya nakita? Nagtatakang sabi ni Brown. "Aha! Sa billboard, siya yung lalaki doon na tinuro mo noon Brown na tinawag mong daddy" Nagtinginan ang tatlo, saka nadako ang kanila tingin sa lalakeng nakatulog at lasing na lasing. "Daddy! Oh yes si Daddy nga, pero bakit ganyan itsura niya ang dami niyang buhok sa gilid ng kanyang mukha" Nagtatakang sabi ni Brown. "Yeah why he look like that" habang nakatitig si Black. Na para bang di niya maintindihan ang nararamdaman niya parang naawa siya sa itsura nito. "Why his eyes is swollen" malungkot na sabi Brown. "And his face is so sad" bigla na lang tumulo ang luha ni Blue. "Why are you crying Blue" nag aalalang sabi ni Black sa kapatid. "I dont know, his look like sad I want to hug him" habang patuloy ang kanyang iyak na di rin niya maintindihan. "Daddy Why you look so sad, and drink a lot? Kinakausap ni Brown habang nakahawak sa mukha ni Leonardo. " Stop the two of you OA niyo, kung umasto kayo parang ama niyo siya." Inis na sabi ni Black sa mga kapatid. " Look kuya Black you more than look like him when you Angry, walang pinagkaiba" Sabi ni Blue kay Black. "Your talking to much lets go. Labas na tayo dito bago pa siya magising" Yaya ni Black sa mga kapatid. Bubuksan sana ni Black ang pintuan ng biglang umandar ang kotse. Nagulat ang magkakapatid. "Kuya what we are going to do? " natatarantang sabi Ni Blue" Di rin alam ni Black ang gagawin. Di nagtagal tumigil ulit ang sasakyan di nila alam kung saan ito. At narinig na lang nila humihilik na nanaman si Leon. "What he sleep again?" gulat na sabi ni Black. Binuksan niya ang bintana para tignan nila kung nasaan na sila nahinto. "Kuya nasaan na tayo" Sabi ni Blue "What is that did he drive while he sleeping? Di niya man lang alam na andito tayo sa loob ng kotse niya?" nagtatakang sabi ni Brown. "No I think he didnt notice us nandito tayo sa backseat, I think his drunk a lot" "Parang nasa condo units tayo kuya" Sabi ni Brown habang nakasilip sa bintana. Biglang may lumapit sa may sasakyan. Na isang security sa lugar na ito. Kinatok niya ang bintana ng sasakyan. "Sir ok lang ba kayo, bat dito niyo dinala ang kotse, hindi sa parking lot?" tanong ng security guard. Binuksan naman ni Black ang bintana. "Sorry po, pero pwedeng magtanong saan po ang bahay ng lalakeng ito" sabay turo ni Black ang harap ng driver seat. Laking gulat naman ng security ng bata ang nabungaran niya sa loob ng sasakyan. At mas lalong nagulat na hindi lang isang bata kundi tatlo pa at magkakamukha. "Ha, mga iho sino kayo bat andito kayo sa loob ng sasakyan ni sir?" "He is our daddy" sabad ni Brown. "Ha!! Anak kayo ni sir Leonardo? Pero ang pagkakaalam ko binata si sir walang anak at asawa" nagtatakang sabi ng security habang kamot kamot niya ang kanyang ulo. "Now he have, he is our daddy" sabad na sabi ni Blue. Natulala pa rin ang security di makapaniwala ito sa mga pinagsasabi ng mga batang ito "Can you help us, to bring him in his unit? Sabi ni Black. " Ha anong ngyari sa kanya" "His drunk, di namin siya kayang buhatin, saka dito niya dinala ang kanyang sasakyan, so baka dito ang bahay niya" paliwanag ulit ni Black. "Oo dito dito nga, sige tulungan ko na lang kayo na dalhin siya sa unit ni sir". Tinulungan ng security ang mga bata para dalhin si Leonardo sa condo unit nito.Nang nadala na ito sa kwarto niya agad naman na nagpaalam ang security guard pero bago umalis nagtanong muna siya sa mga bata. "Talagang anak kayo ni sir, matagal ko na siyang kilala at matagal ng nakatira dito pero di ko alam na may anak na pala siya, at triplets pa". "Di po ba halata na anak niya kami?". Sabi ni Brown sa security guard. "Ngayon ko lang talaga na napansin na kamukhang kamukha niyo si sir, anak niya nga kayo talaga,Oh sige mauna na ako sainyo alagaan niyo ang daddy niyo ha, pag kailangan niyo ng tulong tumawag lang kayo sa landline sa may management" saka umalis na ang security guard. "Kuya Black ang ganda naman dito sa bahay ni Daddy". Sabi ni Blue habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. "Why are you calling him a daddy?" Sabi nito kay Blue. "I want to call him also a daddy" "What ever." Nanatiling nakatayo si Black habang pinagmamasdan ang mukha ni Leon. "What can we do to him kuya?". Sabad ni Brown sa kuya nito. "We can change him kuya Black" Sabi ni Blue nasa tabi din nito. "Ok! Fine, Brown pumunta kang bathroom, maghanap doon ng malinis na towel, para sa pamunas sa katawan niya" "Oh sige kuya Black" "Blue pumunta kang kusina. Maghanap ka doon ng maliit na planggana, dalhin mo rito para lagyan ng tubig" "Ok kuya Black". Agad naman niyang tinungo ang kusina. Samantala si Black ay sinimulan niyang tanggalin ang suot ngi Leonardo. Inuna niya ang sapatos, saka sinunod nag pantalon nito.Pati mga pang itaas. Nahirapan siyang alisin ang mga damit nito dahil sa ang hahaba ang mga suot. "Kuya here!" sabay abot ang tuwalya na malinis kay Black. Sakto naman na dumating na si Blue. "Kuya eto na ang planggana". Agad naman na kinuha Ni Black ang mga ito saka naglagay ito ng maligamgam na tubig sa planggana. Saka sinimulan na nilang magkakapatid na punasan ito. "Brown ituloy mong punasan siya ng maligamgam na tubig, ikaw naman Blue. Punasan mo siya ng tuyong towel.. Agad naman sumunod ang dalawa. Si Black naman ay tinungo ang closet, Par kumuha ng damit na pamalit nila sa kanya. Binuksan ni Black ang closets. Wala naman na iba sa mga damit nito halos magkapareho lang. Kinuha niya ang isang pares ng pantulog. Habang kinikuha ang damit. Natabig niya ang isang kahon, kaya ito nahulog. Pero nasalo naman niya agad. Ang takip lang nito ang nahulog. Nahagip ng mata ni Black ang isang lumang phone,umilaw ito. Kaya laking gulat niya ng makita ang pamilyar sa larawan sa lumang phone. Na ginawang wall paper. "Why does he have mommy's picture" Nagtatakang sabi ni Black sa sarili. "I'm not mistaken, this is a picture of mommy. When she was teen ager" Di siya makapaniwala sa nakita. "No! What I'm thinking" Biglang kinabahan si Black. "If my guess is correct, I need a evidence first" Nang biglang tinawag siya ni Brown Napalingon agad ito, saka niya binalik ang phone sa kahon. "Anong ngyari kuya, bat nakatayo ka lang diyan sa tapat ng closet" "No nothing, Pumipili lang ako ng damit niya" Sagot ni Black. Habang mabilis niyang binabalik ang mga gamit. Nang matapos nilang Bihisan si Leonardo. Binilinan niya sina Brown at Blue na dito muna sila sa kwarto. Lalabas lang ito papuntang kusina. Habang nasa kusina ito. Naghanap siya ng pwedeng maluluto. Marunong kasing magluto si Black.Tinignan niya ang mga kabinet pero mga walang laman, sa refrigerator naman binuksan niya ito. Pero tumambad lang ang walang laman puro mineral water at beer ang mga laman nito. Buti na lang nakakita ito ng bigas. Niluto niya ito para gawing porridge para kay Leonardo buti na lang may mga condiment dito kahit papaano. Tumawag siya sa management. Para makahingi ng gulay at konting karne para ihalo sa porridge na niluluto nito.. Di niya alam kung bat niya ginagawa ito. Lihim siyang masaya, na di alam ang dahilan. Basta may parte sa isip at sa puso nito na kailangan niya gawin itong bagay na to. "I hope you like it" sabi nito sa sarili niya habang nakangiti. Pagkatapos ng thirty minutes naluto na ito saka dahan dahan niyang nilagay sa bowl. Saka nagsalin siya ng tubig sa baso.Inilagay niya mga ito sa may tray saka niya dinala sa kwarto. "Kuya Black ano yan" tanong ni Brown. Dahan dahan nitong nilapag sa gilid ng mesa. Saka siya tumalikod. "Pinagluto mo si Daddy kuya?" tanong din ni Blue. "No, I didnt, Binigay ng management ng condo ito". Pagsisinungaling nito. "Weh!Your not good in lying kuya, I know you cook this for daddy" nakangiting sabi ni Brown. "I said I'm not!" Inis na sabi nito. "If your not bakit natagalan ka sa kusina, I know you kuya, marunong kang magluto, dahil lagi kang tinuturuan ni mommy" Natatawang sabi ni Blue. "Stop! your two are annoying I said I didnt cook that food" Napailing na lang sina Brown at Blue. "Ayaw pa aminin eh obvious naman na siya ang nagluto".pabulong na sabi ni Brown. Pero natutuwa silang masdan ang mukha ni Black na naiinis. Nagulat ang magkakapatid ng biglang gumalaw si Leonardo at unti unti nitong dinidilat ang mga mata nito. Nagtinginan ang mga magkakapatid at saka nilapitan nila ito. Umungol siya, pero sandali lang yun pero pinipilit niyang imulat ang kanyang mga mata. "Kuya gising na si Daddy" natutuwang sabi ni Brown. Sumampa sa taas ng kama si Blue at Brown samantala si Black nanatili itong nakatayo sa gilid ng kama. Habang nakatitig kay Leonardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD