WW - 4

1758 Words
MAKALIPAS ang ilang oras na pag-stay ni Maximus sa loob ng silid nya ay naisipan nyang bumaba sa living room upang tignan ang dalawa, humapa narin ang inis nya sa ginawa ni Helios na pag bili ng mga gamit para kay Ada na hindi nya naman alam kung bakit at saan nang gagaling ang pakiramdam na iyon. Pababa palang siya sa hagdan nang marinig nya ang inggay ng bukas na TV sa sala. Nang dumako naman ang paningin nya sa couch ay naabutan ng mga mata nya ang mahimbing na natutulog na si Ada, payapa ang itsura nito malalim ang paghinga at animo'y kanina pa tulog. Lumapit siya at tinitigan ito ngunit agad ding napahinto nang dumating si Helios galing sa kusina “Max! sorry kinain ko na yung pagkain sa kusina nagutom kasi ako bigla.” “How long she was sleeping?” “Katutulog nya lang sinabi kong kakain lang ako pero pagbalik ko para ayain siya ay tulog na,” sagot ng kaibigan at tumingin sa dalang maamong nahihimbing. “She's so lovely Max, natutuwa ako sa kanya kanina sa kahit simpleng bagay na pag tatanong nya ay nagagawa kong matawa lalo na ang tungkol sa TV at sa mga taong nasa loob nito, she seems a human from the long period of time.” Naalala ni Maximus ang mga sinabi ni Ada kanina tungkol sa pinanggalingan nito at sa kung ano-ano pa na hanggang ngayon ay hirap siyang paniwalaan at inisip na may sakit lamang ang babae “You can go home, Hel.” “Alright!” Helios said at inayos ang soot na damit. Naglakad na ito sa labas at sinamahan naman ni Maximus para ihatid. “Take care of her Max,” pahuling wika ni Helios pagkalabas ng pinto at tumingin sa kaibigan. After those hour he spent with Ada, he wants to keep this woman with a good care. He found out how lovely she is, her innocence attracts Helios heart. “I always will Hel, gaya nga ng sabi ko before I am responsible about her. She is my responsibility." “Alright, Goodbye.” *deep sigh* Napabuntong hininga nalang si Maximus bago bumalik sa loob ng bahay. ... “Fvck it!” Ibinato ni Maximus ang cellphone nang paulit-ulit itong tumutunog dahil sa pag tawag ni Alexa mula sa ibang bansa, nagising siya ng alas tres ng umaga dahil sa pagtawag nito “What is she thinking na pareho ang oras ng pilipinas sa bansa kung nasaan siya? Dammit!” inis niyang pinatay ang cellphone upang bumalik sa pagkakatulog, sinubukan nyang mahimbing ulit pero tila ba nawala na ang antok nya at hindi nya na magawang matulog ulit. Napaupo siya at binato ang unan sa sahig bago inis na lumabas ng silid to drink water downstairs “Ada!?” Mahinang tawag niya sa pangalan nito nang hindi nya makita ang babae sa couch kung saan nya ito iniwan bago matulog, simula kasi umalis si Helios ay hindi na ito ginising. Hindi naman nya na ito inabala sa pagkakatulog at hindi na inaya pang kumain ng hapunan dahil sigurado siyang tatanggi ulit ito “Where the hell is that woman?” Bulong nya sa sarili at binuksan ang mga ilaw sa buong bahay “Ada!?” Tawag nya at nag punta ng kusina pero ito dito, sinubukan nyang mag punta ulit sa taas at dumeretso sa bodega dahil baka nilamig ito sa baba at nag hanap ng mainit na silid ngunit bigo siyang makita ito dito. Bigla ang naramdaman nyang pag aalala dahil sa naiisip na baka binabalak nanaman nitong magpaka matay, nagmamadaling kinuha nya ang susi ng sasakyan at bumaba. He's too worried about the girl na hindi nya alam kung bakit He was about to go outside nang makarinig siya ng mahinang hikbi at ungol mula sa banyo sa ibaba, kaagad niyang tinungo ito at pagbukas ng pinto ay nakita nya si Ada na naka upo sa sahig habang naka hawak ng mahigpit sa tiyan at may subo-subong mga piraso ng toilet paper “What the fvck!” Mabilis nya itong nilapitan at tinanggal ang nasa bibig “Anong ginagawa mo?” tanong niya at pinunasan ng tissue ang basang noo nito dahil sa pawis. “G-Ginoo, kumikirot ang aking tiyan at may kung anong tunog na nangmumula dito, umiikot narin ang aking paninhin sa hindi ko malamang dahilan. Pakiusap tulungan mo ako!” “Aish!” Ito nalang ang lumabas sa bibig ni Maximus bago binuhat si Ada papuntang kusina at iniupo sa isang bakanteng upuan. “Ginoo..” Mahinang boses na wika ni Ada at tumungo sa lamesa. “You're hungry silly!” he said at binuksan ang cupboard upang kumuha ng cup noodles para sa babae, kaagad nya itong nilagyan ng mainit at kung ano-ano pa bago inilapag sa harap ni Ada. Humarap naman ito at tumingin sa cup noodles na may roong pagtataka sa mukha. “Isa ba yang lunas?” nanghihinang tanong nito habang basa parin ng pawis at namimilipit sa sakit. “Kumain ka!” “N-Ngunit Ginoo hindi ako kumakain” “Fvck that crap Ada! isa kang tao kaya kaylangan mong kumain!!!” Nabigla si Ada sa pagsigaw ni Maximus kaya sumunod na lamang siya kahit hindi alam kung ano ang gagawin. /A minutes later/ “Kung ganon ay nagugutom nga ako dahil nasa katawan na ako ng isang tao” May lakas na sa katawan na wika ni Ada matapos kumain at umayos na ang pakiramdam, magkaharap na sila ni Maximus sa isang mesa nakatingin lang sa kanya ang lalaki habang magka ekis ang kamay at hindi nagsasalita. “Ginoo, maraming salamat” “....” “Kung ikaw ay napopoot----- “Take a shower around seven we'll leave later " Utos ng lalaki at umalis. Napakunot naman ang noo ni Ada dahil hindi naintindihan ang sinabi ng lalaki. Nagkibit balikat na lamang siya at uminom ng tubig na binigay ni Maximus kanina. Bumalik sa sala si Ada at humiga sa couch, mukhang bumalik narin si Maximus sa silid nito dahil alam nyang masiyado pang maaga. Maya-maya ay napa-isip siya paano nya mapapaniwala ang lalaki na siya ay hindi tao? pero ano naman kaya ang dahilan para sabihin nya pa ang lahat sa lalaki sa isip nya ay mukhang nararapat lamang na ilihim na lamang nya ang lahat at makisalamuha na lamang sa mga tao. ... “Hey woman! wake up!” Nagising si Ada sa mahinang pag alog ng kung sino sa balikat nya, nag mulat siya at nakita ang inis na mukha ni Maximus “Ginoo?” Banggit nito at bahayang kinusot ang mapupungay na mga mata, hindi niya akalaing inabutan siya ng antok. “What the heck!, you aren't yet prepared!” “Sandali lamang Ginoo, hindi ko maunawaan ang iyong sinambit!” “Sinabihan kitang maligo hindi ba?" “Maligo?, ngunit saan ako maliligo? walang ilog o batis dito?” Napapikit na lamang si Maximus sa inis at napahawak sa dulo ng kanyang ilong. Hinawakan nya sa braso si Ada at pinasok ang babae sa banyo, Pagkapasok ay binuksan nya ang shower, pinuno ng tubig ang bathtub at pinuno ito ng sabon bago muling humarap sa babae. “Maligo kana” Utos niya na lamang at lumabas ng banyo. Sa kabilang banda ay tuwang-tuwa si Ada na nag hubad ng damit at sumampa sa bathtub. Napuno ng bula ang katawan nya at malaya niyang pinaglaruan ang mga ito “Nakamamanghang talaga ang mga kagamitan dito, simula sa TV at dito sa kakaibang paliguan na ito ” “Ada, bilisan mo don't just play inside!” ... Napalingon si Ada sa pintuan ng madinig nya ang boses ni Maximus nasa tinig ay naiinis na. “Babae, bilisan mo! you’re wasting my time!” Hindi niya namalayan ang oras sa pagbababad, kaya madali syang tumayo sa bathtub at dali-dali lumabas sa pinto. “Ginoo, paumanhin! sadyang nagalak lamang ako sa paliguan na meron kayo” Hinging paumanhin nito pagkalabas mula sa cr at naabutan na nakaupo sa coach at nakatalikod si Maximus. “God! you're to--- f**k!!” Hindi natapos ni Maximus ang sasabihin at napamura na lamang nang makitang walang kahit na anong saplot ang dalaga at tanging ang mahabang buhok lamang nito ang tumtakip sa kanyang dibdib . kitang kita ng kanyang mga mata ang kabuoang hubog ng katawan nito. “Ginoo?” “Dammit!” Murang muli ng lalaki na halos mamula ang buong mukha dahil sa kahihiyan at kung hindi nag salita si Ada ay hindi sya mababalik sa kanyang katinuan. Mabilis siyang naglakad patungo sa loob ng banyo at hinatak ang robe bago bumalik kay Ada. Inis nyang inabot dito ang robe na hawak ng hindi tumitingin sa dalaga. “Dress up!, hihintayin kita sa labas” Inis na utos ni Maximus, marahan namang kinuha ni Ada ang robe kaya nagmadaling lumabas si Maximus sa kanyang silid at nagtungo na sa baba upang dun na lamang hintayin ang dalaga dahil baka maghubad nanaman ito sa kanyang harapan. For heaven sake! Ilang minuto nang naghihintay si Maximus sa labas ng kanyang bahay habang nakasandal sa kanyang sasakyan ngunit hindi paren lumalabas ang dalaga kaya napapabuntong hininga na lamang ito sa inis. Jlang sandali lang ay nakita na nyang naglalakad si Ada patungo sa kanya, ngunit kumunot ang noo nya ng makitang nakasuot paren ng robe ang dalaga at tanging pinatuyong buhok lamang ang ginawa. “Ginoo, halika na. Maari na tayong maglalakbay” Masayang wika ni Ada habang umiikot-ikot at nilalaro ang robe na tila mo nakasuot ng damit pang prinsesa, kaya napahilamos na lamang si Maximus sa inis. Iniwan nya ang dalaga upang makapag bihis ng maayos ngunit wala itong ginawa kunti magpatuyo lamang nang kanyang buhok. “For god sake! that is a robe! ano kaba naman! you can't wear it outside stupid!!” inis na wika ni Maximus bago padabog na pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa walk in closet para kunin ang mga damit at sapatos na binili ni Helios para kay Ada, ayaw man niyang ipasoot ang mga iyon sa dalaga ngunit sa pagkakataong ito ay wala siyang pagpipilian.Maya-maya lang ay naramdaman nyang sumunod naman ang babae sa naturang walk in closet. “Wear this!" Ika nya nang makapili ng damet at agad nyang ibinato sa mukha ni ada, naglabas rin siya ng sapatos at ang ilang panloob. Matapos ay nilagay ang lahat ng ito sa hatapan ng babae bago lumabas ng silid at padabog na sinara ang pinto kaya naiwan si Ada na blanko at natataka kung anong gagawin nya sa mga hinihagis na damit ni Maximus. “Nais ba ng Ginoo na suotin ko ang mga kapiraso ng mantel na ito?” Takhang tanong nya sa sarili “Ngunit, mas gusto ko ang mantel na ito na nakakapagbigay init sa aking katawan” Dugtong pa nya ngunit sandaling tinignan ang mga damit na binigay ng binata kung kaya napagdesisyonan na lamang nya na suotin ang mga iyon ng naayon sa itsura nito bago sumunod na labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD