"TAKE care of her Mr. Schemeirg, ikaw ng bahala sa kanya. Just call me if there is anything you need me about her"
"Yes, I will. Thank you"
"Welcome"
Tumango naman ang Doctor bago lumabas ng silid matapos non ay nilingon na ni Maximus si Ada na nakatayo sa likuran nya. Hindi na lamang siya nag isip ng kung ano dahil wala naman na siyang magagawa. He needs to take care of her kung ayaw niyang kumawala sa social media ang aksidente at tuluyang masira ang career.
"Ano ang kanyang iwinika?"
"He said, we have to leave now"
"Paumanhin, ngunit hindi ko maunawaan" Hinging paumanhin ni Ada at animo'y nag isip, napahawak nalang si Maximus sa sintido dahil mukhang mas sasakit pa ito kesa sa mga sugat ng babae sa katawan.
"Aalis na tayo dito" He said at hinawakan ang braso nito upang ayain umuwi sa kanyang bahay ngunit nag pumiglas ito na ikina -inis niya.
"S-Sandali lamang Ginoo! Pakiusap, hindi ko nais lisanin ang lugar na ito"
Tumakbo si Ada pabalik sa kama na animo'y takot, sumunod sa kanya si Maximus at umupo sa gilid ng kama. Hindi siya sanay sa mga ganitong bagay, ang pag pasensiyahan ang sino man ngunit hindi nya alam kung anong meron si Ada at nagagawa nyang pahabain ang pasensiya dito kahit kanina pa niya gustong mainis.
"I'll bring y-- I mean iuuwi kita sa bahay ko doon mas magiging saf--- *cough* ligtas ka" Napakamot nalang si Maximus sa batok nya at malalim na bumuntong hininga mukhang naunawaan naman ng babae ang sinabi niya dahil tumango ito at tumayo. Tumingin si Maximus kay Zake bilang pahiwatig dito sa gagawin. Tumango naman ang tauhan bilang tugon.
"Ada kaylangan mong sumama kay Zake, tauhan ko siya dadalin ka niya sa sasakyan"
"Ginoo, ang buong akala ko ay ikaw ang----
"I'll go next to your car"
"Pumanhin ngunit hindi ko maunawaan"
"Susunod ako"
Tumango na lamang ang dalaga at sumama na kay Zake upang lumabas ng Hospital at sumakay sa isang maroon na sasakyan ni Maximus.
"Ito ba ang sasakyang kanyang sinambit? napaka-inam. Magara ito at malamig sa loob"
Napakamot nalang si Zake sa batok bago pumasok sa sasakyan kasunod ni Ada at ipagmaneho ito.
"Sandali lamang hindi ba natin aantayin ang Ginoo?"
"Hindi po pwede, ang totoo kase niyan isang sikat na tao si Sir Maximus kaya kaylangan ka nyang itago sa mga tao at byumahe mag isa ng hindi magkaroon ng issue sa career nya lalo na't kasama ang isang babae" Sagot ni Zake habang nagmamaneho at palinga-linga sa rear view mirror dahil nasa passenger seat si Ada.
"Masiyadong malalim ngunit uunawain ko" Sagot ng dalaga datapwat hindi nya lubos na naintindihan ang itinuran at ibinaling na lamang ang paningin sa salamin sa gilid nya, napangiti ito at hindi makapaniwala dahil tunay siyang nabibighani sa lahat ng nakikita sa bagong mundo na hindi nya nakikita noon. Sobra siyang naaaliw pag masdan ang paligid at maraming tanong na nabubuo sa isip nya ngunit sa kabilang banda ay ayaw nyang maging matanong, siya na lamang ang kusang tutuklas sa lahat ng masanay sa mundo ng mga tao .
...
ISA'T KALAHATING oras ang byahe mula sa hospital ay nakarating na sila sa bahay ni Maximus, kaagad namang bumaba si Zake at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. Nahumaling si Ada ng bumaba ng sasakyan at dere-deretsong pumasok sa gate na nakabukas at lumapit sa kumpol ng mga tanim na bulaklak sa paligid ng bahay
"Kay gandang hardin *smile* ang Ginoo ba ang nag ma-may-ari ng lahat ng ito?"
"Opo Ma'am, maalaga si Mr. Schemeirg sa mga halaman. Magaan din ang kamay nito sa pagtatanim pero kung minsan wala siyang oras kaya ako na ang nag aasikaso sa kanila tuwing napupunta ako dito"
Ngumiti si Ada at lumapit sa mga halaman. Nabibighani siya sa mga ito lalo na't malapit siya sa mga halaman noong nasa kanilang mundo pa sila.
"Kasing ganda ng mga bulaklak na ito ang diyosa ng kaliksan, nakakabighani" Bulong nito na hindi umabot sa pandinig ni Zake at hinayaan na lamang ang dalaga na manatili ng ilang minuto sa labas bago inaya pumasok sa loob ng bahay.
"Pumasok na po tayo"
"Ano ang iyong ngalan?"
"Ako si Zake, at ang Ginoo na kanina mo pa binabanggit ay si Maximus. Maximus Schemeirg"
"Maximus?"
Tumango si Zake bilang sagot, hindi naman na nagtanong si Ada at pumasok nalang din sa bahay. Humaling na humaling siya pagka pasok, maganda ang naturang bahay at malamig sa paningin ang kulay ng loob nito nga lang ay naninibago siya sa lahat sapagkat napakalayo ng mundo na to sa pinang-galingan nya
"Ada.."
Mahinang boses siyang tinawag ni Maximus pagkapasok nito sa bahay ngunit nagtaka siya nang hindi siya lingunin ng dalaga.
"Tsk!" Napatikhim nalang siya bago hawakan sa braso ang babae at ayain itong maglakad papasok sa dining area.
"You're that deaf!"
"Saan tayo pupunta?"
"We'll eat" He answered at itinaas ang bitbit na mga paper bag at plastic bag na may lamang pagkain, sa ganoong paraan ay naintindihan ni Ada ang gusto nyang sabihin
"Ngunit Ginoo ang katulad ko ay hindi marunong kumain, hindi kami nagugutom o ano man "
Napahinto si Maximus at masamang tumingin kay Ada sa pagpapalagay nya ay nagbibiro lamang ito.
"Hindi ka kumain sa hospital?"
"Aha! hindi ako napilit kumain ng mga tauhan ng sinasabi nyong pagamutan sapagkat hindi naman talaga ako marunong magutom. Sa mundo namin maliliit at ligaw na salamangka ang aming kinakain at yun ay kung gusto lamang namin"
"Crazy!"
Napahawak nalang si Maximus sa noo nya at binitawan ang braso ni Ada
"Kung hindi ka nagugutom ay bahala ka tsk!" Wika na lamang nya at siya na lamang ang dumeretso sa kusina para kumain, hindi nya napansin na sumunod pala ang babae sa kanya
"Saan nag mula ang inyong mga pagkain?" Tanong nito habang inihahanda ni Maximus ang pagkaing binili nya, wala naman kasi siyang katulong na maaring utusan para sa sarili nya. He use to work for his self at ayaw nyang may kasama sa bahay kaya hindi siya kumuha ng mga katulong na makakasama
"Ginoo?" Tawag ni Ada kay Maximus nang hindi siya nito sagutin, umupo na lamang siya sa isang bakanteng upuan at humarap sa binata habang nakapangalumbaba
"Sa bilihan" Sagot nito at bumuntong hininga.
"Bilihan? ano naman ang ibinabayad niyo para bilhin ang mga iyan?"
"Pera" Sinasagot na lamang ni Maximus ang sa palagay nya ay mga kalokohang katanungan ni Ada
"Pera? ano ang pera?"
"Can I eat first? you're disgusting!"
Hindi sumagot si Ada at napakunot na lamang ang noo hanggang sa magsimulang kumain si Maximus at hindi siya sagutin
"Aino nga pala si Ada? nadinig ko siyang tinawag mo pagkapasok mo sa bulwagan"
Sa uulitin ay hindi sumagot si Maximus habang ngumunguya at nakatingin kay Ada, sa palagay nya ay masama ang tama nito sa utak dahil sa pagkakabunggo kaya hindi na lamang niya iintindihin
"Sguro ay kasintahan mo?" Dugtong ni Ada na nakapag paduwal kay Maximus sa nginunguya at naubo sa pagkasamid
*cough*
*cough*
Napatayo naman si Ada sa pag-aalala at hinagod ng kung anong mahika sa palad nya ang likuran ni Maximus, bagama't nagulat si Maximus sa kakaibang pakiramdam dahil sa paghagod ni Ada ay nagustuhan nya ito
"Thank you" Sambit ni Maximus ng huminto si Ada at umayos ang pakiramdam nya sa pagkasamid
"Welcome" Sagot ni Ada na nakapagpataka kay Maximus
"Naintindihan mo ang sinabi ko? so you're just pretending to---
"Nadinig ko kase iyon sa inyo nung tinatawag nilang Doc kanina, ang sabe mo ay ... yes! I will Doc ... thank you at ang sagot naman niya ay welcome marahil ay ito ang paraan nyo ng pagpapasalamat at pagtugon" Wika ng dalaga na pilit pang ginaya ang tono ng pananalita ni ng lalaki, napatango nalang si Maximus bago nagsalita
"Ikaw si Ada at hindi kita kasintahan" Sagot n'ya dito bago ipagpatuloy ang pagkain
"Talaga?! ako si Ada? wow! may pangalan na ako sa mundo nyo kung ganoon Ginoo kaylangan ko makita ang sarili ko sa tubig"
"Tubig? uso ang salamin dito Ada"
"Salamin? anong bagay iyon?"
"Aish! basta jus-- antayin mo akong matapos kumain please if you're not that hungry well I am tsk!"
Sa isip ni Maximus ay siguradong magugutom din si Ada mamaya kaya itinabi nya ang ilan sa mga binili nyang pagkain, nang matapos siya sa pagkain ay sinamahan nya si Ada sa loob ng master bedroom at iniharap sa napaka lapad na salamin
"Wahh!? isa ba itong lagusan?"
"Fool ! syempre hindi salamin yan look at your self--I mean tignan mo ang sarili mo mas maganda yang gamitin kumpara sa tubig, wala ba niyan sa mansion nyo noon? *sigh* this stupid woman mukhang hindi nakatikim ng karangyaan sa yumaon nyang ama even a piece of mirror tsk!"
"Nakaka mangha Ginoo, ngunit mas nakaka mangha ang nakikita ko" Wika ni Ada habang naka tingin sa salamin
"Hindi ako maaaring magka mali Ginoo ang nangyayari ngayon ay si Ada na siyang tao lamang at ako ay may iisang mukha? n-ngunit paano nangyari ito? isa akong imortal kumpara sa kanya"
Napakunot ang noo ni Maximus sa sumunod na sinabi ni Ada
"Of course ! Ada and you were only one person saka anong pinagsasabi mong immortal? are you still sick? kaylangan ba kitang ibalik ulit sa hospital?"
Humarap sa kanya si Ada na hanggang ngayon ay hindi makapaniwalang si Ada na kasalukuyan nyang katawang tao ay may iisang mukha
"Ginoo alam kong hindi ka maniniwala ngunit hindi ako tao isa akong salamangkera"
"As in? witch?"
"Hindi kita naiintindihan pero Ginoo nandito lamang ako sa katawan ni Ada upang magtago sa mundo nyo, isa akong anak ng diyos ng walanghanggan at ng isang makapangyarihang salamangkera sa mundo namin kinaylangan akong ipatapon sa mundo nyo upang mag tago sa mga taong nais akong paslangin---
"Dammit! you're sick!! "
" Ginoo ako si Aquila ! ang ngalan ko ay Aquila hindi Ada, si Ada ay isang tao at ako ay isang imortal "
Napahawak sa sintido nya si Maximus at hindi na alam ang gagawin sa dalaga ang akala nya ay ayus lamang ito sa maliit na bagay na hindi alam at sa kung ano-ano pa ngunit ngayon ay nagbago na ang pananaw nya mukhang malala ang nagawang pinsala sa utak nito dahil sa pagkakabangga nya
"Listen Ada, dadalin kita sa hospital bukas---
"Ngunit Ginoo hindi ako nahihibang! "
*ding-dong*
Napahinto silang dalawa nang tumunog ang doorbell ng bahay, hindi naman na sila nag usap pa at inaya nya na lamang si Ada na bumaba ng silid upang tignan kung sino ang nasa labas
"Surprise!"
Bahagya pang napausog si Ada nang pag bukas ni Maximus ng pinto ay bumungad si Helios na may mga dalang paper bag ng iba't ibang mamahaling brand sa mall
"What are you doing here?" Max asked Helios
"Binibisita si Ada *smile*" Sagot nito at feel at home na pumasok sa bahay saka umupo sa couch, napa-iling nalang si Maximus bago sumunod kay Helios kasama si Ada.
"I have my surprise for you Ada, binilan kita ng mga damit at sapatos mo" Masayang wika ni Helios habang isa-isang inilalabas sa paper bag ang mga damit
"What are you doing Helios? I can buy her new clothes and so far you don't have to do that" May pagka iritang sambit nya, hindi nya alam pero bigla nalang siyang nakaramdam ng irita sa kaybigan, he don't think that is all about the clothes and shoes na binili Helios kay Ada o dahil sa kung ano pa man
"Alam ko Max, pero mas gusto kong gumastos para sa kanya"
"Tsk!" Tumikhim na lamang si Maximus at tumingin sa dalawa, inaya ni Helios maupo si Ada sa couch katabi neto at iniabot ang mga biniling damit
"Napaka-iinam ng mga ito Gi---
"Helios nalang ang itawag mo saken"
"Kung ganoon ay Helios *smile* para sa akin ba ito?"
"Yes of course" Masiyang sagot ng lalaki at ngumiti.
"I also have this for you"
"Ano ang bagay na iyan?"
"Satapos, tulad nyang soot mo. Ang tawag naman dyan ay tsinelas"
"Naka mamangha!" Manghang sambit ni Ada at sinoot ang mga binili ni Helios para sa kanya.
"Tsk!" Nagkibit-balikat nalang si Maximus bago tumalikod at umakyat sa kwarto.