WW - 5

2961 Words
“DAMN this traffic!” Napalingon si Ada kay Maximus nang malakas at may diin ang tono nitong nagsalita ng kung ano. "It makes my day worst as ever!” Kumunot ang noo nya at nag iwas ng tingin sa lalaki bago bumulong sa sarili. "Bumibigkas ba siya ng salamangka?” Napa-ayos na lamang siya sa kinauupuan nang madinig niya ang malakas na kalabog mula sa steering wheel dahil sa pagkaka hampas ni Maximus. "Ginoo, ikaw ba ay may dinaramdam? kung ganun ay maari na tayong bumalik s---” "I'm fine Ada, I just want you to explore around to reduce your stupidity but damn! it seems the earth don't want me to waste my time by it.” " ... " Hindi nagsalita si Ada at tumitig lamang kay Maximus, natural lamang na ito ang maging reaksyon nya dahil hindi nya talaga naintindihan ang sinabi ng lalaki. But one thing she is sure, hindi ito galit. "But anyway we can eat in the nearest restaurant here.” Kinagat na lamang ni Ada ang hinlalaki nya at nanahimik sa kinauupuan, Naguguluhan siya sa mga sinasabi ni Maximus, sa isip nya ay mahihirapan siyang makisama sa mga tao lalo pa't may kakaibang wika ito maliban sa alam nya. "Gutom ka na ba?” Kanina pa din siya naiinip dahil sa tagal nilang naka upo at sobrang bagal ng sinasakyan nila. "Ada!” "Ginoo?” baling nya ng madinig ang sigaw ni Maximus "Nakalimutan ko ako nga pala si Ada,” bulong nya sa sarili. "Tinatanong ko kung gutom kana?” "Hindi pa naman, ngunit Ginoo, kaya mo naman palang mag bumigkas ng lengguwahe na aking mauunawaan ngunit bakit patuloy kang gumagamit ng ibang lengguwahe? Isa ka rin bang salamangke----” "I'm not! hindi ako matatas mag tagalog, lumaki ako sa ibang bansa kaya hindi kita masabayan... aish! why am I explaining too much with this silly.” "Kung ganon ay tuturuan kita?” "Hindi na kaylangan,” maiksing sagot ni Maximus habang nagmamaneho at nawawala na ang inis dahil sa kaunting pag hupa ng traffic. “Hindi mo ba nais matuto?” "Marunong ako, hindi ko lang kayang makipagsabayan sayo! you're an alien.” "Ngunit bakit Ginoo?” "Alien ka nga kase!” "Alien? ano ang bagay na iyan?” "Wala!” "Ngunit iyong sinambit na ako ay isang alien? " Bumuntong hininga si Maximus, sumandal sa likod ng upuan at binitawan ang manibela matapos muling maipit sa traffic. Tumingin siya kay Ada bago sumagot. "You can use simple words like 'sabi mo alien ako?' pero pinahaba mo pa. Silly!” "Ginoo, saan ka ba nag mula? naguguluhan na ako sa iyong iwini-wika! tila ka isang diyos na hindi ko mawari. Hindi na lamang kita kakausapin hmpp!” "Darn! ako pa talaga!” Malalim siyang bumuntong hininga sa hindi marawing nararamdaman. ... Sinuot muna ni Maximus ang kanyang simpleng disguise, sun glass and cap bago bumaba ng sasakyan, he use to wear his disguise to hide his identity at maiwasan ang dumugin siya. Kaylangan niya ring mag apply ng make up to make his face different ... and this is how a Maximus Schemeirg lives. Hanggang sa makapasok at maka-upo sila sa loob ng restaurant ay hindi na kumibo si Ada, natutuwa naman si Maximus dahil he use to be in silent and alone. He never wants someone talkative and importunate katulad ni Ada. In short he don't like Ada. She is not his ideal girl to be with pero heto siya at inilabas ang babae. "Here.” Iniabot nya kay Ada ang menu pero agad ding binawi nang titigan lang ito ni Ada, napakamot nalang sa batok nya si Max bago um-order. Ilang minuto lang din ang lumipas nang ihain ang order nila. "Ano bagay na ito?” tanong ni Ada habang nagsisimula na silang kumain, Iniangat nito ang tinidor at ipinakita sa kanya "Tinidor.” "Saan ito ginagamit?” takhang tanong ni Ada at pinagtabi ang kutsara at tinidor. Naalala tuloy ni Maximus yung ginawang pagkain ni Ada sa ibinigay nyang pagkain dito kagabi. ... "Ngunit paano ko ito kakainin?” "Seriously? that enough Ada! stop fooling me!” "Ahh! ang sakit na talaga ng aking tiyan!” wika ni Ada habang naka hawak sa tiyan at naka tungo na sa lamesa. Hindi na alam ni Maximus ang gagawin nya, humawak siya sa kanyang noo at lumapit kay Ada. Umupo siya sa katabi nitong upuan at kinuha ang kutsara. "Look,” he said at nagsimulang ituro kay Ada kung papaano ang gagawin. "Try it, you silly!” he said at iniabot kay Ada ang kutsara. Tumingin lang si Ada sa kutsara bago ito nilapag at mabilis na tinungga ang cup noodles. "What the fvck!” "WAHHHH! ANG INIT!!” Nagmamadaling kumuha ng isang baso ng tubig at pamunas si Maximus upang asikasuhin siya. Namula ng bahagya ang kanyang maputing balat sa leeg at ang labi nitong may pagka putla. He took a gulp when his eyes captured her lips, it looks s——— Umiling-iling si Maximus at pinutol ang pag-iisip, lumingon siya kay Ada at nagsalita. Basta ang bumabalik-balik sa isip nya ay tinungga ni Ada ang cup noodles hanggang sa maubos ito. "Look how I use it,” he told her na hindi naintindihan ni Ada, tumingin na lamang ang babae sa kanya at paunti-unting sinimulan ang pagkain katulad ng ginagawa ni Maximus. Hindi naman siya nahirapang matutunan ito, nga lang ay hindi nya maipag-sabay gamitin ang tinidor at kutsara sa pagkain kaya kutsara na lamang ang kanyang ginamit. "Ginoo! sandali lamang,” wika ni Ada upang mahintuin si Maximus sa tangkang pag alis nila sa restaurant. "Why?” kunot noo namang baling ni Max sa kanya. G-ginoo sumasakit ang ibabang parte ng aking tiyan, h-hindi ko alam ang nararapat kong gawin.” Max didn't hid his knotted forehead nang humawak si Ada sa puson nito at namilipit. "Are you okay silly? you're a good actress damn!” Max said to hide his worried tone for her. Napa-iling nalang si Maximus nang may maalala, Malalim siyang bumuntong hininga bago inalalayan si Ada papunta sa powder room. "Saan tayo mag-tutungo?” Hindi pinansin ni Maximus ang sinasabi ni Ada, Lumingon-lingon siya sa paligid bago pumasok sa loob ng banyo ng mga babae. Alam nya kasing sasakit ang ulo nya kung hindi nya sasamahan si Ada. He also locked room bago itulak si Ada sa loob ng isang cubicle. "Ginoo! ano ang aking pagkakasala? bakit mo ako ikinukulong?” "Damn! Umupo ka sa bowl and do what ever you want!” “Uupo ako?” "Yeah! silly.” ... "You now okay?” Tanong ni Maximus nang lumabas si Ada sa banyo. Mukha naman ng maayos ito at nagawa ang nais nyang gawin. "Ginoo anong tawag sa aking ginawa? tila ako isang bukal na naglalabas ng tubig.” "B-bukal? you idiot! hahaha.” Hindi na naitago ni Maximus ang pag tawa nya dahil sa sinabi ng dalaga. "May nasabi ba ako na iyong ikinatuwa?” "Pttf! yeah Silly!" Nag pout na lamang ng labi ang dalaga bago ayain si Maximus na lumabas ng banyo. "Halika na Ginoo maayos naman na ang aking pakiramdam.” Umayos naman na ng tayo si Max bago binuksan ang pinto. Laking gulat na lamang nito nang pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang napakaraming babae na nag aantay pag buksan ng pinto ng banyo. Bahagyang umubo si Max at hinatak si Ada sa kamay, nagsimula na silang maglakad palayo nang madinig nya ang sinabi ng mga babae. "Ano kayang ginawa nila? sayang kahawig pa naman ni kuya si Fafa Maximus ko hmp!” "Maximus Schemeirg h-hindi ba si—” Napabalikwas ng takbo si Max at agad na hinatak si ada paalis, hindi na niya nakuha pang lingunin ang mga babae hanggang sa makapasok sila sa sasakyan. Kaagad naman itong pina-andar ni Max at dumeretso na sa pabalik sa bahay. "This is a big s**t day! " Bulong ni Max pagka park ng sasakyan sa bahay nya. He really wants to bring Ada on a park where it can normally lay her stupidity, pero dahil sa traffic at hindi nya maiwasang makilala ng mga tao ay minabuti nya ng umuwi. Also to avoid media from taking them picture and scattered it on the news papers and so far. "Masama ba ang iyong loob sa akin Ginoo?” "I’m not,” he answered her at bumaba ng sasakyan hindi nya na pinagbuksan ng pinto ang dalaga since ito naman ang naunang bumaba kahit hindi pa nya sinasabi. Napalingon naman si Ada sa mga tanim na bulaklak sa tapat ng bahay ni Maximus, mukhang nakikisama ito sa mode ng kanilang amo dahil matatamlay din ito. Nilapitan ni Ada ang mga bulaklak sa hindi nya malamang dahilan. Ngumiti siya at hinawi ang mga ito, and in the instant ay nabuhay ang nga bulaklak. "Huwag na kayo ulit malulungkot,” she mouthed at umayos ng tayo. "Sa aming mundo ay hindi maaring maging matamlay ang kalikasan kayo ang nagbibigay buhay sa amin, kaya nararapat lamang na—” "Babe! Maximus!” Naputol sa sasabihin nya si Ada nang may isang babae ang tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Maximus at walang ano-anong pumasok sa loob. Nag taka naman si Ada kaya sumilip siya sa bintana. Bumaba ng hagdan si Max at mas lalong kumunot ang noo nang makita ang babae. "Sino kaya siya?” bulong ni Ada sa sarili. "What are you doing here Alexa!?” "Babe, is that how you greet your fiancee?” "Get out! i'm tired.” "Tired? you don't have any work today? how come—” "Tsk! get lost.” Aakyat na sana pabalik si Max sa itaas nang hatakin siya ni Alexa pababa. "Kausapin mo ko Max! or I'll really ruin your day!” "What do you want?” boritonong tanong ng lalaki at inalis ang kamay ng babae sa pagkakahawak sa braso nya. "Max!” Naalis naman ang paningin ni Ada sa dalawang nag tatalo at lumipat sa kararating lang na si Helios at animo'y lumaban sa stampede dahil sa sobrang hingal nito. "Max! A-Alexa si back! you have to——” Naputol si Helios sa sasabihin nya nang makitang nasa harapan na ni Maximus ang babaeng sinasabi nya. "Max have to what?” Alexa asked him. "Oh, y-you're back Alexa” Helios “Sagutin mo ang tanong ko Helios!” "Dammit! Stop your fvcking mouth Alexa or i'll really kill you right here in front of Helios!” pigil ni Maximus sa dalawa. Lumapit sa kanya ang babae at tumingin sa mga mata nya. "Are you threatening me huh?” Alexa asked him while closely looking at him. "Let me remind you that your dad is the one who choosen me for you. Kaya wala akong paki-alam kung anak kapa ng Mafia boss or even you're the boss!” dugtong nito at ngumisi bago lumayo kay Maximus. Napansin naman ni Max sa peripheral vision nya si Ada na naka silip sa bintana kaya doon siya naalarma. "Get out!” sigaw nya sa babae at hinatak ang braso nito palabas ng bahay, pinilit nyang huwag mapalingon si Alexa sa side kung nasaan si Ada hanggang sa makalabas sila ng gate. Kaagad namang lumapit si Helios kay Ada at pinapasok ito sa loob ng bahay ni Maximus. "Ginoong Helios, may katunggali ba ang Ginoo?” tanong ng dalaga ng makapasok sila sa loob . "Hindi, ganyan lang talaga sila mag usap. Anyway, how's your day?” tanong ni helios habang nakangiti sa dalaga ngunit nakita nyang nakakunot lamang ang noo nito at animo'y dinudungaw pa si Maximus at Alexa. Agad namang napakamot sa noo si Helios dahil alam nyang hindi sya naintindihan nito. "Ada? kamusta naman ang—” "Siiya nga pala Ginoo ? nais ko sanang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay na meron rito sa inyong mundo ngunit hindi ko alam kung saan ako dapat mag simula,” seryosomg wika ni Ada na ikinahinto ni Helios. "Hmm, katulad ng ano?” naguguluhang tanong ni Helios sa dalaga. "Katulad na lamang nito Ginoo, natutuyo ang aking lalamunan at nais ko itong basain. Nais ko sanang sumalok ng tubig sa isang batis ngunit wala naman dito? may alam ka bang ibang lugar kung saan ako makakakuha ng tubig?” dugtong ng dalaga. Napakurap na lamang si Helios at napahinto. Hindi nya alam kung sa ano o papaano siya mag re-react sa sinabi ng dalaga. "Batis talaga Ada? haha, wala talaga batis dit—” "Aha! alam ko na, naalala ko nga palang may bukal sa paliguan ng Ginoo—” "Paliguan? you mean bathroom? No! Ada hindi mo pwedeng inumin ang tubig don. Pero kung nauuhaw ka talaga? pwede ka namang kumuha dito sa ref,” wika nya at inaya si Ada'ng mag punta sa kusina. Binuksan nya ang Refrigerator at kinuhaan si Ada ng isang bote ng mineral. Mangha namang napangiti si Ada at mabilis itong kinuha sa kamay ni Helios, sa sobrang tuwa ay hindi nya napansin na ginamitan nya ng mahika ang bote ng tubig kaya tumilapon ang takip nito, saka nya tinungga ang tubig. Maang namang naka masid si Helios na bahagyang nagulat dahil binalak nya sanang kunin ang bote ng mineral upang buksan ngunit kusa itong nabuksan. "Ang lamig! at napaka sarap ng tubig! ngunit Ginoong Helios papaano nagkaroon ng ganito sa loob ng kahon na iyan? Isa ba iyang mahiwagan—” "Pttf! No Ada ang tawag dito ay ref. Maraming bagay ang meron kame o tayo na dapat mo pang malaman, tulad na lamang nung paraan ng pag inom mo *chuckle* you're seems like a child.” Kinuha nya ang bote bago humarap kay Ada. "Tignan mo ang gagawin ko, ganito ang gawin mo sa susunod,” he added at sinimulang inumin ang natitirang laman ng bote. "Naku Ginoong Helios, Napakasarap mong panoorin habang—” Nasamid si Helios sa tubig na iniinom at paulit-ulit na na-ubo. Napabalikwas si Ada at agad lumapit sa lalaki upang hagurin ang likod nito, sa uulitin ay hinagod nya ang likod ng lalaki with a small sense of a magic. Kaagad umayos ang pakiramdam nito ngunit hindi inalis ni Ada ang mga palad niyang hinahagod ang likod nito. "You have a good palm Ada.” Helios said with a smile. "Helios! what the fvck you doing!?” Napa-ayos naman ng tayo ang dalawa nang umalingaw-ngaw sa loob ng kusina ang boses ni Maximus. "She just scrubbing my back because I get cough?” Maang na sagot ni Helios at tumingin kay Ada. "May problema ba Ginoo?" Ada asked Maximus. "Tsk! come here Hel,” ani ni Max na ikinatango ni Helios, sumunod naman ang binata at magkasunod silang umakyat ni Maximus sa itaas. Naiwan naman si Ada na tuwang-tuwa sa bagong natutunan, sinara niya ang pinto ng ref at muling binuksan. Saka nya ulit binuksan at sinara. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa hangang sa mapatingin sa lababo, Titig na titig siya sa gripo dahil sa mahinang pag patak ng tubig dito. "Isa ba itong bukal?" wika nya at lumapit dito. Gamit ang hintuturo ay sinahod nya ang patak ng tubig dito at tuwang-tuwang tinikman ito. "Wahh! isa ngang bukal ngunit bakit napaka hina ng tubig?" tanong nya ulit sa sarili. Lumapit siya at sinilip ang butas ng gripo nang biglang lumakas ang buhos ng tubig. Ada didn't know that the faucet is automatically brought water once the sensor hit. Hindi nya napansing sumayad ang mukha nya sa sensor kaya tumagas ang tubig sa faucet. "Ah!!” she screamed. kaagad siyang lumayo sa lababo kasabay ng pag hina ng tubig mula sa gripo. "Nakamamangha!” bulalas niya at inilapit ang palad sa ilalim ng gripo, doon nya lang napag tanto na kusa itong maglalabas ng tubig sa oras na may tumapat na kung ano. Dala ulit ng tuwa ay inulit-ulit nyang isahod ang kamay at alisin na animo'y batang ngayon lang naka gamit ng isang sensory faucet. Hindi nya napansin na nakasara ang drainage ng lababo kaya napuno ng tubig ito. "Mukhang kailangan ko ng huminto at baka matuyot ang bukal sa aking ginagawa.” Ngumiti siya at tumingin sa tubig na halos umapaw na sa lababo. She stared there for a minute hanggang sa mag-iba ang hitsura ng imaheng nakikita nya sa tubig. The face of Ada started to diminish at napalitan ng isang mukha ng babaeng inilayo mula sa mundo nila. Her real imaged appeared on the water at hindi nya namalayang napaluha siya, The undefined look of the goddess appeared on the water. Pinunasan niya ang luha at iwinasiwas ang kamay sa tubig. Sa muli ay nag bago ang imahe sa tubig, napalitan ito ng imahe ng isang babaeng may marangyang itsura, itim ang mahabang buhok nito na bahagyang may pagkakulot at ang kakaiba ang wangis kumpara sa isang mortal. "Amethyst!” banggit ni Ada sa isang pangalan habang titig na titig sa babaeng lumitaw sa tubig. "Aquila? mahabaging panginoon!” wika ng babae sa tubig at tila gulat na gulat sa nakita. Hindi ito makapaniwalang nakikitang muli ang kanyang kapatid na si Aquila na kasalukuyang nasa katawan ng mortal na si Ada. "Aking kapatid, ano ang dahilan ng kay tagal mong hindi pagpapakita sa akin? " Mahinahong tanong ng babaeng tiwanag niyang Amethyst. "Paumanhid ngunit marami akong bagay na—” "Hindi mo ba alam na ako ay lubos na nag alala sa iyo Aquila! lubos na bumagabag sa aking isip na mali ang nagawa kong salamangka upang mailayo ka sa mundong ito.” "Kung ganoon ay magiging maayos na ang iyong kalooban kapatid, ako ay maayos at nasa katawan ng babaeng nakatakdang maging aking katawan,” wika ni Ada at ngumiti, ito ang dahilan kung bakit nais nyang makakita ng tubig dahil sa pamamagitan lamang nito maari siyang magkaroon ng koneksyon sa kanilang mundo. "Ngunit papaano ka magpapatuloy na mamuhay sa mundong iyan? wala kang alam at masukal ang mundo ng tao.” Amethyst "Ngunit higit na masukal ang ating mundo, huwag ka ng mabagabag kapatid ako ay nasa maayos, may nakilala akong Ginoo. Isa siyang makisig na Ginoo at tinutulungan nya ako sa kanilang mundo.” "Kung ganoon ay mapapayapa na ako, ngunit Aquila pinapayuhan kitang huwag ipapakita ang iyong salamangka sa kahit sinong nilalang. Ito ay makabubuti upang ikaw ay manatiling lihim sa kung sino man.” "Maka-aasa ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD