Chapter 4: Mister Cat and Dog

1288 Words
Maize Harlequin Zorion-Hanley's Pov Buong maghapon na masakit ang katawan ko dahil sa insidente na nangyari sa akin. At kahit nagawa kong makahingi at makainom ng painkiller na siyang inaasahan ko para sana kahit paano ay tumagal ako hanggang sa panghapon naming klase ay lubos pa din ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman kasi ako nakapagpahinga sa klase tuwing natatapos ang bawat subject namin. Makakatulong sana iyon sa akin pero dahil katabi ko ang mga bago naming kaklase ay hindi ko iyon nagawa. Hindi lang likod ko ang sumasakit dahil sa kanila. Maging ang tainga ko dahil walang tigil ang ingay nila at wala ni isang teacher ang naglalakas ng loob na sawayin sila kaya ako ang nagsa-suffer. Well, maliban sa isang subject pero hindi naman ganoon kahaba ang katahimikan na iyon dahil ang mga sumunod na teacher ay hindi na sila pinakialaman sa kung ano ang gusto nilang gawin. Halos wala nga din akong naintindihan sa klase namin. Ah! Sana pala ay nag-stay na lang ako sa infirmary kung alam kong ganoon ang mangyayari. . . . Flashback… Halos tapos na ang oras ng klase ni Miss Corine sa amin. May kung ano lang siyang isinulat sa board at agad na ding umalis ng room. Ni hindi na siya nakapag-discuss dahil hindi pa din tumitigil sa pagbabangayan sa harap ang mga bago naming kaklase. Napatakip na nga ako ng tainga dahil talagang naririndi na ako. Aba, wala naman kasing sense ang pinagtatalunan nila. Para lang silang mga bata kung magtalo at hindi na iyon nakakatuwa lalo na kung nakakaabala na sa pag-aaral namin. Kahit ang mga kaklase ko ay nag-iingay na din. Ang mga babae ay ine-entertain sina Yuan at Roshan na hindi kasali sa pakikipagbangan. Ang mga lalaki naman ay nagku-kwentuhan tungkol sa mga nalalaman nilang mga achievement ng Black Monarch sa Underworld Arena. Napatungo na lang ako sa mesa ko. Maging ang ulo ko ay nagsisimula na din kasing sumakit ang ulo ko dahil sa ingay nila. “Enough.” Doon tuluyang tumahimik ang buong klase. Nag-angat ako ng ulo at nakita kong nakatingin ang lahat sa misteryoso at naka-poker face pa din na si Crater. Gusto kong matuwa dahil isang salita lang niya ay tuluyang tumahimik ang buong klase pero ayaw ko namang ipahalata. Nagsimula nang bumalik sa kanilang mga upuan ang mga kaklase ko. Maging ang Black Monarch ay naglakad na din papunta sa bakanteng upuan na nasa likuran at tabi ko. Halos mapasigaw ako nang bumaling ako sa gilid ko at bumungad sa akin ang mukha ni Khai na halos dalawang pulgada lang ang layo sa mukha ko. Napadiretso ako ng upo at bahagyang napalakas ang tama ng likod ko sa sandalan ng upuan kaya napangiwi ako. Shit! Lalo lang sumakit ang likod ko dahil sa nangyari. Mabilis siyang inilayo ni Dark na nakaupo sa tabi ko. “Huwag mong abalahin ang taong nagpapahinga.” “She is kinda familiar,” kamot-ulong sambit ni Khai at pumunta sa likuran ko kung nasaan ang ibang bakanteng upuan. Halos nakapalibot kasi sila sa akin. Mula sa likuran ko hanggang sa magkabilang tabi ko. Ako lang kasi ang nakaupo sa parteng ito ng classroom dahil may kanya-kanya ng grupo ang mga kaklase ko. Kaya naman ang tingin ng mga kaklase kong babae sa akin ay para nang nakakasugat sa sobrang talim. “Pasensya ka na kay Khai, huh.” Bumaling ako kay Dark na siyang nagsalita. “Siya kasi ang pinakabata sa amin kaya naman minsan ay hindi napipigilan ang pagiging childish niya.” Tumangu-tango lang ako at bahagyang ngumiti sa kanya. Naiilang na kasi ako. Hindi ako sanay na mayroong katabi at siguradong lalo lang sasama ang tingin sa akin ng mga kaklase namin. “You are Maize Harlequin Zorion, right?” Napalingon naman ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Yuan. “The top student ng high school department ng Hanley Academy?” Muli akong tumango. “Ah!” ani Khai. “Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Siya si Mais!” “Tanga!” singal ni Haven pagkuwa’y binatukan pa si Khai. “Maize ang pangalan niya. Hindi Mais!” “Ouch!” daing ni Khai at ngumuso pa. “Magkatunog naman eh.” “It is rude to call someone like that, Khai,” paliwanag ni Haven. “So, call her actual name. Not something that you just think of.” “Tama na iyan,” singit ni Roshan kaya napalingon kami sa kanya. “Naiingayan na si Maize sa inyo.” Pagkuwa’y tinuro niya si Crater na nasa kabilang tabi ko at sumenyas na para bang ginilitan siya ng leeg. Bumaling ang tingin namin kay Crater. Nakapikit lang ito habang nakasandal sa kanyang inuupuan pero ang isa nitong kamay na nakapatong sa mesa ay nakakuyom na. Kaya naman agad na umayos ng upo ang magkakaibigan at wala nang nagtangka pang magsalita. Ilang sandali din ay dumating na si Miss Aki, ang Physics teacher namin kaya nawala na sa akin ang atensyon ng lahat. At inaasahan ko na wala nang kakausap sa akin. Akala ko ay magiging tahimik na ang buong maghapon ko. Pero hindi iyon nangyari. Dahil hindi pa man nangangalahating oras ay nagsimula na namang magbangayan sina Khai at Haven. May short exam kasi kami sa physics. Though, it was an open notes, dahil may mga bago kaming kaklase. “Ang tanga mo talaga!” biglang bulyaw ni Haven kaya napalingon kaming lahat sa kanila. “Ako na naman ang tanga!” inis na sagot ni Khai. “At paanong hindi kita sasabihan ng tanga, eh kokopya ka na nga lang, idadamay mo pa pati ang pangalan ko!” Iniharap pa nito ang dalawang papel na pareho ngang mayroon ng pangalan nito ngunit magkaiba ang penmanship nito. “Kailan ka pa naging si Haven Diam Carson?” “Eh?” Kinuha ni Khai ang papel niya at pinakatitigan iyon. “Oo nga noh. Pangalan mo pala ang naisulat ko.” Napakamot siya ng ulo at alanganing ngumiti. “Sorry naman.” Dahil sinigaw ni Haven ang pangongopya ni Khai at ang pagpapakopya niya ay hindi na nakakapagtaka na makita si Miss Aki sa likuran nila na may masamang tingin. “Mister Carson… Mister Parker…” Agad na natigilan ang dalawa at bumaling dito. “Get out! You have already failed this exam.” “Pero—” Aangal pa sana ang dalawa pero agad silang binigyan nito ng masamang tingin. “Alam kong hindi kayo nakapasok sa eskwelahan na ito dahil lang sa pamilyang kinabibilangan nyo pero huwag nyo sanang ipangalandakan ang kakayahan niyong balewalain ang mga nagtuturo dito dahil lang alam niyong kaya kayong i-back up ng pamilya niyo.” mahabang litanya ni Miss Aki pagkuwa’y itinuro ang pinto. “Get out of here and reflect on what you just did here.” Nakayukong tumayo ang dalawa at hindi na umapela pa. Kinuha na lamang nila ang kanilang Physics book at lumabas ng room. Hindi naman sila pwedeng lumayo ng room namin. Sa labas lang sila tatambay bilang parusa sa kanilang ginawa. At nang matapos ang Physics period ay saglit pa silang sinermunan ni Miss Aki. Nangako silang hindi na mauulit ang pangongopya kaya hinayaan silang bumalik ng klase para sa kinabukasan. Muli na silang pumasok ng room at doon ay nagsisihan pa sila kung sino ang may kasalanan. At maghapon nilang pinagtalunan iyon kaya hindi na natahimik ang buong maghapon ko. End of the flashback… . . . Hindi ko akalain na ganito kaingay ang mangyayari sa huling taon ko sa high school. Akala ko ay magiging tulad ito noon na tahimik lang dahil wala namang kumakausap sa akin. Pero ngayon ay pinangungunahan na nila Mister Cat and Dog ang kaingayan ng klase namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD