Chapter 3: Meet the Black Monarch

1486 Words
Maize Harlequin Zorion-Hanley's Pov Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang mahinang tapik sa pisngi ko. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dito sa garden ng school. At mukhang napasarap pa ang tulog ko dahil hindi ko man lang naramdaman na may iba na pala akong kasama dito. Ibinaling ko ang tingin ko sa taong tumapik sa pisngi ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ng isang gwapong lalaki. Magulo ang kanyang buhok ngunit hindi iyon nakabawas sa kanyang kagandahang lalaki. Lalo na nang siya ay ngumiti. “Ahm, hi,” bati niya sa akin. “Malapit na kasing mag-start ang klase at nakita kitang mahimbing pa ang tulog. So, I took the liberty to wake you up.” Nagkamot siya ng ulo. “I am sorry for getting ahead of myself.” Umiling ako. “You don’t have to say sorry,” sambit ko. “Actually, I should be thanking you.” Agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo na. Malapit na ngang mag-start ang klase at ayaw ko namang ma-late dahil lang sa pagtulog ko dito. “Anyway, thank you again.” Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad na lamang akong tumakbo papunta sa classroom ko. Medyo malayo pa kasi ang room kung saan magaganap ang una kong klase at kung magtatagal pa ako ay sigurado talagang male-late ako. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko pa makita ang teacher namin pagdating ko sa tapat ng classroom namin. Dinig ko pa din mula sa labas ang ingay ng mga kaklase ko na siyang isa sa senyales na wala pang teacher sa loob. Akala ko talaga ay mauunahan pa niya ako. Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob tsaka muli itong isinara. Medyo natigilan pa ako dahil napatingin sa akin ang mga kaklase ko na hindi naman madalas mangyari. Yumuko ako upang iwasan ang kanilang tingin ngunit nang akma na akong hahakbang ay isang malakas na pwersa ang bigla na lamang tumama sa likod ko. Biglaan iyon at malakas na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balanse. Hindi ko na din nagawa pang pigilan ang pagbagsak ko kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko habang hinihintay ang tuluyan kong pagtama sa sahig. Ngunit agad din akong napadilat nang maramdaman ang mainit na mga braso na biglang bumalot sa aking katawan at pinigilan ang aking tuluyang pagbagsak. “Are you okay?” Dahan-dahan kong binaling ang tingin ko sa sumalo sa akin at bumungad ang mukha ng lalaking kanina lang ay kasama ko sa garden. “I-ikaw?” Ngumiti siya. “I didn’t know that we would become classmates.” Inalalayan niya ako hanggang sa tuluyan akong makatayo ng maayos. “May masakit ba sayo?” Umiling ako at mabilis na yumuko. Ramdam ko na kasi ang tingin ng mga kaklase namin. “What happened here?” Muli akong napatayo ng tuwid nang marinig ang boses ng teacher namin. “Konting aksidente lang, Sir.” Tinapik ng lalaking ito ang balikat ko kaya nag-angat ako ng tingin at sinesenyasan niya ako na maupo na. Kaya yumuko ako ng bahagya sa kanya at tuluyan ng naglakad papunta sa pwesto ko. Naririnig ko pa ang mga bulungan ng mga kaklase kong babae na mukhang kinikilig habang nakatutok ang tingin sa mga lalaking pumasok ng room namin. Nang tuluyan akong makaupo sa pwesto ko at doon ko lang nakita na hindi lang pala iisang lalaki ang pumasok ng room namin. Pero hindi ko na sila masyadong pinagtuunan ng pansin dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Iyong pagtama ng pinto sa likod ko ang sanhi nito at kahit gusto kong indain ay nasisiguro kong makakaabala ako sa mga kaklase at teacher ko. Tingin ko ay titiisin ko na lang muna ito hanggang mag-lunch break. At doon na lamang ako pupunta ng infirmary upang makahingi ng pain killer nang sa gayon ay makapagpatuloy ako sa panghapon kong klase. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang inilapat ang likod ko sa sandalan ng aking upuan. Malambot naman ang upuan namin kaya hindi lalala ang kondisyon ng likuran ko. “So, you are the eight students that just got transferred here,” sambit ni Miss Corine, ang mathematics teacher ng klase namin. “Introduce yourself one by one then you can occupy the vacant seat at the back.” “Hi, I am Dark Azure Bergn.” That man was the one who woke me up and helped me. So, he is part of the Bergn Clan, the acting marquess in this city. Kaya pala pamilyar ang mukha niya nang una ko siyang makita. “Khai Zircon Parker,” masayang sambit ng pinakamaliit sa kanila. He has this childish aura but it is kinda refreshing, especially when he smiles from ear to ear. “Nice to meet you.” “I am Haven Diam Carson.” Nagbow pa ang lalaking ito bilang pagbati sa aming lahat. And I know him. Ang angkan na pinanggalingan niya ay katulong ng mag Bergn sa pamumuno sa siyudad na ito. Madalas ko siyang makita sa mga press conference kung saan kasama niya ang kanyang ina kapag may mga kailangang i-announce ang acting marquess ng Trost City. “Yuan Blue Goshan.” Nag-salute ito at nag-wink pa na siyang ikinaingay ng mga kaklase kong babae. “Settle down, girls.” “R-Roshan Rust Keelan.” Napakamot ito ng ulo at agad na nag-iwas ng tingin. “Please take care of me.” “Zyrgal Xanadu Shioki.” Hindi ito nag-abala na tumingin sa amin. Nananatili ang kanyang tingin sa pahina ng librong kanyang hawak. “Eirlan Spinel Glaucia…” Bakas sa ekspresyon nito ang kayabangan at nakakatakot din itong tumingin kaya agad na akong nag-iwas ng tingin. “Crater Crimson Hanaux.” Muli kong ibinalik ang tingin sa kanila at natuon ito sa huling lalaki na siyang nagpakilala. He was just there, standing wearing his poker face. Without even giving everyone a single look. At kung kanina ay masayang nagbubulungan ang mga kaklase ko, ngayon ay halos pilit nilang itinatago kung ano ang pinag-uusapan nila. Pasimple pa ang kanilang pagtingin sa lalaking nagngangalang Crater. “You are the Black Monarch, right?” Lakas-loob na sambit ng isa sa kaklase kong babae. “You are the second unit ng kilalang gangster group na madalas tumambay sa Underworld Arena.” Mayabang na ngumiti si Eirlan. “Yeah, we’re part of the Black Monarch. I didn’t know that people here know about us.” Masyadong mahigpit ang school na ito at hangga’t maaari ay hindi ito tumatanggap ng mga estudyante na may kinalaman sa kahit na anong gang group pero hindi naman ibig sabihin noon ay walang nagiging exempted sa rule na iyon. Lalo na kung galing sa mga mamamayan na angkan at mga estudyante na kayang ipasa ang entrance exam. Tulad na lang ng mga lalaking nasa harap namin ngayon na galing sa mga kilalang angkan ng Trost City kaya hindi na nakakapagtaka na kahit kabilang pa sila sa pinakasikat na gang group sa siyudad na ito ay nagawa pa din nilang makapag-enroll dito. At muli na namang nag-ingay ang mga kaklase kong babae na tuwang-tuwa nang makumpirma ang kanilang hinala, Though, hindi ko sila masisisi. Ang walong lalaking ito ay talaga namang nagkagwapuhan. Wala ni isa sa kanila ang nagpapahuli at talagang magaganda din ang kanilang tindig kaya lahat ay maa-appreciate ang bawat features nila. “Well, ganoon talaga tayo kasikat kaya hindi na dapat tayo magtaka kung bakit kilala nila tayo.” yabang ni Khai. “Masyado kasi talaga tayong gwapo para hindi makilala agad lalo na ng mga babae.” “Ang daldal mo talaga, Khai,” saway ni Haven. Agad na napasimangot si Khai at bumaling kay Dark na parang bata. “Dark…” Itinuro pa niya si Haven. “Inaaway niya ako.” Hindi nagsalita si Dark at alanganin lang itong ngumiti. “Isip-bata ka talaga,” ismid ni Eirlan “Oh, huwag nang masyadong mainit ang ulo.” Agad na umawat si Yuan bago pa mag-abot sina Khai at Eirlan. “Ahm…” Sumingit na si Roshan. “Na-nakakahiya sa mga kaklase natin.” Itinuro pa niya kami dahil pare-pareho lang naman kasi kaming nakatingin sa kanila habang nagtatalo. Though, Rohan was right. Hindi ba sila nahihiya na magbangayan sa mismong harap ng klase namin? Ni hindi man lang sila pinipigilan ni Miss Corine na abala lang sa kanyang hawak na libro. Kahit sina Zyrgal ay hindi sila pinapansin na para bang mas mahalaga pa ang kanyang binabasa. Crater ay nakasandal lang sa isang tabi. Napailing na lang ako. I just met these eight guys who will surely make our whole class more active. Sa mga personalidad na mayroon sila, imposibleng manatiling tahimik ang buong klase. Pero kahit naman may dumagdag sa klase namin, alam kong hindi pa din magbabago ang katotohanan na… Invisible ako sa paningin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD