Chapter 5: Mister Savior

2212 Words
Maize Harlequin Zorion-Hanley's Pov Dahil madami-dami akong hindi naintindihan sa klase kanina ay pinili kong magtagal muna sa library. Hindi maaaring maging excuse ang hindi pagkaklase ng maayos ng teacher namin para bumaba ang mga grades ko kaya kailangan ko pa din na mag-aral. Medyo mahirapan pa akong kunin ang ilang mga libro na kakailanganin ko dahil naghihigpit ang librarian namin. Mabuti na lang at dumating ang school principal at binigyan ako ng special pass para dito. Mas kumpleto kasi ang information na nandito sa mga libro. Madali kong masusundan ang mga topic na nasa mismong lesson plan ng mga teacher kaysa maghanap pa ako sa internet. Isa pa ay iniiwasan ko ang matagal na pagbababad ng mata ko sa screen ng laptop at cellphone dahil nagsisimula nang lumabo ang mga mata ko. At hindi ko na namalayan ang oras. Nang bumaling ako sa bintana ay nakita kong madilim na ang kalangitan at doon ko lang napansin na ginabi na pala ako dito sa library. Agad kong inayos ang mga gamit ko. Isinauli ko ang mga librong hiniram ko at inilista ang mga dadalhin ko sa bahay. Hindi na naman ako pinigilan ng librarian dahil alam niyang hahayaan din ako ng principal. At nang maiasyos ko ang lahat ay agad na akong lumabas. Mabuti na lang at maliwanag ang hallway ng building at mga pathway. Marami-rami pa din ang mga estudyante na nasa school pero iilan na lamang ang lumalabas. May night classes kasi ang school na ito para sa mga estudyante na gusto pa ding makapag-aral kahit na nagta-trabaho sa umaga. At dahil dito ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. Ang totoo niyan ay takot ako sa dilim. Hindi naman siya totaly phobia pero hindi ako nakakakilos kapag nasa dilim ako. Para akong naso-soffocate kaya pinasadya ng principal ang pagpapalagay ng maraming ilaw sa buong school. Malapit na ako sa gate ng high school department ng Hanley Academy nang mapansin kong may nakatambay na grupo ng mga kalalakihan. Hindi normal ang bagay na iyon dahil nga hinid pumapayag ang school na madamay ito sa kahit na anong may kinalaman sa karahasan. Gusto itong panatilihin ng mga namamahala na malayo sa kahit na anong gulo nang sa gayon ay makampante ang mga magulang ng mga estudyante dito na ligtas ang kanilang mga anak. Sa ibang school kasi ay napapadalas ang mga away at gulo dahil ang ilan sa mga estudyate nila ay kabilang sa mga gang na dinadala ang kanilang alitan sa kahit na saang lugar sila magpang-abot. Nagdadalawang-isip ako kung tutuloy sa paglabas. Hindi ko alam kung judgemental lang ako pero kinakabahan talaga ako sa mga lalaking iyon. Pero tuluyan nang magdidilim ang dadaanan ko pauwi kung magtatagal pa ako kaya naman huminga na ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gate. Hindi naman siguro sila nandito para manggulo at sigurado naman na hindi ako madadamay sa sadya nila kung sakali. Wala akong kaibigan sa school at lalong wala akong kinakausap dito na parte ng kahit anong grupo kaya wala akong dapat alalahanin. Yumuko na lamang ako habang naglalakad nang sa gayon ay hindi ako makagawa ng kahit anong ikagagalit ng mga lalaking iyon. At siniguro ko na sa pinakagilid ako ng gate dadaan upang hindi na nila mapansin. Ngunit natigilan ako nang tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Tumigil ako sa paglalakad at dahan-dahang iniangat ang aking ulo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa harapan ko na pala ang mga kalalakihan na nakatambay lang kanina sa kabilang side ng gate. Nagsimula na akong lamunin ng kaba. s**t! Sinusubukan kong huwag mag-isip ng hindi maganda upang hindi maipakita sa kanila ang takot na nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko na baka mayroon lamang silang itatanong sa akin na hindi nila magawang itanong sa iba dahil agad silang nilalayuan bago pa sila tuluyang makalapit sa mga ito. Iniisip ko na wala naman silang hindi magandang gagawin sa akin. Tama… Hindi ako dapat matakot. Hindi porket mukhang goons ang mga ito ay pag-iisipan ko na agad sila na may masamang balak sa akin. “M-may kailangan kayo sa akin?” Hindi sila sumagot. Pinakatitigan muna nila ako ng mabuti pagkuwa’y nagkatinginan sila at tumangu-tango sa isa’t-isa. “May gusto lang kaming itanong,” sambit ng lalaking nasa harap ko. Kung pagbabasehan ang kanyang awra, tingin ko ay siya ang pinuno ng grupong ito. “Maaari ba, binibini?” Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin kaya akma akong aatras ngunit hindi ko namalayan na nakasara na pala ang gate kaya wala na akong ibang tatakbuhan pa. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nagbabakasakali na baka may magmagandang-loob na tumulong ngunit bigo ako. Ang mga estudyante na palabas ng school ay nag-iiwas lang ng tingin sa akin at nagpapanggap na walang nangyayaring pangha-harass sa akin. “A-ano ba ang kailangan nyo?” lakas-loob kong tanong. Mukhang hindi din naman ako pakakawalan ng mga ito kaya mas mabuti nang ibigay ang sagot sa kung anuman ang tanong nila. “Kilala mo ang Black Monarch, hindi ba?” Napatingin ako sa kanya ng diretso dahil sa tanong niyang iyon. “Nakita kasi ng isa sa mga tauhan ko na pinagkakaguluhan ka ng mga lalaking iyon sa klase niyo kanina,” dagdag niya. “Kaya hindi mo naman siguro itatanggi ang pagkakakilala sa kanila, hindi ba?” Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong senaryo. Ang mga ganitong pangyayari ay madalas kong marinig sa mga kaklase ko na mayroong kaibigan sa ibang school. Lagi nilang sinasabi na madalas targetin ng mga magkakaaway na gang ang kaibigan o mahal sa buhay ng kalabang grupo. Iho-hostage nila ang mga ito at gagamitin nang sa gayon ay hindi na makapanglaban pa ang kalaban nila. At mukhang dahil sa engkwentro namin ng Black Monarch kanina ay inakala ng isa sa tauhan niya na malapit ako sa mga ito. “K-kilala ko sila,” sagot ko. “Pero wala akong kinalaman sa kanila.” “Sinungaling!” sigaw ng lalaki na katabi nitong lider nila. Tumingin ako doon at agad kong namukhaan ang lalaking iyon. Isa ito sa mga kaklase ko kaya nasisiguro kong siya ang nagsabi sa grupong ito na may ugnayan ako sa Black Monarch. “Nakita ko kung paano ka tingnan ng mga lalaking iyon,” giit niya. “Hindi sila mag-aaksaya ng panahon na tumabi sayo kung wala kang kaugnayan sa kanila.” Nang makita kong ngumisi ang lider nila ay doon na ako nakaramdam ng matinding takot. Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko at ang panginginig ng mga tuhod ko. Shit! Hindi ko akalain na mapapahamak ako dahil lang nakatabi ko ang Black Monarch. “Ma-maawa kayo,” pagmamakaawa ko. “W-wala akong kinalaman sa kanila. Nagkataon lang na nasa paligid ko ang mga bakanteng upuan sa klase namin kaya sa akin sila tumabi.” Pero tingin ko ay wala nang silbi kahit pa magmakaawa ako. Bakas na sa mga mata ng kanilang lider ang kasiguraduhan na magagamit niya ako laban sa mga taong gusto niyang gantihan. “Hindi ka masasaktan kung sasama ka ng maayos,” sambit ng lider at marahas na hinawakan ang braso ko. Bumagsak pa ang mga gamit ko dahil marahas din niya akong hinila palayo sa school namin. “Pasensya ka na kung nadadamay ka pero sisihin mo ang grupong iyon,” dagdag nitong lider. “Sila ang unang kumanti kaya gaganti lang kami. Sumunod ka sa sasabihin ko at sisiguraduhin ko na hindi ka masasaktan.” Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa taong ito. Aba, handa siyang gumamit ng ibang tao para lang makaganti sa grupong kaaway niya kaya paano ako maniniwala na hindi nga niya ako sasaktan? At kahit ano pa ang sabihin ko ay hindi naman siya naniniwala na wala akong kinalaman sa kaaway niya. Kaya paano niya magagantihan iyon kung hindi din naman niya ako magagamit laban sa mga ito? Nagsisimula nang lumabo ang paningin ko. Una ay dahil sa luha na siyang pumapatak mula sa mata ko. Pangalawa ay dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa aking likod at ulo. Gusto kong manlaban para makatakas ay hindi ko magawa. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. Wala na din akong lakas na sumigaw pa para humingi ng tulong kaya nagpatianod na lang ako sa paghila sa akin ng lalaking ito. Siguro ay talagang tadhanang mapahamak ako dahil sa mga taong kakakilala ko lang naman kanina. At tama na din siguro na ako ang kinuha ng mga lalaking ito. Ayaw ko naman na mayroon pang ibang madamay dahil sa pagiging isip-bata ng mga ito na talagang gagamit pa ng babae para lang makaganti sa kaaway. Hindi naman siguro ako mamamatay at hindi sila gagawa ng bagay na sisira sa pagkatao ko kapag hindi nila nakuha ang kailangan nila sa akin. Tingin ko ay kahit gangster sila ay hindi sila mangre-r**e ng babae. Masasaktan lang siguro ako ng pisikal pero mabubuhay pa din ako. Malapit na kaming makarating sa isang abandonadong building na hindi kalayuan sa school nang biglang tumigil ang humihila sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at nakita na mayroong isang tao ang nakaharang sa dadaanan namin. Hindi ko makita ang mukha nito dahil madilim sa kanyang kinatatayuan at nakasuot ito ng jacket na may hood. Bigla na lang itong sumugod sa amin kaya agad akong itinulak palayo ng lalaking nakahawak sa akin. Bumagsak ako sa sahig kaya naman hindi ko na naiwasan ang malakas na pagdaing ko nang tumama muli ang likuran ko sa matigas na bagay. Shit! Nabubugbog ng husto ang katawan ko mula pa kaninang umaga. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyayari sa paligid ko. Nananatili na lamang akong nakahiga sa damuhan na siyang pinagbagsakan ko upang ipunin ang natitira kong lakas. Kailangan kong makauwi ngayong gabi dahil siguradong malaking abala ang mangyayari kapag nalaman ng guardian ko na hindi ako nakauwi. Napadilat ako nang may biglang humawak sa kamay ko at tinulungan akong tumayo. Doon, bumungad sa akin na wala nang malay ang grupo ng mga lalaking kumuha sa akin sa school kanina. At doon ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga ay mapapahamak na ako. Muntik pa akong bumagsak muli ngunit naging maagap ang taong tumulong sa akin. Agad niya akong niyakap at inalalayan na maupo sa gutter ng kalsada. “You are safe here,” mahina niyang sambit. “Wait for my friends. They will help you.” Hindi na ako nakasagot pa dahil agad itong tumakbo palayo sa akin. At ilang sandali ay nakita ko na ang Black Monarch na palapit sa akin. “Mais!” Agad akong niyakap ni Khai. “Sorry, Mais!” “Sinabi nang Maize ang pangalan niya!” singhal ni Haven at pilit hinihila palayo sa akin si Khai. “At huwag mo nga siyang yakapin. Mahiya ka naman sa ginagawa mo!” Agad na ding bumitaw sa akin si Khai ngunit nananatiling hawak niya ang balikat ko. “Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong ginawa sayo ng mga gunggong na ito?” Gusto kong sumagot ngunit lalo lamang sumasakit ang katawan ko dahil sa ginagawa niya kaya marahas kong tinapik ang kanyang mga kamay. Napabitaw siya sa akin at bakas ang gulat sa ginawa kong iyon. Ayaw kong maging masama sa kanila pero hindi ko na talaga kakayanin pa kung magtatagal pa ako dito. “Ma-Maize?” Kinuha ko ang mga gamit kong hawak ni Roshan. Gusto pa nga sana akong alalayan ni Yuan ngunit agad din siyang natigilan ng samaan ko siya ng tingin. “I-ihahatid ka na namin,” sabi ni Roshan na mabilis kong inilingan. “Malapit na dito ang village namin,” sambit ko. “Kaya ko nang umuwi ng mag-isa. Isa pa, mukhang lalo akong mapapahamak kung hahayaan kong lumapit uli kayo sa akin.” I am done with everything that happened today. Sagad na sagad na ang pasensiya ko. Masakit na ang buong katawan ko at gusto ko na lang umuwi sa bahay ko para makapagpahinga. At hindi ko iyon magagawa kung hahayaan ko pang ihatid ako ng mga lalaking ito na sila din namang dahilan kung bakit ako napahamak. Hindi ko na sila tinapunan pa ng tingin ay bumaling na lang kay Dark. “Salamat sa pagliligtas sa akin.” Matapos noon ay agad na akong tumakbo palayo sa kanila. Sapat na ang simpleng pasasalamat na iyon para sa pagliligtas na ginawa ni Dark sa akin. Oo, siya iyong lalaking nagligtas sa akin, Hindi ko man nakita ang mukha niya kanina at hindi man malinaw ang pagkakarinig ko sa boses niya nang magsalita siya ay hindi naman ako maaaring magkamali sa suot niyang jacket na may hood. Ikatlong beses na niya akong inililigtas sa buong maghapon na ito kaya gusto ko siyang tawaging mister savior pero ang corny naman noon. Ipinagpapasalamat ko na lagi siyang nandiyan sa tuwing mapapahamak ako. Though, dahil sa kanya at sa mga kaibigan niya kaya ako nalalagay sa mga ganoong sitwasyon. Dark Azure Bergn maybe my protector, but I think I shouldn’t be really around them. Mas mapapahamak lang ako kung magiging malapit pa ako sa kanila at iyon ang kailangan kong iwasan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD