Guardian’s Pov
People call me a genius.
They all said that I was too smart for my age and that I will surpass even my elder brothers with the intelligence that I had.
And I don’t really mind that because I was just too focused on doing what I want.
That is why when I turned 10 and started attending high school, I was too confused by people being shocked whenever they learned about my age.
Hindi ko naman ginusto na mag-stand out at mapansin ng mga tao pero dahil sa ilang beses akong nag-excel sa pag-aaral ko ay hindi ko na iyon naiwasan. Idagdag pa ang apelyido na nakakabit sa pangalan ko kaya nasanay na lang ako na laging napapalibutan ng maraming tao kahit na ayaw ko naman talaga.
People always see me. They notice everything that changes in me. Kahit iyong pinakamaliit na detalye sa akin ay agad nilang napapansin. I am too visible to them.
They admire me for everything. Intelligence, wealth that I acquired for myself at a young age, physical appearance and family background.
Everyone around me acted nice in front of me just to make sure that I would like them. Women do everything just to make sure that I will notice them. But sad to say, I am not interested in them.
Not because I am not interested in women at all. But because of the woman that actually caught my attention when I was still a young man.
I met that woman at the party that was held in my house. That was my 16th birthday and most of the people who attended the party were my parents’ friends and business partners.
I had some of mine too but they are too busy eating at the buffet table so I decided to just go out of the house to get some fresh air.
I don’t really like this kind of huge party with a lot of people who I don’t really personally know. It made me suffocate but I had to endure it because dad is looking forward to this day.
I went to the back of my house where the garden is located.
Walang nagpupunta dito dahil halos lahat ng bisita ay abala sa pakikipag-usap sa isa’t-isa kaya maganda itong tambayan sa mga ganitong pagkakataon.
Ngunit napakunot ang noo ko nang masilayan ang isang babae na nakaupo sa gilid ng fountain na mayroon dito.
I think she was just ten years old back then. And I don’t really have any feelings or attraction towards her at the time. For me, she was just a beautiful innocent little girl.
Nakatitig lang siya sa tubig ng fountain habang nilalaro ito.
“Hindi dito ang party” sabi ko nang bahagya akong makalapit sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin sa akin pagkuwa’y agad na tumayo at yumuko. “I… I am sorry.”
“What are you doing here?” tanong ko.
I am not really sure who her parents are. I don’t even recall seeing her inside the party so I don’t know if I can help her to get back inside.
“H-hindi ako mahilig sa party,” sambit niya. “Isinama lang ako ng mga magulang ko dahil walang mag-aalaga sa akin sa bahay pero hindi naman ako maaaring lumapit sa kanila dahil masyado silang abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila.”
“Ang parents mo lang ba ang kasama mo?”
Umiling siya. “Kasama din namin ang kuya ko,” sagot niya. “Pero tulad ng mga magulang ko ay abala din ang isang iyon sa pakikipaglaro sa mga kaibigan niya kaya naisipan ko na lang na dito tumambay dahil mas tahimik dito kaysa sa loob.”
Well, hindi ko naman siya masisisi dahil mas masarap ngang tumambay na lang dito sa garden kaysa makisalamuha sa mga bisita sa loob.
Pero sa suot niyang simpleng white dress na hanggang tuhod niya ay siguradong magkakasakit siya sa lamig dito.
Hinubad ko ang coat ko at iniabot iyon sa kanya. “Use this.”
Iniangat niya ang kanyang ulo at kunot noo na tumingin sa akin.
“Wear this,” sabi ko. “Siguradong sisipunin ka kung magtatagal ka pa dito nang ganyan lang ang suot mo.”
“P-pero…”
“Just take it.” Inihagis ko na iyon sa kanya na agad naman niyang nasalo. “I will let you stay here for a while. But be sure to go inside before you catch colds, okay?” Hindi na ako nag-abala pa na hintayin ang sagot niya at agad ko siyang tinalikuran pagkuwa’y bumalik na sa loob ng mansyon.
Sa pagpapatuloy ng party ay doon ko nalaman na ang batang babaeng iyon pala ang nag-iisang anak na babae ng bestfriend ni Daddy.
Maize Harlequin Hanley.
His brother is one of my best friends and the reason that most people don’t know about that little girl is because many people wanted to harm the whole Hanley Clan.
So, they thought of hiding the fact that they have a little girl in their family. In that case, they can make sure of her safety no matter what.
They live at the subdivision next to ours. And whenever I rode my bike there to meet with some of my friends who also live there, I often see her at the part where she and her bestfriends played.
I don’t really know why but I sometimes stopped not far from them just to look at her.
I know, I sound like a creepy stalker, but I never really intended on harming her. I just love the smile she has and the warmth that she can give to others with the nice and kind attitude that she always shows.
One time, I decided to approach her. Well, madalas na kasi akong mapansin ng mga kasama niya at bakas na ang pagtataka sa kanilang mga mata sa tuwing nakikita ako.
Pero ni minsan ay hindi tumingin sa direksyon ko si Maize kaya naisip ko na baka hindi niya ako nakikita.
So, I wanted to say hi and ask if she still remembers me.
All of her friends stopped what they were doing and looked at me. I was standing at Maize’s back, so she didn’t see me at first.
But her friends pointed at me.
That is when she looked at me. But to be honest, I actually regret doing that because as soon as she looked at me, she immediately turned her back at me and started doing what she was doing.
As if she didn’t even see me. Na para bang hindi man lang niya nararamdaman ang presensya ko.
Inis akong umalis doon at ipinangako ko sa sarili ko na hindi na babalik doon. Malapit na naman akong matapos sa pag-aaral kaya naman magiging abala na din ako sa trabahong sisimulan ko kaya mawawalan na din ako ng oras para maglagi pa sa village nila.
At ginawa ko naman pero kahit paano ay kinakamusta ko siya sa kapatid niya na madalas ko pa ding kasama kahit na nauna akong nakatapos ng kolehiyo sa mga kaibigan ko.
Though I am still busy with the business that I personally built while taking my masteral degree.
And two years later, nadatnan ko ang ama ni Maize na nakaupo sa living room ng bahay ko.
“Magandang araw po, Tito,” bati ko dito.
Tumayo naman siya at ngumiti sa akin. “Nandiyan ka na pala.”
“Hindi po ba nasabi ni Daddy sa inyo na babalik siya ng Singapore ngayong araw?” tanong ko.
“Hindi ang iyong ama ang sadya ko dito,” aniya na ikinakunot ng noo. “Ikaw ang gusto kong makausap.”
Iginiya ko siyang maupo na agad naman niyang ginawa kaya naupo na din ako. “Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Hijo, hindi lingid sa kaalaman ko ang pagkagusto mo sa anak ko,” sabi niya na lalo kong ikinakunot ng noo.
“Nagkakamali po kayo,” tanggi ko. “Hindi po…” Ako na ang pumigil sa sarili ko sa akmang sasabihin ng mapagtanto kung paano nito nasabi ang bagay na ito kaya napabuntong hininga na lamang ako. “Did your son tell you about what I always did before?”
Tumango siya. “Alam mo naman kung gaano ka-chismoso ang batang iyon kaya hindi ka na dapat nagtataka na nakarating agad sa akin ang pagkagusto mo sa anak ko.”
“Tito, Maize is still young and yes, I admit that I like her but not to the point that I want her romantically,” paliwanag ko. “I don’t know how to explain this but I really care about her and I want to get close with her but I know that it is not possible since she doesn't like me.”
“I know what you mean, son,” aniya. “But it is okay for you to like her. It is normal. Just make sure not to cross your lines.”
Tumango ako. “I know, Tito.”
Huminga siya ng malalim. “Anyway, hindi iyan ang talagang dahilan kung bakit gusto kitang makausap.” Sa pagkakataong ito ay naging seryoso na ang kanyang mga mata.
“Alam kong alam mo ang sitwasyon ng pamilya namin kaya hindi ko na iyon ipapaliwanag sayo,” sabi niya. “Maraming naghahangad na patayin kami upang makuha ang yaman ng pamilya namin. Minsan nang muntik mapahamak ang mga anak ko at ngayong naitago na namin sa publiko si Maize, nasisiguro ko na magiging maayos na ang kalagayan niya kahit na ano pa ang mangyari.”
“Ano pong ibig niyong sabihin?”
“We are planning to get out of the country, Hijo,” sambit niya. “Me and my wife need to find some important things outside the country but I have this kind of feeling that it will become dangerous, so I wanted to leave my daughter in your hands.”
“Po?”
“Wala na akong ibang kamag-anak pa,” sabi niya. “Midnight is still young so I can’t trust him with everything. At kayo lang ng Daddy mo ang higit kong mapagkakatiwalaan kaya sana ay pumayag ka na maging guardian ni Maize kapag may nangyaring hindi maganda sa amin.”
“Te-teka lang po…” Naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang mangyari at kung bakit siya humihiling ng ganito. Pero masyadong malaking responsibilidad ang ipinapataw niya sa mga balikat ko.
“I know, this is too much to ask,” aniya. “Pero tulad nga ng sinabi ko, kayo lang ng Daddy mo ang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa ikabubuti ng mga anak ko.”
Midnight is already eighteen years old. But he was too much of a happy-go-lucky type of man, which is why I understand why his father couldn’t trust him with their family’s property.
He was still a little bit immature and childish. He still can't handle the responsibility to become Maize’s guardian if something happens to their parents. He can take care of his own but he can’t surely handle Maize, especially with a lot of work he will hand in their company.
And I am also eighteen years old. Legal na akong maging guardian ni Maize kung tatanggapin ko ito pero paano kung hindi naman gusto ni Maize na ako ang maging guardian niya?
“Hijo, I know that you can take care of my little girl.” Bakas na ang pagmamakaawa sa mga mata ni Tito kaya napabuntong hininga ako.
“I am not really sure if I can take care of her and I won’t give you any promise but I will try my best to give her the best life that she deserves,”
Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko pero ang kanyang ama na ang nakikiusap sa akin at wala akong nakikitang ibang dahilan para tanggihan ito gayong halos magmakaawa na siya sa akin.
Isang linggo pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay nabalitaan ko na lang na bumagsak ang eroplano na sinasakyan ng mga magulang ni Maize. At ang masaklap pa nito ay kasama din sa eroplanong iyon si Midnight na hinihinalang pumuslit sa loob para lang makasama ang mga magulang.
At doon dumating sa opisina ko ang lawyer ng pamilya Hanley at ipinakita sa akin ang last and will testament na iniwan ni Tito. At nakasaad doon na maliban sa pag-aalaga ko kay Maize biglang bago nitong guardian ay sa akin din niya iniwan ang lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya hangga’t hindi pa tumutungtong sa ikalabing walong kaarawan si Maize.
Hindi ko inaasahan ang lahat.
Ang akala ko ay si Maize lang ang pangangalagaan ko pero dahil nadamay si Midnight sa aksidente ay wala na din akong ibang pagpipilian kundi saluhin ang responsibilidad paras a lahat ng ari-arian na ngayon ay pag-aari na ni Maize.
Nang mahanap ang katawan ng pamilya ni Maize ay agad kong ipinaayos ang lahat ng kakailanganin para sa burol ng mga ito.
Siniguro kong exclusive lang ang wake na iyon at tanging malalapit na kaibigan lang ang makakapasok. Mga kaibigang alam ang tungkol sa existence ni Maize nang sa gayon ay masiguro ko na hindi lalabas sa lahat ang tungkol sa kanya at mas mapoprotektahan ko siya sa mga magtatangkang manakit sa kanya.
At nakita ko kung gaano siya kalungkot habang nakatingin sa tatlong kabao na nasa harap niya. She is not crying but her eyes says different.
She was sad, lonely and empty.
I was planning to comfort her and tell her that I am her new guardian but like what she did at the park, she just looked at me.
Pero iyong tingin niya ay para bang tumagos sa katawan ko at hindi niya talaga ako nakita dahil agad din niyang ibinalik ang tingin sa mga kabao.
At dahil sa ginawa niyang iyon, naisip ko na huwag na lamang magpakilala sa kanya.
I can take care of her without letting her know my identity. I can take care of everything without telling her who I am.
Dahil mas mabuti na iyong alam niya na may isang taong nag-e-exist para alagaan siya. Baka kasi kapag nagpakilala pa ako ay magpilit siyang tanggihan ang binilin ng kanyang ama.
Mas mabuti na ang ganito.
Ako ang magiging guardian nya pero…
HIndi niya ako kilala
Hindi nya ako makikilala.
Dahil mananatili akong isang invisible.