Maize Harlequin Zorion-Hanley's Pov
"Good morning," masaya kong bati sa akin sarili matapos kong imulat ang aking mga mata. Pinatay ko ang alarm clock na siyang gumising sa akin pagkuwa’y nag-inat tsaka tuluyang bumangon sa kama.
"Good morning, Mama, Papa at syempre, sa aking pinakamamahal na kuya." Hinalikan ko ang picture nila na nasa side table ng kama ko.
Ito ang araw-araw na ginagawa ko sa umaga bilang pag-alala sa pamilya ko na ilang taon ko na ding hindi nakakasama.
Tumayo na ako ng kama at kinuha ang ang towel ko tsaka pumasok ng banyo para maligo.
At habang naliligo ako ay sisimulan kong ipakilala ang sarili ko at ikwento ang ilang bahagi ng buhay ko.
I am Maize Harlequin Hanley. Sixteen years of age. Tenth grade in high school at mag-isang namumuhay sa dalawang palapag na bahay na ito.
Tatlong taon nang mawala ang buong pamilya ko. Hindi ko masyadong alam ang detalye pero sinabi sa akin ng mga taong na pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko na hindi nakaligtas ang mga ito sa pagsabog ng private plane na kanilang sinasakyan.
Hindi ordinaryong mamamayan ng Avenir Kingdom ang pamilya ko kaya marami talaga ang naghahangad na mawala ang buong Hanley.
At hindi iyon lingid sa kaalaman ko kaya malakas ang kutob ko na hindi simpleng aksidente ang nangyari sa kanila. Pinagplanuhan iyon upang masiguro na hindi na sila makakabalik pa dito kahit kalian.
Pero kahit iyon ang iniisip ko, wala naman akong ebidensya na maipapakita upang patunayan ito kaya tinanggap ko na lang nang tuluyang tuldukan ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon.
Wala din naman kasi akong magagawa para makahanap gayong isa lang akong simpleng sixteen years old.
Marami-rami ding ang negosyong naiwan ng yumao kong mga magulang at lahat ng iyon ay iniwan nila sa akin.
Ngunit dahil isa lamang akong hamak na high school student at hindi pa nag-e-eighteen years old, which is the right age for people to recognize me as an adult, iba ang nangangasiwa noon.
Ang sabi ni Tito Andres, ang abogado ng pamilya naming na nananatili pa ding tapat sa amin kahit wala na ang mga magulang ko, may isang tao nang pinagbilinan si Daddy upang pangalagaan ang lahat ng negosyo ng pamilya naming habang wala pa ako sa tamang edad.
Ang tao ding ito ang siyang nagpo-provide ng lahat ng pangangailangan ko mula nang maiwan akong mag-isa dahil kailangan kong umalis sa dati naming bahay upang masiguro ang kaligtasan ko.
Mula sa bahay na ito na mayroong dalawang palapag at kumpleto sa gamit. Every two weeks kung mag-deliver ng grocery ang supermarket kung saan pina-member ako ng guardian ko nang sa gayon ay hindi na ako mahirapan pa sa pamimili ng mga kakailanganin ko.
Siniguro din nito na magiging mahigpit ang seguridad sa buong bahay at bakuran ko kaya nagpakabit siya ng mga CCTV camera sa loob at labas ng bakuran. Hindi niya pinalagyan ang mismong loob ng bahay upang bigyan ako ng privacy at ipinagpasalamat ko naman iyon.
Aba, naiintindihan ko na gusto lang nila na maging sigurado ang kaligtasan ko pero babae pa din ako at kailangan ko ng personal space ko kaya hindi talaga nila maaaring lagyan ng camera sa loob ng bahay.
May security alarm din ang buong bakuran ko. May mga motion sensors sa bawat tuktok ng pader kaya naman hindi din ito maaarin akyatin ng kahit sino.
Kapag kasi na-trigger ang alarm ay wala pang limang minute ay siguradong darating na ang mga local police upang alamin ang nangyari.
Ganoon kahigpit ang paligid ng bahay ko and I don’t really mind. Because like what I said, I understand that they just wanted to make sure that I am safe no matter what happens.
Hindi din ako pinababayaan ng guardian ko pagdating sa mga gadgets.
Lagi niyang sinisiguro na ang lahat ng gamit ko ay latest at laging nasa maayos na kundisyon. Kapag nalaman nila na may kaunting gasgas ang phone ko ay agad itong magpapadala ng bago kaya naman ilang lumang phone na din ang ibinenta ko para hindi maitambak lang at masayang.
Hindi na ako nag-abala pa na manghingi ng kasambahay.
Oo nga’t hindi ako lumaki na gumagawa ng mga gawaing bahay noong buhay pa ang mga magulang ko pero naisip ko na ngayong wala na sila ay kailangan kong matuto.
Kaya nag-insist ako na manirahang mag-isa at hindi humingi ng tulong sa kahit na sino pagdating sa paglilinis ng bahay o kahit ang pagluluto at paglalaba.
Hindi man madali sa umpisa ay nakasanayan ko din nang magtagal. May mga machines din naman kasi ako na nakakatulong sa akin.
Weekly din kung padalhan ako nito ng allowance na naiipon lang sa bank account ko dahil halos wala naman akong nabibili para sa sarili ko.
Lahat naman kasi ng kailangan ko ay ibinibigay na agad nito sa akin. Kaya pang-araw-araw na gastos lang sa school ang kinukuha ko doon at hindi naman iyon ganoon kalaki.
Kahit ang pagbabayad ng bills ay hindi ko na din problema. Automatic na nila iyong binabayaran at ang dumadating na lang sa akin ay ang resibo at notice na nakabayad na.
Ang sosyal ng buhay ko. Wala akong iniintindi kundi ang sarili ko.
Pero kahit ganoon, ramdam ko ang lungkot sa bawat araw na lumilipas.
Dahil nag-iisa lang ako sa buhay. Walang pamilya, walang kaibigan. Ang tanging mayroon lang ako ay isang taong nangngalaga sa pangangailangan ko pero kahit minsan ay hindi ko pa siya nakikilala.
Pagkatapos maligo ay agad na akong nagpunas at magbihis ng uniform.
I am now wearing our summer sailor uniform. White long sleeve blouse with navy blue blazer and skirts na halos isang dangkal pataas mula sa tuhod ang haba. May white socks din na hanggang hita at black shoes na may tatlong pulgada ang taas ng takong.
This is the required attire in our school since it was an international private school.
Saglit pa akong nag-ayos at naglagay ng mild powder sa mukha tsaka tuluyan nang lumabas ng bahay para pumunta sa school naming.
Walking distance lang naman kasi iyon mula dito sa subdivision naming kaya hindi na din ako humingi ng kotse sa guardian ko.
Kahit pa marunong akong magdrive, tingin ko kasi ay dagdag gastos lang din ang kotse lalo pa’t kailangan itong i-maintainance.
Makalipas ng labing limang minutong paglalakad ay tuluyan ko nang narating ang Hanley Academy, ang school na pag-aari ng pamilya ko.
Pero maliban sa dean ng school na ito, wala nang iba pang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Hindi ko kasi ginagamit ang apelyido kong Hanley dahil na rin sa dagdag seguridad para sa akin kaya kahit kaharap na ako ng ibang estudyante ay wala silang ideya na ako ang nagmamay-ari ng paaralan na kanilang tinatapakan.
Sa gate pa lang nito ay talaga naman mararamdaman na ang ambiance ng pagiging sosyal nito.
Well, it is a private school at lahat ng pumapasok dito ay galing sa mga mayayamang pamilya na kayang magbayad ng malaking halaga para lang maging estudyante dito.
Kabilang kasi ito sa pinakanangungunang eskwelahan sa buong Trost City kaya marami ang naghahangad na mapabilang dito.
May mga scholar din naman pero iilan lang dahil mataas din ang standard ng school pagdating sa academic excellence ng estudyante.
Hindi naman kasi porket private school ay puro pera ang labanan para makapasa sa pag-aaral. Sinisikap ng bawat guro dito na bigyan ng maayos na kaalaman ang lahat ng estudyante kaya buong-buo ang suporta ng management sa lahat ng paraan para doon.
Pero aaminin ko na hindi naiiwasan sa ganitong klaseng paaralan na pairalin ang isang Sistema ng hindi pagkakapantay-pantay. Kung saan tinitingala ang mga taong galing sa pinakamayaman, maimpluwensiya at makapangyarihang pamilya.
Ang mga ito ang higit na may boses sa loob ng school at halos lahat ng kanilang sabihin ay nagiging batas para sa mga estudyante.
Habang ang mga galing sa maliliit na pamilya ay nakakaranas ng hindi magandang pagtrato.
At hindi ako nakaligtas sa ganoon dahil inaakala ng lahat na isa lang din akong scholar student ng school.
At para sa mga tulad kong iniisip nilang nasa mababang antas ng lipunan, itinuturing kaming isang invisible.
Isang hangin na kanilang nararamdaman ngunit hindi nila naririnig. Hindi nila nakikita.
At para hindi kami makaistorbo sa kanila ay binawalan nilang magsama-sama ang mga tulad kong scholar. Kaya karamihan sa amin ay mag-isa mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi.
This is the life that I had to accepted just to make sure that I am safe. This is the life that I had to enjure just to make sure that I will stll have my life back once I reach my eighteenth birthday.
This is the life that I never wish for myself, but I had no choice but to live with it. Just to protect what my parents and brother protected.
Though, maliban sa wala naman akong ibang pagpipilian ay mabuti na din ito dahil sa tatlong taon kong namuuhay mag-isa, na-realize ko na mas hindi ako nagkakaroon ng problema. Wala akong ibang iniisip kundi ako lang.
Yes, malungkot dahil wala akong napagsasabihan ng mga nararamdaman ko pero higit ko na itong pipiliin kaysa mayroon pang madamay sa gulo ng buhay ko. Mas Mabuti na ito kaysa makasakit pa ako ng iba.
Kuntento na ako sa buhay na ito at hindi na ako hihiling ng higit pa.
Being invisible is not really that bad.