Dark Chest Chapter 6

1005 Words
"Kori."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa taong bigla na lang tumawag sa akin at nakita si Treyna na naiiyak ng nakatingin sa akin. Sa aming lahat, kami ang pinakamalapit sa isa't-isa. Bukod sa sa kaniya ako nakatira noong mga panahon na nanatili pa ako sa bayan nila, siya rin ang nagsisilbing ate ko o panganay. Ginagabayan ako at inaalagaan. "Treyna." Tawag ko rito pabalik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Namiss kita!" Sigaw nito at mabilis akong niyakap. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti nang maramdaman ko ang pinakapamilyar na yakap na mararamdaman ko sa tanang buhay ko. "Namiss din kita,"tugon ko sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Labis ang iyak niyan noong nalaman niya ang nangyari sa iyo,"sabi ni Draco at umiiling na nilapitan si Lauriel sabay akbay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Sabi ko naman sa iyo na layuan mo muna ako. Alam mong may ginagawa pa ang asawa mo,"reklamo ni Lauriel. "Alam mo, ang sungit-sungit mo." Tugon naman ni Draco sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kahit kailan ay hindi pa rin nagbabago ang dalawang ito. Patuloy pa rin sila sa pakikipag-away kahit mag-asawa naman silang dalawa. Kailan pa kay maglalambing ang dalawang ito, hindi naman sa hindi ko sila nakitang malambing sa isa't-isa. Gusto kong makita na sa isang araw, hindi sila nagsisigawan kung sinong tanga sa kanila. "Hayaan mo na lang ang dalawang iyan." Nakangiting sabi ni Samson at lumapit sa akin. Ibinigay nito ang isang basket na hindi ko alam kung ano ang laman, "Saka mo na lang siguro buksan iyan kapag wala ng masiyadong tao. Sigurado akong magugustuhan mo iyan."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano kaya ang laman nito? Ipinasok ko na lamang ito sa spiritual storage ko at  tinago na muna. Pagkatapos namin mag-usap ni Samson ay sumunod na sila Draco, nang matapos ay inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang taong gusto kong makita. Ang taong matagal ko ng gustong makasama muli.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I am here,"bulong ng isang boses mula sa aking likuran, at nang lingunin ko ito ay wala itong katao-tao. "You are hiding again,"tugon ko at bumuntong hininga, "Show yourself. You don't need to do that."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "I can't. Hindi ako makakalapit sa iyo kung hindi ko ito gagawin,"tugon niya, "Just let me do this. I want to be with you throughout the day."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil sa knaiyang sinabi. Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung ganoon ba naman ang gusto niyang mangyari.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Kung ayan ang gusto mo ay hahayaan kita." Sabi ko at hindi na ito pinansin. Ibinaling ko na lamang ang aking atensiyon kay Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Alam mo ba kung ano ang rason kung bakit ang lakas ng pagsabog kanina?" Tanong ko sa kaniya. Nagtataka naman itong napatingin sa akin ngunit kalaunan ay parang naiintindihan din niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig. "Sa tingin ko ay dahil iyon kay Ariane at sa iyong ina,"saad nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Bakit daw?" Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kitang-kita ko ang halos hindi maipintang mukha ni Lauriel at nagdadalawang isip itong sabihin sa akin. Ano ba kasia ng ginawa ng dalawang babaeng iyon at bakit ganito na lang umasta si Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Much better kung ang iyong ina na ang magpapaliwanag tungkol sa bagay na iyan." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD