"Oy, Kori, gising ka na pala?" Tanong ni Lauriel habang dala-dala ang isang tray na may mga pagkain.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ano ang nangyayari? Akala ko ba ay may kaguluhan dito sa labas kaya may narinig akong malakas na pagsabog?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ano ang nangyayari?" Tanong ko at inilibot ang aking paningin. Ang inaasahan ko ay isang magulong lugar, punong-puno ng kalaban at ilang mga bangkay. Bakit parang may fiesta pa yata sa lugar na ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Oh. We are having a party,"saad nito at lumapit sa akin, "I am so happy that finally, you are awake. Akala namin ay wala ka ng planong gumising. Ilang araw ka ng nakahilata sa kama."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kumuha ko ng isang pirasong pagkain na tinatawag na cookie at kinagat ito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti ng matikman ko ang matamis at masarap na pagkain na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ilang araw na ba?" Tanong ko sa kaniya at bumuntong hininga, "Hindi na kasi ako sigurado kung ilang araw na akong tulog pagkatapos, pagkagising ko ay isang malakas na pagsabog pa ang aking maririnig."
"Inaakala mo na may kalaban, ano?" Tanong nito at tumawa nang malakas. Dahan-dahan naman akong tumango at hinarap ito. Ngunit, bago pa siya makapagsalita ulit ay ilang malalakas na tili ang aking narinig mula sa hindi kalayuan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Gising ka na pala, Kori!" Sigaw ng mga ito. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang dalawa kong kaibigan na sina Elfrida at Minerva, pati na rin si Treyna, Draco, Samson at higit sa lahat ay si Nola. Mabilis na tumakbo patungo sa akin si Minerva at Elfrida tsaka ako mahigpit na niyakap. Samantalang nakasunod lamang sa kanila ang mga kasama ko sa paglalakbay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Yinakap ko rin pabalik ang dalawa at hinaplos ang kanilang mga likod.
"Hindi pa naman ako patay, kung makayakap kayo ay parang patay na ako ah?" Natatawa kong tanong at umiiling na kumalas sa yakap.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Kasi naman eh!" Sigaw ni Minerva sabay pahid ng kaniyang luha. Mukhang napaiyak ko na naman ang babaeng ito.
"Tama nga ang sabi ng iyong ina. Magigising ka ngayong araw,"masayang sabi ni Elfrida at tumalon ng bahagya.
Ano ang ibig sabihin niya na tama ang sinabi ng aking ina? Nababasa ba ni ina ang katawan ko?
"Huwag mo kami tanungin kung paano, hindi rin namin alam. Basta na lang niya sinabi sa amin na sa araw na ito ay gaganapin ang handaan. Akala nga namin ay simpleng handaan lang, hindi naman namin inakala na buong kaharian pala ang dadalo." Paliwanag ni Elfrida at napakamot sa kaniyang ulo.
Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Napakarami na nga nitong dekorasyon at kung ano-anong mga bagay na makikita kapag dadalo ng ganitong klaseng handaan. Ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno at halaman, ilang mesa na nakakalat sa malawak na kapatagan na ito at ilang mga pagkain na nakahanda na sa isang tabi. Mukhang pinaghandaan nga nila ang paggising ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng saya at excitement dahil dito, parang gusto ko na lang simulan ang araw na ito na walang ibang nasa isip kung hindi ay ang magsaya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ