Dark Chest Chapter 8

1000 Words
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang napakaraming pagkain na nakalatag sa mahabang lamesa na ito. Ang iba't-ibang pagkain na ngayon ko lang nakita at ilang pagkain na paborito ko simula pa lang noong una. Huminga ako nang malalim bago ako kumuha ng mga pagkain. Una kong kinuha ang mga paborito kong ulam at ilang kanin. Pagkatapos ay naglakad na ako patungo sa isang mesa na nasa tabi lang din ng mga pinaglalagyan ng pagkain. Umalis na si Ariane at ang mga kaibigan ko. Sabi nila ay tatapusin lang daw muna nila ang kanilang mga gagawin. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil ako na lang mag-isa rito. Naramdaman ko rin ang pagkawala ni Nola kaya hindi ko ito matawag.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ibinaling ko ang aking paningin sa pagkain na nasa aking harapan at sinimulan na itong lantakan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sa t'wing susubo ako ng pagkain ay napapatingin ako sa aking paligid.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napakaabala talaga ng lahat sa pagdesinyo sa buong lugar. Siguro ay talagang halos lahat ng tao yata sa kaharian namin ang pupunta rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi na rin naman ito nakakagulat dahil talagang ganoon naman talaga ang dapat na mangyari. Mahal na mahal ng aking mga magulang ang mga tao sa aming kaharian kung kaya ay ganito na lang ginagawa nila para sa kanila. Lumipas ang ilang sandali ay na ubos ko an rin ang aking mga pagkain.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tumayo na ako at kinuha ang mga pinagkainan ko. Saan ko ba dapat ito dadalhin? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Kori,"tawag ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Nola."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Saan ka papunta?" tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ilalagay ko lang ito sa lagayan nang sa ganoon ay mahugasahan ito ka-agad,"tugon ko at nagsimula ng maglakad. Sumunod lamang sa akin si Nola hanggang sa tuluyan na akong sinabayan nito sa paglalakad.ㅤㅤㅤㅤㅤ "Pwede mo naman utusan ang mga tauhan niyo."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi naman ibig sabihin na talagang isa na akong ganap na prinsesa ay talagang kalimutan ko na lang ang mga pinagdaanan ko noon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Kaya ko naman. Isa pa, gusto ko rin maglibot-libot, ikaw ba? Bakit nandito ka?" Tinignan ko si Nola na ngayon ay nakatingin sa akin habang may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Gusto kitang makita. Sabi rin ni Ariane ay samahan daw kita, wala kasing magbabantay sa iyo rito lalong-lalo na at kakagaling mo lang sa ganoong kalagayan,"paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba akala nila sa akin lumpo? Kahit naman hindi agad-agad gumagaling ang sugat at sakit sa aking katawan ngayon pero ramdam ko naman talaga na unti-unti na akong gumagaling. Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa kusina. Mabilis na kinuha ng isang matandang babae ang aking dala-dala at gulat itong napatingin sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Mahal na Prinsesa. Sana ay hindi na po kayo nag-abala na pumunta sa ganitong klaseng lugar,"saad nito at agad na yumuko sa harapan ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Gulat na napatingin naman ako sa kaniya at mabilis na umiling. "Kaya ko naman po at isa pa, wala naman masama kung pupunta ako rito." Isang ngiti ang ibinigay ko rito bago ako nagpaalam sa kaniya at umalis na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD