Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Nola patungo sa hindi ko alam kung saan. Ayon sa kaniya ay susundan ko lang daw siya at siya na ang bahala. Hindi ko naman kailangan pa mag-alala dahil ang kaisa-isang tao lang naman pinakatitiwalaan ko ang nagdala sa akin dito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Saan ba kasi tayo papunta?" Tanong ko sa kaniya at malalim na bumuntong hininga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Sundan mo lang ako. Sigurado akong masisiyahan ka sa oras na makikita mo ang surpresa ko." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Doon ko lang na pansin ang malapad na ngiti na gumuhit sa kaniyang mga labi. Hindi ko inaasahan na magmula ito sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko ang mapangiti na rin. Minsan lamang nagpapakita ng emosyon ang taong ito kung kaya ay labis ang aking pagkagulat nang makita siyang nakangiti.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Sige. Pagkakatiwalaan kita,"sabi ko at sumunod na sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Habang naglalakad kami at bumabati ang lahat ng katulong na nadadaraanan namin. Hindi ako sanay na sa tuwing nakikita nila ako ay nakayuko ang mga ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Alam ko naman na isa na akong ganap na prinsesa at ito ang kanilang paraan ng pagrespito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang mailang sa ganitong klaseng pakikitungo, hindi pa rin talaga ako sanay.ㅤㅤㅤㅤ
"Oo nga pala. Saan na punta ang mga iyon?" Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Sino?"ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Sila Lauriel,"tugon ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ah. Sila ba. Pupunta lang daw sila sa bayan saglit at may bibilhin. Huwag ka mag-alala, hindi ka iiwan ng mga iyon." Saad nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Tumango lamang ako at hindi na umimik pa. Ano kaya ang binili ng mga iyon. Sa tingin ko naman ay nandito na sa palasyo ang lahat ng mga gagamitin nila o kaya ay pwede nilang bilhin sa bayan. Ewan ko na lang talaga kung ano na naman ang tumatakbo sa utak ng mga iyon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Lumipas ang ilang sandali ay nasa likod na kami ng kastilyo. Ang ganda pala rito, may malawak na lake at sa gitna nito ay isang maliit na isla na may isang hugis bilog na mesa at pinapalibutan ito ng mga upuan. Ngunit ang naka-agaw ng aking pansin ay ang dalawang tao na nakaupo rito at ilang taga-silbi na nakatayo sa kanilang tabi. Sila ina at ama ba ito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bigla na lamang kumabog ng kay bilis ang puso ko. Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanila at yakapin o manatili rito sa tabi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Masiyadong mataas ang kanilang posisyon, oo nga at anak nila ako pero hindi pa rin maitatanggi na lumaki ako sa hirap. Kung kaya ay hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng istilo sa buhay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Mahal na Hari, Mahal na Reyna." Biglang sabi ni Nola sabay yuko. Gulat na napatingin naman ako kay Nola at nilakihan ito ng mata.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ano ba ang ginagawa mo? Hindi pa ako handa,"bulong ko. Ngunit, lumingon lamang ito sa akin at kinindatan ako. Aba at may gana pa itong mang-asar sa akin ah? Nakakainis talaga ang lalaking ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Huminga ako nang malalim at tuluyan ng napasimangot.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Anak."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ