"Tama nga ang sabi nila. Napakabait mong bata,"sabi ng aking ina at ngumiti sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Salamat po,"tugon ko at ngumiti rin sa kanila pabalik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Wala rin akong ideya kung ano ang dapat kong
reaksiyon o kaya ay paano magsimula ng pag-uusapan. Marami akong katanungan patungkol sa aking pagkatao pero mas marami akong tanong patungkol sa pagmamahal nila sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Oo, alam ko na ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko. Ilang beses ko ng kinumbinsi ang sarili ko na mahal ako ng mga magulang ko pero hindi pa rin mawala sa aking isipan ang pag-aalala na baka hindi nila ako mahal. Na baka hindi nila ako tanggap.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Isang mahabang katahimikan ang pumagitan sa amin at ramdam na ramdam ko ang titig nilang dalawa. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ayaw ko talaga sa ganitong klaseng sitwasyon. Lalong-lalo na ayaw ko na wala akong nasasabi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kinuha ko na lamang ang tasa sa aking harapan na may lamang tsaa at ininom ito ka-agad.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi ko inaasahan na mainit pa pala ito kaya napadaing ako sa sakit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Aray."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Dahan-dahan lang, anak,"sabi ng aking ama. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Opo, pasensiya na. Salamat po." Tugon ko at iniwas muli ang aking tingin. Hinipan ko muna nag tsaa bago ko ito dahan-dahan na ininom. Nakakahiya iyong ginawa ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Anak."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bigla akong napa-upo ng tuwid ng tawagin nila ako. Ramdam ko naman na may bahid na lambing ang sinabi ng aking ina pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na kabahan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Bakit po?" Tanong ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ayos ka lang ba?" Tanong ng aking ina. Mabilis naman akong tumango at ngumiti sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Oo naman po,"tugon ko, "bakit po pala?"ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Gusto lang namin malaman. Mukha ka kasing takot na takot sa amin,"natatawang sabi ng aking ama.
Ganoon na lang ba talaga kahalata ang takot sa aking mga mata? Kahit kailan ay hindi ako nagpakita ng ganitong klaseng emosyon. Kung sabagay, hindi rin naman nila ako masisisi dahil ganoon naman talaga. Ang lalakas nila at walang-wala lamang ako kung ihahalintulad sa mga ito.
“Naninibago pa po kasi ako,”wika ko.
“Kung sabagay ay hindi na rin nakakagulat kung ganoon nga.” Sang-ayon ng aking ama at hinawakan ang kamay ng aking ina. Napansin ko ang pagtango nilang dalawa sa isa’t-isa na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.
“May problema po ba?” Tanong ko.
“Wala naman anak. Masaya lang kami na nakita ka na rin namin sa wakas,”saad ng aking ina, “Ngunit, gusto sana namin humingi ng patawad sa ginawa namin na pag-iwan sa iyo.”
Kitang-kita ko ang lungkot sa kanilang mga mata na para bang labis-labis ang kanilang pagsisisi sa nangyari. Hindi ko naman mapigilang ang sarili ko na makaramdam ng kaunting kirot sa puso. Ito talaga siguro ang epekto ng emosyon ng magulang sa akin.
"Ayos lang po iyon, naiintindihan ko naman. Hindi naman po ako galit sa inyo dahil sa nangyari."