Gulat akong napatingin sa aking ina na nakangiting nakatitig sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang pumasok sa aking isipan ang katotohanan na ang aking totoong mga magulang ay nasa aking harapan na at makakasama ko na ang mga ito palagi.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis akong yumuko upang magbigay galang atsaka binati ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Magandang araw sa inyo, Mahal na Reyna at Mahal na Hari,"bati ko sa kanila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi ko pa tinataas ang aking ulo at hinihintay ang mga ito na pagsabihan ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Itaas mo na 'yang ulo mo, anak ko. Hindi mo kakailangang gawin iyan,"sabi ng aking ina. Laking gulat ko naman ng bigla na lamang may humawak sa aking baba at itinaas ito. Nang tignan ko kung sino ay ang aking nag-iisang ama lang pala.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Naluluha itong nakatingin sa akin na para bang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kahit ako ay wala rin akong kasiguraduhan kung ano ba dapat ang gagawin ko. Kung lalapitan ko ba siya at yakapin o hahayaan na lamang ang panahon ang gumawa ng paraan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi naman tumagal at bigla na lamang akong hinila ng aking ama sa isang mahigpit na yakap.
"Alis na po muna ako, Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Tawagin niyo lamang po ako kapag may kailangan kayong ipagawa,"paalam ni Nola. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Salamat, Nola. Mamaya na namin ibibigay ang aming anak sa iyo. Gusto muna namin siyang makasama."
Gulat na napatingin ako sa aking mga magulang nang sabihin nila iyon. Ano ang ibig nilang sabihin sa bagay na iyon? Pinamimigay na nila ba ako?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Isa pa, bakit parang ang lapit nilang tatlo sa isa't-isa. Huwag nilang sabihin na sinabihan sila nila Lauriel tungkol sa amin ni Nola? Kahit kailan talaga ang mga babaeng iyon, ang daldal.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Isang mahabang katahimikan ang dumaan sa pagitan namin. Hindi ko inaasahan ang pagkikita na ito at lalong-lalo na hindi ko pinaghandaan ang magiging reaksiyon ko. Ano ba ang dapat kong gawin ngayon? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Lumipas ang ilang sandali at nagsalita na rin sa wakas ang aking ama.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Doon na muna tayo at mag-usap,"aya nito at dinala ako patungo sa kung saan sila naka-upo ng aking ina.
"Sige po,"tugon ko. Hinawakan naman ng aking ina ang aking braso at niyakap ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng aking ina.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Maayos na naman po. Medyo mabigat lang ang katawan ko dahil ginagamot pa nito ang mga sugat sa aking katawan pero unti-unti ko na rin nararamdaman na gumagaling na ako,"paliwanag ko. Tumango lamang ang aking ina at ngumiti sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Mabuti naman kung ganoon. Akala ko ay masama pa rin ang pakiramdam mo, talagang uutusan ko silang sa susunod na linggo na lang tayo magdidiwang."ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis akong napa-iling dahil dito. Pagkatapos ng ginawa ng lahat ay hindi ko kayang makita na masayang ito, isa pa hindi naman kakailangan na porke't masama na ang pakiradamam ko ay hindi na itutuloy ang napag-usapang plano para sa araw na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ayos na po ako. Sayang din po ang mga ginawa ng mga tao para sa pagdiriwang na ito kaya huwag niyo na po baguhin,"sabi ko at ngumiti sa kanila.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ