"Talaga ba?" Tanong ng aking ina. Kitang-kita ko sa mga nito ang galak nang marinig ang aking sagot. Totoo naman talaga ang aking sinabi, kahit ni isang beses ay hindi ako na galit sa kanila.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Oo, marami akong tanong kung bakit nila ako iniwan at na sagot na rin naman iyon pero hindi ibig sabihin ay may puot pa akong nararamdaman.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Opo. Naiintindihan ko po ang mga nangyari sa ating kaharian at hindi ko po kayo masisisi. Alam kong nais niyo lang ilayo ang inyong anak sa kapahamakan,"paliwanag ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Na kahit ginawa namin iyon ay hinabol ka pa rin nila." Bigla na lamang tumaas ang boses ng aking ama. Ramdam ko ang galit nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Biglang hinawakan ng aking ina ang kamay ng aking ama. Alam ko kung sinusubukan lamang niya itong pakalmahin.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Opo. Ngunit, na kaya ko pa rin naman silang takasan. Bago ko pa lang nalaman ang katotohanan, noong una ay labis akong na guluhan kung bakit may nagtatangkang pumatay sa akin, ngunit kahit ganoon ay malaki pa rin ang aking pasasalamat sa mga taong sumuporta sa akin. Nang dahil sa kanila na kaya kong protektahan ang mga malalapit sa akin at nanatiling maging matatag,”paliwanag ko at ngumiti sa kanila, “Naiintindihan ko po ang inyong nararamdaman pero isa lang po ang sigurado ako. Ligtas po ako at heto na sa inyong harapan. Makakasama ko na po kayo palagi.”
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi na napigilan ng aking ina ang mapaluha. Labis ang aking pagkagulat nang bigla na lang itong nawala sa kaniyang upuan at naramdaman ko na lamang ang mainit na yakap nito na bumalot sa akin. Ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ina. Ngayon ay alam ko na.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at mas lalong sinulit ang pagkakataon na ito. Sa ilang taon kong paghihintay ay sa wakas, naranasan ko na rin ito. Alam kong matutuwa sila Father at Sisters kapag nalaman nila ang tungkol dito. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng excitement.
“Anak ko,”bulong ng aking ina, “Sisiguraduhin talaga namin ng iyong ama na mabibigay namin ang lahat ng kinakailangan mo.”
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi pagkatapos niyang sabihin iyon. Ramdam kong totoo ang lahat ng sinabi nito at hindi ko mapigilan ang sarili ko na matuwa.
“Sapat na po sa akin ang makasama ko kayong dalawa. Sapat na po sa akin ang makita ko kayo araw-araw,”tugon ko. Wala ng hihigit pa sa mga araw na makakasama ko sila pareho. Na kung saan ay magbibiruan kami ng halos walang bukas. Iyong babawiin talaga ng panahon na ito ang mga panahon na hindi kami magkasama.
Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam at mas naramdaman ko ang pag-init ng yakap. Doon ko lang na pansin ang yakap ng aking ama. Nandito na rin pala ito sa aking tabi.
“Gusto namin bumawi sa iyo, Anak. Hayaan mo muna kami ng iyong ina na maibigay sa iyo ang lahat ng nararapat para sa iyo,”dugtong ng aking ama.