Dark Chest Chapter 15

1007 Words
Tuluyan na kaming lumabas at ang ingay na nagmumula sa labas ang tanging bumungad sa amin. Hindi ko inaasahan na sobrang daming tao pala ngayon. Dahan-dahan kaming lumapit sa dulo ng balkonahe hanggang sa tuluyan ko ng makita ang mga mamayan ng Fengari.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Malakas na sigawan ang maririnig sa buong lugar ng makita nila ang aking mga magulang ngunit, mas lalong lumakas ito nang makita nila ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mahal na Prinsesa!” Sabay-sabay na sigaw ng lahat at sabay-sabay silang yumuko lahat. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na pigilan ang aking sarili na mapangiti at mahiya. Hindi pa ako sanay sa mga ganitong klaseng eskina kaya hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa aking mga magulang na ngayon ay labis ang kanilang ngiti habang nakatingin sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Wala ba kayong balak na tulungan ako o kaya ay sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin? Wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari kaya sana naman ay kahit saglit, sabihin niyo sa akin kung ano ang dapat kong gagawin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Labis ang aking pagkagulat na isang mahinang hangin ang dumaan sa aking tenga at kasama nito ang boses ni Ariane. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kumaway ka sa kanila at magpasalamat dahil dumalo ang mga ito.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi dahil sa aking narinig. Akala ko ay wala na akong ideya kung ano ang aking gagawin. Mabuti na lang at nandiyan si Ariane.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay sabay kaway sa mga ito. Ang kaninang kinakabahan kong mukha ay mabilis kong pinalitan ng sobrang lawak na ngiti.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mga mamamayan ng Fengari, unang-una sa lahat. Labis ang aking pasasalamat sa inyong malugod na pagtanggap sa akin. Oo at alam kong marami tayong pinagdaanan bago niyo ako nakita ngunit hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Sobrang saya ko na ngayon ay nakatayo ako sa inyong harapan at ligtas. Ngayon, sisimulan na natin ang ating kasiyahan!” Malakas na hiyawan ang maririnig sa buong palasyo pagkatapos kong iyon sabihin. Ang musika ay agad na nagsimulang tumugtog at ang mga tao naman ay nagsimula ng magsayawan. Karamihan din sa kanila ay inuna muna ang pagkain bago ito nakisali sa iba. “Hindi halatang kinakabahan ka sa lagay na iyon, anak.” Puri ng aking ama at nilapitan ako, “Akala ko ay mananatili ka lang tahimik at tatanungin sa amin kung ano ang dapat mong gawin. Mabuti na lang at hindi na namin ito kailangan pa sabihin.” Oo. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Ariane. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka nanatili lamang akong tahimik sa buong pananatili namin dito sa balkuhane. Sisiguraduhin kong babawi ako sa kaniya. “Wala rin po kasi akong ibang maisip na gawin habang nasa harapan ng mga tao.” Tugon ko. Tumango lamang sila sa akin at ngumiti. Isang mahigpit na yakap muna ang ibinigay ng mga ito bago sila nagpaalam na sasali sa kasiyahan sa baba. Siyempre, nagpaalam na rin ako sa kanila na pupuntahan ko lang ang aking mga kaibigan na abala sa kani-kanilang ginagawa sa kusina. Kasiyahan nga pero nagta-trabaho naman ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD