“Lauriel, Treyna,”tawag ko sa kanila at tuluyan na lumapit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kori,”sabay na tawag ng dalawa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Anong ginagawa niyo rito? Oras ng kasiyahan at bakit kayo nagtatrabaho?” Tanong ko sa mga ito at kinuha ang dala-dala nilang tray at inilagay sa mesa na nasa malapit. Hindi ko talaga maintindihan ang mga ito, may mga katulong naman na nagsisilbi bakit kailangan pa nila makisali.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Gusto lang namin tumulong. Alam mong napakalaki ang utang na loob namin sa iyo, lalong-lalo na ako,”sabi ni Lauriel at bumuntong hininga. Napailing na lamang ako dahil dito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi niyo naman kailangan gawin ito. Alam niyo naman na ginawa ko lang ang bagay na iyon na bukal sa kalooban ko. Hindi ko hinihingi ang kahit na anong kapalit.” Nakangiti kong sabi at hinawakan na ang braso nilang dalawa. Pagkatapos ay maingat ko itong hinila patungo sa kasiyahan, “Sa ngayon, samahan niyo muna ako magsaya. Hindi pwedeng manatili lamang kayo rito sa likod at maiiwan akong mag-isa.”
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Nandoon naman ang mga kaibigan mo na nakilala mo sa paaralan.” Saad ni Treyna. Nagtatampo ba ito sa akin? Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniya at ngumiti ng malapad. Alam ko at ramdam ko ang matinding tampo nito.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kung nagtatampo ka ngayon, mamaya na kita susuyuin. Puntahan na muna natin sina Draco, Sam at Nola,”sabi ko at tumawa ng mahina.
“Miss mo lang si Nola eh,”bulong nito. Agad kong kinurot ang gilid nito saka siya inirapan. Hindi na lang ito umimik at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Habang patungo kami sa mesa na kung saan nakaupo ang tatlo, maraming bumabati sa akin.
Marami rin ang gustong lumapit ngunit mukhang hindi nila ito magawa dahil nga sa kasama ko si Lauriel. Mamaya ko na lang sila lalapitan sa oras na matapos ko ng makasama ang mga kaibigan ko. Hindi naman sa ayaw ko silang lapitan, sadyang gusto ko lang talaga muna silang makasama. Sa ilang buwan namin bago nagkita ay namimiss ko ang mga ito ng sobra.
Lumipas ang ilang sandali at nakarating na rin kami sa kanila. Agad akong umupo sa bakanteng upuan na kung saan ay katabi ko si Sam sa kaliwa at si Nola sa kanan. Ewan ko ba sa mga ito at bakit dito nila ako inilagay. Halata naman ang pinaplano nila. Napapailing na lamang akong kumuha ng pagkain.
“Iba na talaga ang kaibigan natin ngayon,”sabi ni Draco at tumawa.
“Ano na naman,”nakasimangot kong sabi.
“Iba ka na talaga ngayon. Hindi namin inaakala na isa ka pa lang prinsesa,”tugon nito.
“Ano pa ako. Gulat nga rin ako noong nalaman ko na ayon pala ang aking posisyon. Inaakala ko noong una ay isa lamang akong normal na mamamayan,”paliwanag ko sa kanila at bumuntong hininga. Totoo naman talaga. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang posisyon ko. Hindi ko inaakala na magiging prinsesa ako sa isang kaharian, hindi lamang ito simpleng kaharian kung hindi ay ang kinikilalang pinakamalakas na kaharian na maririnig mo sa buong kontinente.
“Ngunit, kahit ganoon ay masaya pa rin kami at hindi mo kami nakakalimutan.” Sabi ni Sam at kumuha ng karne saka ito kinain.
Anong inaakala nila sa akin? Hindi porke’t nalaman ko ang totoo kong pagkatao ay agad akong magbabago. Kahit papaano may pinagdaanan kaming lahat, naging malapit kami sa isa’t-isa at naging mahigit pa sa kaibigan ang turing ko sa mga ito. Hinding-hindi ko magawa na kalimutan sila dahil lamang dito. Na una pa sila kung ihahalintulad ko sa pag-alam kung ano ako.
“Bakit ko naman kayo kakalimutan? Isa pa, alam niyo naman na may balak akong bumalik sa pagiging manlalakbay kung hindi ko lang nalaman ang katotohanan. Nangako rin ako sa inyo na babalik ako sa bayan,”sabi ko at nagsimula ng kumain.
Bigla na naman akong nakaramdam ng gutom. Hindi ko alam kung bakit parang gutom na gutom ako ngayon gayong napakarami ko naman kinain kanina.