Nagsimula na kaming maglakad habang ang aking mga kaibigan naman ay nanatiling nakayuko pa rin.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Tara na,”bulong ko pagdaan ko sa harapan nila.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Masusunod po, Mahal na Prinsesa.” Saad ng mga ito.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Anong pinagsasabi ng mga ito? Hindi ako komportable sa mga nitong klaseng pakikitungo. Ayos lang sana kung galing sa ibang tao pero kung galing sa kanila na sobrang lapit na sa akin, parang ayaw ko itong marinig mula sa kanila.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Tinignan ko sila at nakita ang mga itong naka-ngiting aso. Tila ba halatang inaasar lamang nila ako. Kainis talaga ang mga taong ito, minsan ay hindi ko na alam kung saan ano ang totoo at kung ano ang hindi.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ama, Ina,”tawag ko sa kanila.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bakit?” Tanong ng aking ama.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Maari po bang sumabay ako sa aking mga kaibigan patungo sa kung saan idadaos ang ating pagdiriwang?” Tanong ko. Nagkatinginan muna ang aking mga magulang bago ito sumagot.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Maari bang samahan mo muna kami sa ngayon, Anak? Ito ang unang beses na maipapakilala ka namin sa publiko at nais sana namin na kasama mo kami sa mga oras na iyon. Hayaan mo, makakasama mo rin naman ang iyong mga kaibigan pagkatapos ng anunsiyo,”paliwanag ng aking ina.
Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahiya dahil sa sinabi nito. Bakit ko ba kasi naisipan na iyon ang sabihin. Kailangan ko silang samahan, kailangan kong manatili sa tabi nilang dalawa. Isa pa, bakit ba kasi nawala sa isipan ko ang patungkol sa rason kung bakit nga ba ito dinaraos.
“Pasensiya na po kayo.” Sabi ko at bumuntong hininga.
“Hindi mo naman kailangan humingi ng tawad. Naiintindihan ka naman namin ng iyong ama pero sa ngayon, ayos lang ba sa iyo na samahan muna kami?” Malambing nitong tanong.
Lumipat ang aking ina sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. Dahan-dahan akong tumango kung kaya ay ngumiti ng sobrang ito nang sobrang lapad.
“Salamat, Anak,”ani nito at yinakap ako.
“Walang anuman po iyon.”
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa loob ng kastilyo. Hindi ako sigurado kung saan kami papunta, hindi kasi ito ang daan patungo sa harap ng kastilyo.
“Saan tayo papunta?” Tanong ko.
“Sa balkunahe.” Tugon ng aking ama.
Ah. Kaya pala. Oo nga naman, mas kita ang lahat ng tao kapag doon kami pwe-pwesto. Nanatili na lamang akong tahimik at sinundan sila. May ilang kawal at katulong din ang nakasunod sa amin na mas labis kong ikinagulat.
Kakaiba talaga ang mga magulang ko. Sobrang dami nila. Siguro ay dahil na ipon na ang kawal ni ina at ama kaya ganito na lamang karami.
“Inihanda mo na ba ang mga taong aalalay sa ating anak, Mahal ko?” Tanong ng aking ina habang diretso pa rin ang tingin.
“Oo, Mahal ko. Huwag kang mag-aalala, nakahanda na ang lahat. Sa ngayon, ituon na muna natin ang ating atensiyon sa kasiyahan.”
Tumango lamang ang aking ina at tuluyan ng binuksan ng kawal ang malaking pinto na nasa aming harapan. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga ito. Aalalay?