Dark Chest Chapter 25

1028 Words
Wala naman talaga akong ideya kung ano ang dahilan kung bakit bigla-bigla na lamang sinabi ng aking ina na dapat kaming mag-ingat. Baka na pansin lamang nito na minsan ay malamya silang kumilos at natatakot silang baka may mangyaring masama sa amin habang kami ay naghahanap ng mga hayop doon sa kagubatan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sinabi lamang iyon ng iyong ina dahil alam niya kung anong klaseng nilalang ang naghihintay sa atin sa loob ng kagubatan. Sana nga lang ay walang mangyaring masama sa atin,”saad ni Treyni atsaka bumuntong hininga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit? Akala mo ba ay hindi natin kayang talunin ang kung ano man ang may planong humarang sa atin?” Taas noong tanong naman ni Sam atsaka inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang beywang. Hindi napigilan ni Treyni ang mapataas ang kaniyang kanang kilay sabay irap.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Minsan talaga kaya tayo minamalas ay dahil ang hangin mo,”umiiling na sabi nito at umupo sa isang bakanteng upuan dito sa aking terrace. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot ko naman ang aking paningin at doon nakita ang iba pa na natatawang nakatingin lamang sa dalawang magkapatid na patuloy ang palitan ng mga salita.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Dahan-dahan akong lumapit kay Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Nasubukan niyo na bang pumasok sa kagubatan?” Tanong ko rito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis naman siyang humarap sa akin sabay iling. Ibig sabihin no’n ay hindi pa nila na tignan kung anong mayroon sa loob ng kagubatan na iyon. Hindi pa kami sigurado kung anong kapahamakan ang naghihintay sa amin sa loob ng kagubatan ng Fengari, ngunit, wala naman sigurong masamang mangyayari sa amin. Hindi naman ito bubuksan sa publiko kung talagang maraming halimaw ang naghihintay sa mga katulad namin sa loob.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hindi ko nga rin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa loob ngunit sigurado naman ako na malalampasan din natin ito. Isa pa, nandito ka naman at si Nola. Sa inyong dalawa pa lang ay panalo na tayong lahat.” Sabi ni Lauriel at inakbayan ako.ㅤㅤㅤㅤㅤ “Masiyado ka yatang kampante sa amin,”tugon ko rito at bumuntong hininga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oo naman. Nakita ko na kaya ang kakayahan niyong dalawa, isa pa, kung talagang mahina ka paano mo matatalo ang isa sa mga pinakamalakas na burned ones?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung sabagay nga naman ay tama si Lauriel ngunit, kahit ganoon ay hindi pa rin ako kampante sa kakayahan ko. Oo nga at biniyayaan ako ng malakas na kapangyarihan pero hindi ibig sabihin no’n ay talagang malakas na ako at kaya kong talunin lahat ng mga nilalang na makakaharap ko. Alam ko rin na may limitasyon lamang ang aking kakayahan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi na lamang ako umimik at dahan-dahan na tinanggal ang naka-akbay na braso ni Lauriel sa balikat ko. Pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad patungo sa dulo ng terrace at tinignan ang magandang kagubatan na makikita mula rito.ㅤㅤㅤㅤㅤ Kung tutuusin parang ang tahimik lamang tignan ng kagubatan namin. Tila ba wala itong kahali-halimaw o kahit na hayop kang makikita. Hindi rin ako sigurado kung dapat ba akong matakot na ganito ang sitwasyon ng kagubatan o hindi.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Alam ko kasing may mga bagay talaga na hindi namin alam.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nanatili lamang akong nakatingin sa kagubatan nang bigla na lamang lumindol ng malakas. Bigla akong napa-kapit at inilibot ang tingin sa aking mga kasama. Gulat na gulat din silang nakatingin sa isa’t-isa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ang nangyayari?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD