Dark Chest Chapter 26

2507 Words
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mag-alala para sa kalagayan ng aking mga kasama. Kahit ang aking mga magulang ay hindi mawala sa aking isipan, saan kaya ang mga ito? Alam ba nila ang nangyayari sa kaharian?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nag-aalala rin na nakatingin ang mga kasama ko sa isa’t-isa. Hawak-hawak ni Draco at Lauriel ang isa’t-isa samantalang nakahawak naman sa pader si Treyni.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ba ang nangyayari sa kaharian namin ngayon? Bakit bigla-bigla na lang naging ganito?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa hindi kalayuan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mabilis kong ibinaling ang aking paningin doon at nakita ang isang napakalaking halimaw. Kamukha nito ang isang kraken ngunit nasa lupa nga lang. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ano ang ginagawa ng nilalang na iyan sa kagubatan? Bakit may ganiyang klaseng halimaw sa kagubatan?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano iyan?” Rinig kong sigaw ni Treyni.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi rin yata siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Kahit ako ay hindi rin ako makapaniwala na makakita ng ganiyang klaseng nilalang sa lugar na ito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit may ganiyang klaseng nilalang dito sa kaharian niyo, Kori?” Gulat na tanong ni Draco. Kitang-kita ko ang pagkabahala sa kaniyang mga mata.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sino ba naman ang hindi kung ramdam mo ang nag-uumapaw na enerhiya na pumapalibot sa nilalang na iyon? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isa pa, bakit ba ako iyong tinatanong niya tungkol sa bagay na ito? Kakarating ko pa nga lang sa aming kaharian kung kaya ay wala akong ideya sa kung anong klaseng mga nilalang ang nandito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Aba malay ko!” Sigaw ko sa kaniya, “Wala akong ideya sa kung anong klaseng nilalang ang nasa kaharian na ito. Kaya siguro pinag-iingat tayo ng aking ina at ama.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Akala ko noong una ay dahil lamang sa nakita niyang minsan ay hindi nag-iingat sila Lauriel pero mukhang hindi iyon sinabi nila ina at ama dahil lang sa wala. Mukhang malalakas nga ang mga halimaw na naninirahan sa kaharian na ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Patuloy pa rin ang paglindol at mas lalong lumalaki ang halimaw na walang tigil sa kakasigaw. Ano ba ang rason kung bakit ito bigla na lamang na gising? Sigurado naman akong hindi ito basta-basta na lamang magpapakita kung wala naka-istorbo rito.ㅤㅤㅤㅤ “Ano na ang gagawin natin?” Tanong ni Lauriel.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang may sumulpot sa aming harapan. Nakatayo ang tatlong tao na nakasuot ng mga damit na kulay itim. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil nakatakip ang balabal dito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala,”tugon ng taong nasa gitna. Boses lalaki ito, “Magandang Umaga, Mahal na Prinsesa.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Gulat akong napatingin sa kanila nang bigla itong tumalon at lumuhod sa aking harapan. Sabay-sabay silang yumuko kaya mas lalo kong hindi makita ang kanilang mukha.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sino kayo?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kami po ang personal na taga-bantay ninyo. Lagi lamang kaming nakasunod sa inyo.” Tugon nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Personal na bantay? Bakit kailangan ko pa ng bantay? Kaya ko na naman ang sarili ko at sa tingin ko naman ay hindi ko kailangan pa ng iba pang mga alalay. Isa pa, nandito lang din naman ang aking mga kaibigan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sino ang nag-utos sa inyo na bantayan ako?” Tanong ko sa kanila.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tanga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Malamang sila Ina at Ama ang nag-utos na bantayan ako. Sino pa ba ang mag-uutos na bantayan ako pwera sa mga magulang ko na hari at reyna?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi umimik ang tatlo bagkos ay tumayo lamang sila at tumalikod na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hindi niyo po kailangan mag-aalala sa halimaw na iyan. Kung ikaw ay may familiar na dragon, ang iyong ina naman ay ayan ang familiar. Hindi kayo nito sasaktan kahit lumapit pa kayo rito dahil nasa katawan niyo dumadaloy ang dugo ng iyong ina,”paliwanag nito, “Tawagin mo lang kami, Mahal na Prinsesa at kami ay agad na pagtutuunan ang inyong utos.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “T-tek--.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang nawala ang mga ito. Sa isang iglap ay parang isa silang bula na bigla na lamang naglaho. Inilibot ko ang aking paningin at sinubukan na hanapin ang mga ito ngunit na bigo ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Wala akong makitang kahit ni isang anino nilang tatlo. Asan na kaya sila?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Patuloy pa rin ang paglindol. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para tumigil ito pero ayon nga sa lalaking iyon, familiar ito ng aking ina. Hindi naman pu-puwede na ako ang magpapatahimik.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kakaiba talaga ang inyong pamilya, Kori. Hindi ko lubos maisip na ang malakas na nilalang na iyan ay magiging pamilyar,”saad ni Sam at umayos na ng tayo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Naging kalmado na rin ang kanilang mga mukha. Sa kadahilanan na rin siguro na nalaman nilang ang aking ina ang may koneksiyon sa nilalang na iyan. Isa pa, alam kong na rinig nila na hindi ako nito kayang saktan dahil na rin sa dugo na dumadaloy sa aking katawan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ganoon pala iyon? Pagbabasehan pala ng mga pamilyar ang dugo na dumadaloy sa katawan ng isang tao?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hindi ko rin inaasahan ang tungkol sa bagay na iyan,”sabi ko at bumuntong hininga, “Inakala ko noong una ay isa iyan sa mga halimaw sa kagubatan. Mabuti na lang at hindi.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sinabi mo pa,”pagsasang-ayon ni Sam, “Ano na hinihintay natin? Tara na?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mabuti pa nga at umalis na tayo. Kanina pa tayo rito baka gabihin tayo kakahanap ng mga hayop para sa ating plano,”sabi ni Lauriel at na una nang maglakad palabas ng pinto. Sumunod naman ang kaniyang asawa at ganoon na rin si Sam.ㅤㅤㅤㅤ Nagpahuli naman kaming tatlo ni Nola at Treyni. Lagi naman talaga kaming magkasabay nitong babaeng ito. Kahit saan man kami magtungo sa oras na may misyon kaming gagawin ay talagang magkasunod kaming dalawa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oo nga pala, Kori. May plano ka pa bang bumalik sa paaralan?” Tanong nito. Paaralan? Oo nga pala, ang School of Xero. Hindi ako sigurado kung babalik pa ako sa paaralan na iyon gayong parang gusto ko na muling magpatuloy sa paglalakbay. Alam ko rin naman na pasado na ako sa huling marka dahil iyon ang sabi ni Ariane. Nasasayangan din ako sa mga panahon na nanatili ako roon. Ano ba ang dapat kong gawin? Babalik ba ako o ano? “Sa ngayon ay hindi pa ako sigurado sa kung ano ang aking gagawin. Siguro ay sa ngayon, ito na muna ang iisipin ko. Ang oras na kasama ko ang aking pamilya at ang oras na kung saan nakakasama ko kayo.” Paliwanag ko sa kaniya. Isang ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Treyni. Alam kong na gustuhan nito ang aking sinabi. Ayan pa? Alam kong namimiss na ako nito. “Talaga lang ah.” Ani nito. “Masiyado mo naman akong namiss. Oo na makakasama mo pa ako ng matagal. Habang wala pa akong desisyon sa kung ano talaga ang aking gagawin ay mananatili muna akong tahimik.” Sabi ko at kinindatan ito. Tumawa lamang ng mahina si Treyni at nagpatuloy na sa paglalakad. Abala sa pag-uusap-usap ang tatlong tao sa aming harapan. Samantalang kami namang tatlo ay tahimik lamang na nakasunod sa kanila. Para kaming hindi magkakakilala. “Ayos lang ba kayong tatlo riyan?” Tanong ni Lauriel at lumingon sa akin. “Ano sa tingin mo?” Tanong pabalik ni Treyni sa kaniya. “Ang sungit ah? Mayroon ka ba ngayon?” Biro ng babaeng ito. “Manahimik ka riyan ah kung ayaw mong itapon ko sa iyo ‘tong bitbit kong tungkod,”inis na sambit ni Treyni. “Naku, ayan ang ‘wag na ‘wag mong gagawin at baka mahihirapan ka na maglakad niyan. Alam mo iyon? Kailangan iyon ng matanda.” Pang-aasar nito. Kailan pa naging ganito itong dalawa? Noon naman ay talagang lagi silang magka-ayos, ngayon, basag na basag na nila ang isa’t-isa. Ang laki na talaga ng pinagbago ng aming grupo. Hindi ko inaasahan na possible pala itong mangyari. “Kung sabagay, ‘wag na lang din pala. Baka kung itapon ko ito sa iyo bumalik lang sa akin.” Inosenteng sabi ni Treyni at nagkibit-balikat. Inis na napatingin naman sa amin si Lauriel na para bang sasabog na sa inis. Kailan pa naging pikon ang babaeng ito? Isa pa itong si Treyni, kailan pa ito naging ganito kadaldal? “Ano ba ang pinaggagawa niyo at nagkakaganyan kayong dalawa?” Tanong ko. Kitang-kita ko naman na nagkatinginan ang mga lalaki sabay kibit balikat at iwas ng tingin. Ano ang ibig sabihin no’n? “Huwag mo na lang tanungin, baka kapag naalala pa nila ang nangyari mas lalong magkakagulo.” Bahagya akong na gulat sa taong bigla na lamang nagsalita sa aking tabi. Si Nola. Ngayon ko lang na pansin itong nagsalita simula noong umalis kami sa aking silid. Akala ko ay tuluyan na itong na pepe. “Bakit?” Bulong ko. “Ayaw na nilang maalala ang nangyari. Masiyado itong magulo at kung ako sa iyo ‘wag mo na lang din alamin.” Hindi na lang din ako umimik at hinayaan sila. Kung sinabi nilang ‘wag na akong makealam ay hindi ako makekealam. Siguro naman ay may rason din sila kung bakit nila iyon sinabi? At mukhang ayaw nga nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Lumipas ang ilang sandali at nakalabas na rin kami sa kaharian. Nakasunod pa rin kaming tatlo sa kanila dahil sa tingin ko naman ay sila lamang ang may alam kung saan kami papunta. Kahit ako na taga-rito ay walang alam kung saan kami dadaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD