Bakit ba kailangan pa niya sumulpot na lang bigla sa harapan ko kung pwede naman maghintay na lamang siya sa aking higaan o kaya sa sofa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Treyni!” Sigaw ko sa kaniya atsaka ito hinampas. Kitang-kita ko naman ang pagbago ng kaniyang mukha na para bang ito ay nasasaktan dahil sa aking ginawa. Kasalanan niya rin naman kung bakit ko siya na hampas kaya hindi niya rin ako masisisi kung bakit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Aray naman!” Daing nito at tinignan ako ng masama.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bakit ka ba kasi bigla-bigla na lang nanggugulat? Pwede naman na maghintay ka na lang sa higaan ko,”sabi ko at inirapan ito. Tuluyan ko na siyang nilagpasan at naglakad na patungo sa aking silid. Doon ko lang din na pansin na tuluyan na akong nakabihis.
Ang kaninang roba ay napalitan na ng damit at pantalon. Tamang-tama ito para sa aming gagawin ngayong araw.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kori!”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Saka ko lang din na pansin ang iba pa namin na kasamahan na nasa terrace nang tawagin ako ni Lauriel. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi ng makita ko silang lahat. Agad akong lumapit sa mga ito at niyakap sila isa-isa. Nandito rin si Nola pero tinanguan ko lamang ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Nasa dulo kasi ito ng terrace at parang gusto lamang niya mapag-isa kaya hahayaan ko na lang muna.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kanina pa ba kayo rito?” Tanong ko sa mga ito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi naman,”tugon ni Sam, “Pero mukhang kanina pa yata naghihintay itong si Nola sa iyo. Nandito na kasi—aray naman!”
Bigla na lamang siniko ni Treyni si Sam sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit? Ano na naman ba ang mayroon at bakit ganiyan sila kung umasta? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Isa pa, ano ulit iyon? Kanina pa nandito si Nola? Bakit hindi ko man lang na pansin ang presensiya niya na pumasok dito sa aking silid? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kung sabagay hindi ko nga pala na pansin ang pagpasok nilang lahat dito. Siguro ay dahil na rin sa marami ang bumabagabag sa aking isipan kaya ganito na lang. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ano sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya pero agad din umiwas ng tingin si Sam.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Huwag mo na lang pansinin ang taong iyan. Oo nga pala, ayos lang kaya puntahan ang kagubatan na iyan?” Tanong ni Draco at tinignan ang malawak na kagubatan na makikita mula sa kwarto ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bakit naman hindi?” Tanong ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Baka kasi pinagbabawal ng iyong mga magulang ang pagpunta riyan dahil may mga halimaw na sobrang lakas o ano,”paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ano naman kung mayroon? Isa pa, ilang beses na ba tayo kumalaban ng mga halimaw?” Tanong ko sa kanila.
“Ibahin mo ang kaharian niyo, Kori. Alam mo naman kung anong klaseng mga tao ang naninirahan dito. Mga normal na tao lamang kami sa kaharian na ito kung tutuusin. Sa tingin ko nga ay ang kapangyarihan kasing lakas lamang ng mga bata niyo,”paliwanag ni Draco at sumandal.
Kung sabagay. Malalakas nga naman ang mga tao rito, kung ganoon, malalakas din ang mga halimaw na naninirahan sa kaharian. Kakayanin naman namin siguro? Isa pa, malapit lang din naman ito sa aming kaharian kaya pwede kaming humingi ng tulong sa mga taong naninirahan malapit dito.
“Ayos lang naman siguro,”sabi ko, “Sinabi ko na rin sa aking ina at ama kung ano ang plano natin ngayong araw. Wala naman silang problema roon. Ang nais lamang nila ay ang mag-ingat daw tayo.”
Napatingin silang lahat sa akin na may nagtatakang tingin at halata sa kanilang mga mata na para bang kinakabahan sila.
“Bakit?” Tanong ko.
“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin kung ganoon ang paalala ng isang tao sa iyo?” Tanong ni Sam.
Uh? Dapat mag-ingat kasi baka kung ano ang mangyari sa amin? O sadyang nakita lamang ng aking mga magulang na hindi kami maingat sa kung ano man ang gagawin namin?
“Hindi.” Tugon ko.