Dark Chest Chapter 17

2509 Words
Nagsimula na rin akong magsandok ng pagkain at hindi na muna sila pinansin. Gutom na gutom talaga ako ngayon, ang bukod tanging nasa isip ko ay makakain na muna. Habang abala pa ako sa pagkuha nang pagkain ay abala rin ang mga ito sa pag-uusap. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oo nga naman. Hindi kaya kaya ni Kori ang iwan si Nola na nag-iisa,”rinig kong sabi ni Treyni. Ramdam ko ang tuwa sa boses nito, alam kong nang-aasar na naman siya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Manahimik ka riyan,”ani ng isang napakapamilyar na boses. Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa pinagmulan ng boses na iyon at nakita si Nola na nakatitig sa akin. Walang pagdadalawang isip na iniwas ko ka-agad ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ng mga kaibigan ko ang pamumula ng aking mukha.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi naman talaga ako sigurado kung namumula ito pero ramdam ko ang init sa aking mga pisngi. Ewan ko ba at bakit ganito na lamang ang naging epekto sa akin. May nararamdaman ba ako na hindi ko maintindihan?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na sa pagkuha ng pagkain. Patuloy pa rin sa asaran ang aking mga kaibigan pero hindi ko na lamang sila pinansin. Habang abala ako sa pagkuha ng pagkain ay bigla na lamang tumayo ang taong nasa tabi ko pagkatapos ay umupo si Nola sa tabi ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayan, magtabi kayong dalawa. Nakakahiya naman kasi kung paghiwalayin pa kayo,”tumatawang sabi ni Treyni. Kita mo itong babaeng ito, ang lakas talaga mang-asar. Hindi ba niya alam na nakakahiya itong ginagawa niya? Lagi naman kaming magkasama ni Nola ngayong araw pero bakit ganito ang nararamdaman ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Salamat ha?” Saad ko at inirapan ito. Mas lalo lamang tumawa ang aking mga kasama. Nagpatuloy na ako sa pagkuha hanggang sa tuluyan na akong matapos. Sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nasa plato nang biglang nagsalita si Nola sa aking tabi. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kakakain mo lang kanina, hindi ba?” Bulong nito. Itinaas ko ang aking paningin at tinignan ang mga kaibigan namin ngunit mukhang hindi nila narinig ang tanong ni Nola.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Oo. Hindi ko nga alam kung bakit pero gutom na gutom talaga ako. Epekto siguro ito ng ilang araw kong tulog,”paliwanag ko. Tumango lamang si Nola at nagsimula na rin kumuha ng mga pagkain. Hinayaan ko lamang ito at itinuon ang aking atensiyon sa pagkain na nasa harapan ko. Lumipas ang ilang sandali at na tapos na rin ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Talaga bang wala ng masakit sa katawan mo, Kori?” Tanong ni Lauriel. Pinahiran ko muna ang aking bibig bago ako nagsalita. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Pinakiramdam ko muna ang aking katawan at wala naman akong nahanap na masakit. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala lahat ng pagod at sakit sa katawan ko ng yakapin ko sina ina at ama.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala naman,”tugon ko, “Siguro ay mas mabilis gumaling ang sakit sa aking katawan kapag gising ako.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Mas gagana yata ang enerhiya sa katawan mo hanggang sa mulat ang mga mata mo,”sabi ni Lauriel. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sa tingin ko rin.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ngunit, labis ang paghanga ko sa iyo, Kori. Alam naman namin na malakas ka na pero noong nakita ka namin na nakikipaglaban, talagang masasabi ko na hindi ka biro. Masiyadong malakas ang kapangyarihan mo.” Sabi ni Sam at umiiling na uminom ng alak, “Kung may ganiyang klaseng kapangyarihan lang sana ako.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Na malabo naman mangyari kasi tamad ka mag-ensayo noon. Si Kori kasi ay talagang ginawa ang lahat para lang lumakas,”dugtong ng kaniyang kapatid na si Treyni. Inirapan lamang siya ni Sam ngunit kalaunan ay tumawa rin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Akala mo talaga ay ako lang ang ganiyan, ano? Kahit naman ikaw ay tamad din mag-ensayo noon,”sabi ni Sam. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kahit naman tamad ako ay sigurado naman akong kaya kong protektahan ang aking sarili. Isa pa, habang tumatagal ay mas lalo akong lumalakas.” Ramdam ko na ang pagiging asar ni Treyni sa boses nito. Halata naman na talagang gigil na gigil siya kay Sam. Napapailing na lamang akong sumandal sa aking upuan at tinitigan ang mga ito. Nakakamiss talaga kasama silang lahat. Hindi ako sigurado kung nasaan iyong mga kaibigan ko sa School of Xero at mamaya ko na lang sila hahanapin. Sa ngayon, uunahin ko na muna itong mga kaibigan ko. Isang pamilyar na pakiramdam ang bigla na lang lumamon sa aking katawan. Ito iyong pakiramdam noong mga panahon na naglalakbay pa ako kasama silang lahat. Gusto ko silang samahan. Gusto ko muli maramdaman ang naramdaman ko noong mga panahon na kasama ko sila. Hindi naman sa ayaw ko ng mag-aral pero gusto kong maramdaman muli ang pakiramdam na talagang nakikipaglaban ako sa mga totoong halimaw. Ang takot na aming nararamdaman sa oras na kumukuha kami ng mga misyon. Ang aming mga plano para lang matalo ang isang nilalang. “Talaga lang ah,”komento ni Sam at tumawa nang malakas. “Kori.” Napatingin ako sa taong bigla na lang tumawag sa akin at nakita si Nola na nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o ano pero ramdam ko na parang nangungusap ang mga mata nito. “Bakit?” Tanong ko sa kaniya at tinignan din ito pabalik. Imbes na sagutin ako ay nanatili lamang siyang nakatitig sa aking mga mata para bang wala siyang planong sagutin ako. Hindi na lang din ako umimik at tumitig din dito pabalik. Ano ba ang kailangan niya at bakit ganito na lang siya kung umasta. “Baka matunaw na kayong dalawa sa kakatitig sa isa’t-isa, ah? Alam niyo naman na nasa harapan tayo ng pagkain, baka magkaroon tayo ng instant na sabaw.” Mabilis kong iniwas ang aking mga mata at umayos ng upo. Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin sa paligid at nakitang nakatingin ang mga ito sa gawi namin habang nakangiti ng sobrang lapad. Ano na naman kaya ang nasa isip ng mga ito. “Manahimik na nga kayo. Kung ano-ano pinagsasabi niyo r’yan,”sabi ko at kumuha ng isang pirasong saging. “Kahit busog na ay kakain pa rin, ayan ba ang epekto?” Tanong ni Treyni at nakipag-apir kay Sam. Napapailing na lamang akong kinagat ang saging. “Oo nga pala, ano plano natin mamayang gabi?” Tanong ni Draco, “Hayaan na muna natin iyang dalawa.” Mabuti pa itong si Draco at naiintindihan ako, kahit papano ay ramdam ko naman ang pagiging concern nito kahit halata sa mukha niya na natatawa na rin siya. “Hindi ko rin alam eh. Wala rin akong kasiguraduhan sa kung ano ang pwede nating gawin, siguro ay mas mainam na si Kori ang tanungin natin. Kakarating pa lang niya at ngayon lang din natin siya nakasama muli.” Sabi ni Treyni. “Talagang tinulak mo lang sa akin ang responsibilidad mo sa akin, ano?” Sabi ko at inirapan ito. “Ano pa ba?” Tanong nito at ngumisi nang sobrang lapad. Umiiling na hinarap ko ang lahat bago ako sumagot. Nakakamiss din gawin ang mga gawain namin noon, tulad na lang na papalibutan namin ang apoy habang kumakanta at nag-iinuman. Gusto ko na muli iyon maranasan. Gusto ko sila muling makasama nang matagal, ang mga tawanan at biruan namin noon. Ang kwentuhan at iba pang mga ginawa namin noong naglalakbay kami sa iba’t-ibang lugar para tapusin ang ibinagay sa amin na mga misyon. “May gusto ka bang gawin natin, Kori?” Tanong ni Lauriel. “Mayroon,”tugon ko. “Ano naman iyon?” “Naaalala niyo pa ba noong nangyari sa bayan natin?” Tanong ko. “Alin doon? Ang salo-salo ba ang tinutukoy mo? Iyong nagsasayawan tayo paikot sa malaking tupok ng apoy?” Mabilis akong tumango bilang tugon sa tanong nito. “Ayon nga.” “Bakit ayon ang gusto mong gawin natin?” Tanong ni Sam. Kumuha ito ng isang pirasong manok at kinagat. “At bakit mo naman tinatanong? Ikaw ba ang pinapili natin?” Iritableng tanong ni Treyni, “Sige, ayon na ang gagawin natin mamaya. Maghanda na muna tayo.” Tumango lamang ako at tumayo na. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila para bumalik sa aking silid. Oo at may salo-salo pa sa labas ngunit gusto ko na muling magpahinga. Masiyado akong napagod. “Ina, ama,”tawag ko sa dalawang tao na abala sa pakikipag-usap sa mga hari at reyna na nagmula sa kabilang kaharian. “Anak,”tawag ng aking ina sabay lapit sa akin, “May problema ba?” Mabilis akong napailing sa tanong nito. Sigurado akong baka tawagin pa nito ang lahat ng doktor sa kaharian. Hindi ko naman sila kailangan dahil kusa lamang gumagaling ang aking sakit at nararamdaman. "Wala naman po, ina. Nais ko lang sana magpaalam sa inyo na magpapahinga na ako sa aking silid. Bigla na lamang akong nakaramdaman ng pagkahilo at pagod,"paliwanag ko sa kaniya. Hinawakan ng aking ina ang aking braso at saka maingat itong hinaplos. "Oh sige, nais mo bang samahan ka namin ng iyong ama papasok sa loob?" Tanong nito. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Hindi ko sila masisisi, alam kong nag-aalala lamang sila sa kalagayan ng kanilang nag-iisang anak. "Hindi na po kailangan. Kaya ko na po ang aking sarili. Salamat po, mauuna na po ako." Paalam ko rito. Tumango lamang ang aking ama at ina. Pagkatapos ay tinalikuran ko na sila saka pumasok na sa loob ng palasyo at dumeritso na sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD