Dark Chest Chapter 23

1008 Words
Nanatili lamang akong nakatayo rito sa likod ng pintuan. Pagkatapos ko silang makasama ay hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Alam ko naman na may plano kami nila Lauriel ngayon pero hindi rin ako sigurado kung dapat na ba akong maghanda o hintayin ang pagtawag nila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko tinignan ang aking buong silid. Hindi ko talaga inakala na darating ako sa punto na kung saan ay magkakaroon ako ng ganitong kalaking silid. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagsimula na akong maglakad patungo sa aking kama at umupo. Tama sigurong maghanda na ako nang sa gayon ay kapag pinuntahan na ako ng mga iyon ay didiretso na kami sa kagubatan. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad na patungo sa aking banyo. Bago pa ako makapasok ay kusang nawala ang aking damit. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi na rin naman ito nakakapanibago sa akin kaya patuloy na ako sa paglalakad. Lumipas ang ilang sandali ay nasa loob na rin ako. Napatingin muna ako sa salamin bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo tinatawag nilang bath tub.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Matagal na bang puno ito? Bakit hindi ko man lang narinig sa labas ang pag-agos ng tubig mula sa gripo. Isiniwalang bahala ko na lang ito at inilublob na ang aking katawan sa tubig. Ang mainit na tubig ay humaplos sa aking balat na nagbibigay kalma sa aking katawan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Wala talagang makakatalo sa ganitong klaseng pagligo. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang aking katawan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tila ba at nawala lahat ng pagod ko sa katawan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang ligo lamang at nakalimutan ko na yatang ilang araw akong nagpapahinga at walang malay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Habang naka-pikit ay hindi ko maiwasan ang mapaisip sa kung ano ang possibleng mangyari sa oras na maghahanap na kami ng mga pagkain sa kagubatan. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi ng maalala ko ang aming mga paglalakbay noon. Ilang misyon na hindi ko lubos maisip na babaon sa aking memorya. Ang mga paglalakbay na sigurado akong makwekwento ko pa sa mga magiging anak ko at sa magiging apo ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Teka.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Bakit ko ba na isip ang tungkol sa anak at apo? Wala pa nga akong nagiging nobyo at ito na ang nasa isipan ko. Bigla na lamang sumagi sa aking isipan si Nola na mas lalong naging dahilan ng pag-init ng aking isipan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ba, Kori!” Saway ko sa aking sarili sabay sampal sa aking pisngi. Ano ba ang nangyayari sa akin at bakit nagkakaganito na lang bigla.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤHindi ko na maintindihan ang aking sarili.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Agad kong iwinaksi sa aking isipan ang nakakadiring ideya na bigla na lang sumagi sa utak ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi na ako nagtagal sa banyo at agad na tumayo na. Agad naman lumapit ang dalawang maliliit na tao na may pakpak sa kanilang likuran at ibinigay sa akin ang roba.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Salamat.” Sabi ko at ngumiti sa kanila. Ngumiti lamang ang mga ito at sabay-sabay silang yumuko bago tinalikuran ako. Kakaiba talaga ang palasyo namin. Tahimik lamang akong naglalakad patungo sa pinto ng aking banyo atsaka ito dahan-dahan na binuksan nang laking gulat ko at bumungad sa akin ang mukha ni Treyni na nakangiti ng sobrang lapad. “Kamusta ang iyong pagligo?” Tanong nito. Isang malakas na sigaw ang aking ginawa at bahagyang napatalon pa sa gulat. Baliw talaga ang babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD