Chapter 47

3000 Words
Lumipas ang tatlong araw at ito na ang panahon na kung saan gaganapin ang aming pagsusulit. Maaga pa naman kung kaya ay naisipan ko munang mag-aral dito ng mabuti. Hindi ko kayang bumagsak na lang basta-basta at bigla na lang ipatapon dito. Hindi ko kayang makipaghabulan doon sa lalaking gusto ako patayin. Sa loob ng halos isang linggo kong pananatili rito ay hindi naman siya nagpakita at hindi ko rin naman ito nakita kahit kailan pa. Nitong mga nagdaang araw ay tanging pag-aaral lamang ang aming inatupag o kung hindi kaya ay ang pagtulog. Nakaka-antok pala talaga ang mag-aral, pero masaya rin naman dahil marami naman akong mga bagong impormasyon na nakalap. Nandito ako ngayon sa aking kwarto at binabasa na lamang ang mga papel na mayroong mga sinulat na ginawa ko. Napakarami na nga nito at halos umabot na ng ilang pahina. Maaga naman ako natulog kagabi kaya hindi na ako inaantok. Patuloy lamang ako sa pagbabasa hanggang sa matapos na rin ako sa wakas. Tumayo na muna ako at nag-unat bago nagtungo sa banyo upang maligo. May tatlong pagsusulit kaming gagawin, unang-una ay ang pagsagot sa mga tanong sa papel, pangalawa ay ang pag-alam ng kapangyarihan gamit ang kristal ang panghuli ay ang hindi ko alam. Ayon kay Elfrida ay hindi raw niya alam kung ano ang pangatlong pagsusulit sapagkat lagi raw itong binabago taon-taon. Hinubad ko na ang aking damit at binabad na ang aking katawan sa tubig. Alas singko pa ng umaga at ramdam ko pa rin ang lamig ng tubig na pumapalibot sa aking katawan. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan na namnamin nito ang tubig. Ano kaya ang mangyayari sa pagsusulit mamaya? Ako 'yong natatakot para sa sarili ko. Alam ko naman na hindi ako ganoon kagaling at wala rin akong alam katulad ng mga taong nandito. Ilang taon ba nila hinanda ang kanilang sarili para sa pagsusulit na 'to? Samantalang ako ay isa lamang taong bigla na lang lumitaw at lalahok sa pagsusulit. Huminga na lang ako ng malalim at ibinuga ang hangin. Tumayo na ako sa pagkaka-higa ko at nagbanlaw na. Nagbihis na rin ako ng maayos na damit at iyong komportableng-komportable ako upang sa oras na may pagsusulit na ay hindi ako mailang. Inayos ko na rin ang aking buhok at itinali ito. Ayaw kong hayaan lamang siyang nakalugay dahil panigurado, haharang lamang ito sa mukha ko. Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa aking lamesa na kung saan ako nag-aaral kanina. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at inayos na ang pinaghihigaan ko. May ilang mga nakakalat din na mga papel sa sahig na agad ko naman nilinis bago ako lalabas sa kwarto na 'to. Abala lamang ako sa paglilinis nang bigla na lang may kumatok sa aking pintuan at sumigaw mula roon si Elfrida. "Maari ba akong pumasok?" Sigaw nito.  Ano kayang kailangan nito? Simula noong dumating ako dito sa bahay ay hindi ko pa siya napapansin na pumapasok sa aking kwarto o nagpapaalam na pumasok man lang. "Pumasok ka lang, naka-bukas iyan!" Tugon ko. Abala pa rin ako sa pagliligpit ng aking mga damit at ilang mga nakakalat na mga gamit ko nang bumukas ang pinto. Naramdaman ko naman ang pagpasok ng isang presensiya mula sa kwarto. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko at itinapon na sa sarili kong basurahan ang mga na pulot ko at nilingon ang aking kasama na naka-ngiting nakatingin sa akin, "Anong mayro'n ay ganiyan ka kung makatingin?" Umiling lamang siya at naglakad na patungo sa isang bakanteng upuan na nasa harap ng lamesa ko. "Ang aga mo kasing na gising,"saad nito at tinignan ang mga papel na nasa aking mesa, "Mamaya pa naman mga bandang alas dyes ng umaga ang simula ng ating pagsusulit pero heto ka at handa na." "Alas dyes pa ba?" Gulat na tanong ko. Sa katunayan niyan ay wala talaga akong alam na sa oras pala na iyon gaganapin ang pagsusulit. Akala ko ay kapareho lamang ng oras ng aming klase, bakit ba kasi hindi ako sinabihan ng babaeng 'to? Ako ang nagmumukhang tanga sa sitwasyon namin ngayon eh, kaya pala hindi pa rin ito nakabihis at kaparehong-kapareho pa rin nito ang suot niya kahapon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Inis na tanong ko at umupo sa aking kama, "Sana pala ay hindi na ako gumising ng maaga. Ayan tuloy, akala ko pa naman ay alas otso 'yong pagsusulit natin." Tumawa lang ng mahina si Elfrida at umiling. "Hindi ko ba na sabi sa iyo? Pasensiya ka na,"tumatawang sambit nito, "Akala ko kasi ay alam mo na ang tungkol doon, pero ayos lang 'yan." "Paano naman naging maayos 'yan?" Tanong ko rito at inirapan siya. Humiga na lang ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Matutulog na lang kaya ako habang hinihintay ang oras ng pagsusulit? "Pupunta naman tayo sa silid-aklatan upang mag-aral. Hindi ganoon kadali ang pagsusulit kaya kahit sa huling oras ay dapat tayong mag-aral,"paliwanag nito, "Kung iniisip mo na magpahinga imbes na mag-aral ay baka masayang lang ang mga pagsisikap mo. Tama naman ang iyong pahinga kaya may lakas ka na para mag-aral ulit." Huli ka na. Bago pa ako naligo at nag-aral muna ako at sinigurado ko na lahat ng impormasyon na isinulat ko sa mga papel na iyon ay alam na alam ko na. "Nag-aral na ako kanina pa. Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yon." Sabi ko. Bumuntong hininga na lang ako bago tumayo. "Magluluto na lang siguro ako tapos sasama sa iyo,"sabi ko at nagsimula nang maglakad. Nagtataka naman ako ng hindi pa rin gumagalaw si Elfrida at malungkot lamang itong nakatingin sa aking kama. "May problema ba?" Ngumiti lamang ito at umiling sa akin, "Wala naman,"tugon niya, "Nais ko lang sabihin na kahit na anong mangyari ay magkaibigan pa rin tayo, ha?" Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Elfrida nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Siguro ay labis ang takot na nararamdaman ni Elfrida na baka maulit na naman ang nangyari sa kaniya noon. Hindi naman ako ganoon klaseng tao. Kung hindi ko man maipasa ang pasusulit ay kasalanan ko na 'yon, lahat naman tayo ay may sariling limitasyon. Kung hanggang saan lamang ang kaya ng ating mga kakayahan, kung hanggang doon lang talaga akin ay wala na akong maggagawa. Ngumiti lamang ako kay Elfrida at unti-unting lu,apit sa kaniya, "Alam kong nag-aalala ka lang na baka maulit muli 'yong nangyari sa iyo,"sabi ko, "Pero hindi ako katulad ng nakaibigan mo. Alam ko sa sarili ko na kung babagsak man ako at papasa ka, ay doon lamang talaga ang kaya ko. Siguro nga lang ay hindi 'yong ang nararapat sa akin kaya nilalayo ako ng panginoon. Alam kong may plano siya sa tuwing bumabagsak ako sa isang bagay." Iyan 'yong sabi ng mga sisters ko sa akin. Kapag hindi mo na ipasa ang isang bagay o hindi mo na gawa ang isang bagay at kahit ginawa mo na ang lahat ay ibig sabihin nito, hindi pa ito ang oras para sa iyo. Sabi ng Sisters ay gawin mo lang ang lagi mong ginagawa balang araw ay magtatagumpay ka rin at hindi mo masusukat ang kaligayan na na mararamdaman mo. Nagulat naman ako ng bigla na lang akong yakapin ni Elfrida. Ramdam ko rin ang pagtaas baba ng mga balikat nito na parang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero yinakap ko na lang ito pabalik at hinaplos ang kaniyang likod. Siguro ay hindi niya inaasahan ang mga katagang 'yon mula sa'kin. "Salamat Kori,"sambit nito, "Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag pati ikaw ay mawala na lang bigla dahil sa taglay na kapangyarihan ko." "Makapangyarihan kang tao at nasa dugo mo na 'yan," paliwanag ko rito.  Hindi naman niya kasalanan na maging isang makapangyirahang tao. Nasa pamilya na nila 'yan, ang may kasalanan talaga ay ang inaakala niyang kaibigan. Kung isa kang tunay na kaibigan ay wala 'yong inggit na mararamdaman niyo, suportado niyo ang bawat desisyon at tagumpay ng bawat isa. Siguro nga ay simula pa lang hindi na kaibigan ang turing ng taong iyon kay Elfrida. Kung ganoon man ay maaring nagpalamon ito sa inggit. Nanatili lamang kami sa ganoon posisyon ng halos isang oras bago napagdesisyunan na kumalas na. Tinawanan ko lang ito dahil mukhang kinagat ng bubuyog ang mga mata nito. "Ang pangit mo na,"tumatawang sambit ko. "Kaibigan ka ba talaga?" Tanong nito, "Akala ko ba ay dapat suportado natin ang bawat isa?" Tumawa lang ako ng malakas at tumayo na, "Hindi ko naman sinabi na magsisinungaling ako, hindi ba?" "Kori!" Tuluyan na akong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa kusina upang magluto. "Maligo ka na!" "Sige. Mabilis lang ako!" Sigaw nito pabalik. Nagpatuloy lamang ako sa pagluluto hanggang sa matapos na rin ako at ganoon na rin si Elfrida. Kumain na kami bago naisipan na umalis na ng bahay upang pumunta sa aming silid. Hindi namin na pansin na malapit na palang mag-alas nuwebe ng umaga dahil sa kadaldalan namin. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa harap ng isang malaking silid na ito. Hindi pamilyar sa akin dahil hindi ko pa naman nalilibot ang buong kastilyo. Unti-unting tinulak ni Elfrida ang pinto atsaka pumasok. Bumungad naman sa amin ang isang napakalaking lugar na mayroong mga upuan at lamesa. Halos dalawang metro ang layu ng bawat isa. Anong klaseng pagsusulit ito? Ito ba ang kanilang paraan upang maiwasan ang tinatawag nilang dayaan? Impossible rin naman kung magkakaroon pa ng ganoon, masiyadong gigil ang mga estudyante rito na mag-aral kaya impossibleng wala silang maisagot sa pasulit ngayong araw. "Heto na naman itong mga upuan,"umiiling na sambit ni Elfrida. "Anong mayro'n?" Nagtatakang tanong ko. "May ilang kaso na rin kasi ng pandaraya nitong mga nagdaang taon. Kaya sa tuwing may bagong isyu na naman ay dadagdagan na naman ulit ng isang metro." Paliwang ni Elfrida, "Ano ba ang inaakala nila? Kakayanin natin ipasa 'to? Ang hirap kaya ng mga tanong nila." Inis na umupo na si Elfrida sa isang lamesa na kung saan nakalagay ang kaniyang numero. Umupo na rin ako sa tabi nito na kung saan nandito rin ang numero na binigay sa akin kasama ang libro. Akala ko ay para saan itong numero na ito. Para pala sa pagsusulit buti na lang at hindi ko itinapon. "Ayos lang 'yan. Malalampasan din natin 'to." Sigaw ko sa kaniya at ngumiti. Tumango lamang ang aking kaibigan at itinaas ang kaniyang hinlalaki. Lumipas ang halos isang oras ay tsaka dumating ang guro namin na magbabantay. Naka-suot ito ng isang magarang damit at mayroong isang ibon sa kaniyang balikat. Kung titignan ay sobrang higpit nito at parang gusto nitong sunugin lahat ng mga taong nasa harap niya. "Siya?" Rinig kong bulong ng isang taong sa likod ko. "Mukhang malabo nga na magkaroon ng dayaan ngayong taon,"dugtong nito. "Manahimik!" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang ibinagsak ng babaeng ang isang makapal na mga papel sa lamesa nito. Tinignan niya kaming lahat isa-isa at ngumiti ng nakakatakot, "Ako ngayon ang inyong taga-bantay. Hindi niyo inaasahan, hindi ba?" Sino ba itong taong 'to? Bakit ganoon na lang ang takot ng mga estudyante sa kaniya?  Patuloy lamang ito sa paglibot ng kaniyang mga mata nang bigla itong tumigil sa akin at gulat na nakakatig. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mailang pero nanatili pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Ayaw kong magpatalo, baka isipin nito na natatakot ako sa kaniya. Kahit ang totoo ay sobrang takot na talaga. Nakita kong may ibinigkas ito pero walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Nagtataka lang akong tinignan siya nang bigla niyang iniwas ang kaniyang paningin at tinignan ang ibang estudyante. "S-sa araw na ito ay huwag niyong susubukan na mangopya. Malalaman at malalaman ko 'yan, kahit kodigo man lang ay huwag niyong isipin na gamitin. Kapag kayo ay nahuli ko, makikita niyo ang mangyayari sa inyo!" Sigaw nito at masama kaming tinignan. Bigla na lang nitong itinapon ang mga papel sa itaas atsaka lumipad ang ibon upang ihatid ito sa amin. Ang galing. "Mayroon lamang kayong dalawang oras para sagutan ang papel na iyan,"sigaw ng aming guro, "Maari niyo ng simulan." Dalawang oras? Sa isang makapal na libro na ito? Kung ihahalintulad ko sa pinag-aralan ko ay halos nasa kalahati lang yata iyon. Siguro nga ay ito 'yong ibig sabihin ni Elfrida na hindi madaling pagsusulit, kaya pala ganoon na lang ang pag-aaral nilang lahat dahil ganito naman pala kakapal ang dapat naming sagutan. Kung alam ko lang ay sana nag-halungkat pa ako ng mga libro sa silid-akalatan. Bahala na siguro kung ano man ang masagot ko. Sinimulan ko ng sagutan ang mga tanong na nasa papel at hindi ko maipagkakaila na lahat ng mga pinag-aralan ko ay nandito. Siguro ay sa simula lamang ito. Patuloy lamang ako sa pagsagot at sobrang na-aaliw ako. May ilang mga letra pa na sumasayaw o gumagalaw kaya mabilis ko lang ito na sagutan. May mga impormasyon din na bago pa sa akin pero hindi ko alam, parang matagal ko na itong alam. Patuloy lamang ako sa pagsagot hanggang sa makarating ako sa pinaka-huling parte ng pagsusulit.  Teka. Huling parte? Binuklat ko muli ang librong sinasagutan ko at nasa huling parte na nga ako. Tinignan ko ang orasan na nasa harap ng libro na kung saan patuloy na umiikot ang kaniyag mahabang kamay. Nasa isang oras pa lang ako pero na tapos ko ng sagutan ang libro. Ano na gagawin ko ngayon?  Babasahin ko na lang ulit ang mga sagot ko at baka may mali akong naisulat. Matematika, siyensiya, mahika, medisina, at iba pang mga asignatura na pwede kong sagutan ay tapos na. "Kori,"agad kong itinaas ang aking ulo at tinignan ang gurong nakatitig sa akin. Ramdam ko naman ang mga matang nakatitig mula sa kaklase ko habang ako naman ay bigla na lang kumabog ang puso ko ng sobrang bilis. Bakit bigla ako nitong tinawag? Wala naman akong ginagawang masama ah? "Bakit po?" Tanong ko. Itinaas naman niya ang kaniyang kamay at sinenyasan akong lumapit. "Dalhin mo na rin 'yang papel na sinasagutan mo." Tumango lamang ako at kinakabahan na tumayo. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at yinakap ang librong nasa sinagutan ko kanina. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang naka-tingin lamang sa kaniyang mga mata. Alam kong iniisip ng mga kaklase ko ngayon na baka nandaraya ako. Wala naman akong ginagawa eh, sinagutan ko lang naman ang mga tanong. Nasa libro lang naman kasi lahat nang pinag-aralan ko nitong mga nagdaang araw kaya hindi ako nahihirapan. Halos buong araw ako nag-aaral at pati na rin bago matulog, siyempre nasa utak ko na ang lahat ng iyon pero bakit bigla na lang niya ako tinawag? Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa harap ng aming guro. Kinakabahan na nanatiling nakatayo lamang ako roon habang nakatingin sa kaniyang mga mata. "Magpatuloy na kayo sa pagsagot. Kalahating oras na lang ang natitira, kapag hindi niyo 'to na ipasa ay maari kayong bumalik sa inyong guro." Sigaw nito habang nakatingin sa akin, "Ikaw naman, akin na 'yang libro mo at magpatuloy ka na sa susunod na pagsusulit. Sayang ang oras mo." Inilahad nito ang kaniyang kamay na naging dahilan ng pagka-gulat ko. Alam niya na tapos na ako? Ibig sabihin ba noon ay kanina pa niya ako napapansin? Kung gayon ay possible pala talaga na malalaman niya na may dayaang nangyayari. Paano kaya niya 'yon nagagawa? Ibinigay ko na sa kaniya ang librong hawak ko at yumuko bago lumabas ng pinto upang pumunta sa susunod na silid para sa susunod na pagsusulit. Nang makalabas na ako ng silid ay agad akong bumuga ng hangin dahil ramdam ko ang kaba mula sa aking dibdib, medyo nanginginig din ako dahil dito.  Kinalma ko muna ang aking sarili bago naglakad patungo sa susunod na palapag. Ayon sa nasa papel na hawak-hawak ko ngayon ay doon na raw gaganapin ang susunod na pagsusulit. Ang susunod ay ang paggamit ng kristal upang malaman kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ako, huling dalawang pagsusulit na lang at matatapos na rin ako sa wakas. Hihintayin ko na lang siguro si Elfrida para sabay na kaming pumunta sa susunod na palapag. Natatakot din akong pumasok doon mag-isa. "Kori!"  Agad naman akong napalingon sa aking likuran at nakita roon si Elfrida na nakangiting kumakaway sa akin. Tapos na kaya siya sa kaniyang pagsusulit? Tumakbo ito papalapit sa akin at agad na niyakap ang aking braso. "Akala ko ay hindi na kita masusundan,"sabi ni Elfrida at ngumiti sa akin, "Ang bilis mong matapos. Mas na una ka pa sa akin eh. Anong oras mo ba na tapos ang iyong pagsusulit?" "Ah, kung kailan ako tinawag ng ating guro,"sabi ko at ngumiti. Alam ko sa sarili ko na isang oras pa lang ay na tapos ko na iyon. "Huwag ka magsinungaling sa'kin,"ani nito, "Alam mo ba na hindi tatawagin ng guro ang isang estudyante kapag bago ka pa lang na tapos? Malamang ay halos kalahating oras ka na nakatitig sa papel mo." "Ganoon iyon?" Gulat na tanong ko. Tumango lamang si Elfrida sa akin at hinila ako. "Oo kaya tara na!" Masayang sigaw nito at nagmamadaling umakyat sa hagdan. "Teka lang,"pigil ko rito, "Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin sa kristal tapos kung makahila ka."  "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ganoon kahirap 'yon, tanging ang pagsusulit lamang sa silid na 'yon ang mahirap. Sa dalawang pagsusulit na susunod ay hindi na gaano, kung kayawa ay wala ka ng dapat ipag-alala pa!" Ganoon pala iyon? Hinayaan ko na lang si Elfrida na hilahin ako hanggang sa makarating kami isang pinto na gawa sa bato. Bigla naman hinawakan ni Elfrida ang bato habang naka-ngiti at siyang pagsimulang pag-alog ng lupa, bigla na rin dumagundong ng malakas dahil na rin sa paggalaw ng bato sa aming harapan. Lumipas ang ilang minuto ay bumukas na rin ng tuluyan ang pinto at bumungad sa amin ang isang pasilyo na sobrang dilim na para bang isang minahan sa bayan ng Sola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD