Doon ko nakita ang mga nakasabit na lampara na nagbibigay ilaw sa aming dadaanan. Hindi na ito gaanong kadilim pero nakakatakot pa rin pumasok. May ilang mga kahon sa gilid na tinatakpan ng mga makakapal na tela at may ilang insekto rin na naninirahan dito. Kung titignan ito ay aakalain mo talaga isa itong inabandunang lugar na pinagbabawalan ng puntahan ng mga estudyante. Marami ring mga sirang bagay na naka-kalat sa sahig na hindi ko alam kung para saan pa at bakit ito tinatago rito. Nararapat lang naman na itapon na ang mga bagay na iyon dahil wala ng magagamitan.
"Kailan kaya nila lilinisin 'tong lugar na 'to?" Tanong ni Elfrida habang tinatakpan ang kaniyang ilong at bibig dahil sa alikabok na nagmula sa pagbukas ng batong ito. Para sa akin ay sa tingin ko ilang dekada na yata itong hindi binuksan ng mga tao. Hindi ko rin alam kung anong trip nila at dito pa gagawin ang aming pagsusulit.
"Bakit parang ilang taon na yata itong hindi binubuksan? Ang daming alikabok,"komento ko at napa-ubo na lang. Umiiling lamang si Elfrida at tinuro ang loob.
"Laging nabubuksan ang lugar na 'to, iyon nga lang ay hindi naglilinis ang taga-pamahala ng silid na 'to,"paliwanag ni Elfrida. Kaya naman pala, hindi na rin ako magugulat kung ganoon man ang nangyari sapagkat hindi naman ganito kagulo ang lugar kung lagi pa nitong inaayos.
Nagsimula ng maglakad si Elfrida at sumunod na ako. Nang tuluyan na kaming makapasok ay bigla na lang sumirado muli ang bato na naging dahilan ng malakas ng tunog na dumadagundong sa loob ng pasilyo na ito.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapayakap sa aking katawan. Sobrang lamig ng buong paligid na para bang nasa loob kami ng lugar na punong-puno ng yelo kahit hindi naman. Ilang beses na akong nakapasok sa minahan ng aming bayan pero hindi naman ganito ang pakiramdam ko. Sa katunayan niyan ay sobrang init nga nito na halos masunog na ang balat ko.
"Malapit na tayo,"anunsiyo ni Elfrida, "Hindi naman natin kailangan magtagal sa lugar na 'to. Sasabihan lang natin ang taga-pamahala tungkol sa pagsusulit."
"Wala ba siyang alam na mayroong pasulit ngayong araw? Bakit kailangan pa natin siyang pagsabihan?"
Inilibot ko ang aking paningin at unti-unti ng lumiwanag ang paligid. Wala na rin masiyadong alikabok dito at maayos na rin ang mga gamit. Hindi na rin ako masiyadong giniginaw na labis kong ipinagtataka.
"Alam naman niya, pero 'yon lang. Hindi niya alam kung sino ang makakapasok sa lugar na 'to,"paliwanag nito.
"Makakapasok?" Tanong ko.
"Nakikita mo naman siguro ang batong iyon hindi ba? Nakaharang na talaga iyon doon upang sukatin ang lakas ng pisikal na anyo ng kalahok."
"Pero paano 'yon? Ikaw lang naman ang tanging tao na bumukas sa batong iyon?" Tanong ko rito, "Ibig sabihin ba nito ay damay lang ako?"
Umiling naman si Elfrida sa tanong ko bago ako liningon, "Siguro naman ay ramdam mo ang enerhiya na dumadaloy sa ating katawan ngayon, hindi ba?"
"Enerhiya?"
Wala akong maramdaman na kahit ni kaunting enerhiya sa aking katawan. Hindi ko maintindihan ang kaniyang ibig sabihin, tanging lamig lamang ang naramdaman ko nang makapasok kami rito.
"Hindi mo ba naramdaman ang malakas na daloy ng enerhiya sa ating buong katawan?" Gulat na tanong nito.
"Hindi,"tugon ko, "Tanging lamig lamang ang naramdaman ko nang pagkapasok natin rito."
"Lamig?!" Halos mabingi naman ako ng sumigaw na lang ito bigla sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gulat na gulat na lang siya kung umasta. Umalingawngaw naman ang sigaw ni Elfrida sa lahat ng sulok ng pasilyong ito na naging dahilan ng malakas na pag-ihip ng hangin mula sa loob.
"Bakit?" Sigaw ko sa kaniya habang nilalabanan ang hangin.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, hayaan mo na lang na hilahin ka ng hangin papasok sa loob!" Sigaw nito.
Kitang-kita ko naman ang paglipad ni Elfrida papunta sa loob, hindi ko alam kung bakit kailangan namin magpadala sa hangin pero makikinig na lang ako. Siya lang naman ang taong may alam sa mga nangyayari sa pasulit, kahit ni isang impormasyon ay walang-wala talaga ako.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinagaan ang aking sarili. Naradaman ko naman ang unti-unti kong pag-angat sa lupa at ang pag-kalma ng hangin sa paligid ko. Dahan-dahan ako nitong dinala patungo sa loob hanggang sa pumasok kami sa isang isang malambot na sagabal sa aking harapan.
Nanatili pa rin akong naka-pikit nang bigla kong maramdaman ang paghawak ng isang kamay sa aking balikat. Bigla na lang akong sumigaw at lumayo mula rito, unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakita si Elfrida na natatawa sa akin.
"Bakit!" Inig sa sigaw ko at umayos na ng tayo. Pinagpag ko rin ang mga dumi na nasa aking damit at inilibot ang aking paningin.
Nasa ibang lugar ba kami? Bakit ibang-iba ito sa panlabas na anyo? Kung kanina ay sobrang dumi ng paligid na para bang pinaglipasan na ng panahon, dito naman ay sobrang linis na aakalain mo na wala ka man lang makikitang alikabok.
Halos lahat ng mga gamit rito ay naka-organisa. May ilang mga kabinet sa gilid na kung saan naka-hilera ang mga libro at ilang mga pigurin. Sa gitna ng silid ay mayroong isang malaking bilog na kristal na kulay asul. May puting ilaw din ito sa gitna na hindi ko mawari kung ano iyon.
"Elfrida,"tawag ko sa kaniya habang inilibot ang aking paningin.
"Bakit?"
"Hindi ba at sinabi mo sa akin na ipapaliwanag mo ang tungkol sa nangyari kanina?" Tanong ko at lumapit sa kaniya.
"Oo nga pala,"sambit nito, "Ang dinaanan natin kanina ay isang pagsubok, kung kaya mong tiisin ang malakas na daloy ng enerhiya sa iyong katawan ay maari ka ng pumunta sa susunod na antas o maari mo ng kunin ang kursong nararapat sa iyo sa pamamagitan ng kristal na 'to. Ibig kasing sabihin no'n ay gamay mo na kung paano kontrolin ang iyong enerhiya."
"Kung gayon, matanong ko lang. Bakit gulat na gulat ka yata kanina? Para bang hindi mo inaasahan na iyon ang maramdaman ko?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Noong sinabi ko kasi na tanging lamig lamang ang naramdaman ko at wala naman akong naramdaman na kahit na kaunting enerhiya ay bigla na lang siyang sumigaw na naging dahilan ng paghigop ng hangin sa amin papunta dito sa loob. May problema kaya kapag ganoon? Baka ibig sabihin no'n ay maari na akong bumagsak at pag-aralan ang lahat mula sa simula.
"Hayaan mo akong magpaliwanag sa'yo."
Sabay kaming lumingon ni Elfrida sa taong kakarating lang at pababa na ng hagdan. Naka-suot ito ng isang kulay itim na balabal na may maliit na kulay pulang kristal sa dibdib. Matipuno ang kaniyang katawan at medyo may katandaan na rin ito. Ang buhok nito ay may mga kulay puti na at mayroong tapal ang kaniyang isang mata na kung saan may malaking peklat mula noon pababa sa kaniyang pisngi. Naglalakad lang ito pababa hanggang sa makarating sa aming harapan.
"Kayo pala ang na unang matapos sa pagsusulit na ito,"sabi ng lalaki at tumingin sa aming dalawa, "Hindi na rin masama. Naramdaman ko ang malakas na enerhiya na dumadaloy sa inyong katawan."
"Magandang Hapon po sa inyo,"sabay na bati namin ni Elfrida at yumuko.
"Magandang Hapon din sa inyo,"bati nito pabalik, "Umupo muna kayo sa bakanteng upuan habang hinahanda ko ang kristal. Pagkatapos niyong tignan kung anong kurso ang mayroon kayo ay pwede ko ng ipaliwanag sa ating baguhan ang nangyari kanina."
Itinaas lang nito ang kaniyang kamay at siya naman ang paglapit ng dalawang upuan sa aming likuran. Tumalikod na ito habang ang kaniyang balabal ay parang nililipad ng hangin.
"Siya ang taga-pamahala ng lugar na ito,"sabi ni Elfrida, "Mabait naman ang taong riyan kaya wala kang dapat ipag-alala."
Tumango lamang ako sa kaniya at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pero labis ang aking kaba sa tuwing lumalapit ang taong iyon. Maaring dahil na rin sa bigat ng enerhiya na pumapalibot sa kaniya, sinisigaw nito kung gaano ito kalakas at kung gaano lamang ako kahina. Kung tutuusin ay parang kaya lang nito akong patayin sa isang pitik.
Umayos lang ako ng upo at nanatiling tahimik. Hinihintay kung ano ang susunod naming gagawin at kung ano ang dapat naming gagawin. Sabi ni Elfrida sa akin ay kailangan ko lang daw hawakan ang kristal at malalaman na raw ng taga-pamahala rito ang kurso ko. Malalaman ko naman daw iyon dahil bibigyan niya ako ng isang gamit na tinatawag na plate, itong plate ang siyang magpapahiwatig kung saang kurso ako nabibilang.
"Maari na kayong magsimula,"sabi ng lalaki at lumapit sa amin, "Sino ang mauuna sa inyong dalawa?"
Ngumiti lamang si Elfrida at itinaas ang kamay, lumingon ito sa akin saglit atsaka kuminda. Tila ba sinasabi nitong tignan ko kung ano ang gagawin niya at kung ano ang kaniyang kapangyarihan. Napapa-iling na lang ako sa kahambugan ng babaeng 'to.
Unti-unti nitong itinaas ang kaniyang kamay at tumango sa lalaki. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata at ilang sandali pa ay nililibutan na siya ng isang malaking bilog. Unti-unti naman na umilaw ang kristal at kulay asul ito na may tubig. May ilang isda rin na lumalangoy mula roon na sa tingin ko ay para sa akin, isang nakakamangha.
Ilang sandali pa ay nawala na rin ang ilaw kay Elfrida, iminulat na nito ang kaniyang mga mata at nilingon ang lalaki na ngayon ay naka-ngiti habang tumatango. "Maari ka ng bumalik sa iyong upuan,"utos nito, "Hali ka na at magsimula na rin."
Tumango lang ako habang kinakabahan na tumayo. Ilang sandali pa ay naka-lapit na ako sa harap ng kristal at tinignan ang lalaki. Tumango lang ito sa akin na hudyat na maari na akong magsimula sa aking pagsusulit.
Huminga muna ako ng malalim habang seryosong nakatingin sa kristal. Unti-unti kong itinaas ang aking kamay at itinuon ito dito. Ipinikit ko na ang aking mga mata at pinakiramdaman ang enerhiya na dumaloy sa buong katawan ko. Hinayaan ko lang itong magpabalik-balik sa buong parte ng aking katawan hanggang sa dumating ito sa dulo ng aking palad.
Naramdaman ko naman ang mainit na enerhiya na lumabas dito at ang pag-atungal ni Fengari sa aking loob. Hindi ko alam kung bakit pero mas naramdaman ko ang bigat na enerhiya sa aking katawan, para bang binibigyan ako ni Fengari ng lakas upang mas lalong tumaas ang aking stage.
Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti ko ng iminulat ang aking mga mata. Wala ng ilaw ang kristal sa aking harapan na labis kong ipinagtataka. Nilingon ko naman ang lalaki na nasa tabi ko na gulat at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya at ganoon na rin kay Elfrida, ngunit, ganoon din ito. Gulat din siyang nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong mali o natubuan ako ng pangalawang ulo.
Hindi kaya ay ibig sabihin nito ay pumalpak ako? Inaasahan nila na papasa ako dahil natagumpayan ko ang unang pagsubok pero dahil nga sa tulong ni Elfrida ay napadali na lang ito. Mukhang kailangan ko nga bumalik sa simula. Ano pa ba ang aasahan ko? Isa lamang akong hamak na taga-labas at walang alam sa mundo ng mahika. Bahala na siguro, basta ang importante ay manatili ako rito at ligtas.
Malungkot na naglakad na lang ako pabalik sa aking upuan habang naka-yuko. Ilang sandali pa ay halos magulat ako nang bigla na lang sumigaw si Elfrida at yinakap ako ng sobrang higpit.
"Totoo nga na mayroon kang familiar na Dragon!" Sigaw nito.
"Ha?" Gulat na tanong ko. Anong ibig sabihin nito? Huwag mong sabihin ay pati sila narinig ang sigaw ni Fengari dahil sa nangyari kanina? Naku naman.
"Hindi mo ba alam?" Tanong nito.
"Alin?"
"Lumabas lang naman ang iyong dragon at bigla na lang sumigaw ng pagkalakas-lakas. Hindi ko alam kung bakit pero parang pino-protektahan ka nito sa amin,"paliwanag niya.
Protektahan? Bakit? Hindi ko naman sila kaaway kaya bakit gagawin ni Fengari iyon?
Hinayaan ko na lang si Elfrida na magkwento samantalang ako ay okupado pa rin ang isipan kung bakit ganoon na lang kung umasta ang aking Familiar. Pinoprotektahan saan?
Natigil naman sa pagdaldal ang aking kasama nang bigla na lang lumapit sa amin ang taga-pamahal at ibinigay sa amin ang isang maliit na bagay na naka-balot sa isang makapal na tela.
"H-Hindi ko alam kung anong kurso kayo nabibilang pero heto na ang inyong plate." Nauutal pa na sabi nito. Siguro ay ganoon na lang ito kagulat.
"Salamat po." Sabi ko at yumuko.
"Anong nangyari?!"
Sabay naman kaming lumingon lahat sa taong kakarating lang na naka-tukod ang mga kamay sa kaniyang mga tuhod habang hinahabol nito ang kaniyang hininga.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ