Pagka-pasok ko ng kwarto ko ay agad akong nagbihis at humiga sa kama. Hindi naman ako ganoon ka pagod pero gusto ko lang talaga muna magpahinga. Huminga ako ng malalim bago umikot sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa darating na pagsusulit. Gusto ko man kumalma ay parang ayaw naman yata ng puso ko. Pilit kong ipinikit ang aking mga mata at pilit na tinulak ang mga bumabagabag sa aking isipin, ngunit, kahit anong gawin ko ay lalabas at lalabas talaga ito sa utak ko.
"Kainis naman, Oo!" Sigaw ko at tumayo na sa pagkakahiga. Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng pwedeng gawin pero wala akong makita. Umalis na lang ako sa higaan ko at nagtungo sa isang mesa na kung saan naroroon ang mga libro na pwede kong kuhanan ng impormasyon sa nalalapit na pagsusulit. Hinila ko ang aking upuan at agad na umupo roon.
Siguro ay mag-aaral na lang muna ako, pagkatapos nito ay maaring mawala na ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Kinuha ko na lang isang pulang lapis at nagsimula ng magsulat. Basa at sulat lamang ng mga impormasyon ang ginawa ko buong magdamagmag. Ilang sandali pa ay bigla na naman ako ulit nakaramdam ng kaba. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito pero sa tingin ko naman ay may rason kung bakit.
May mangyayari kaya sa araw ng pagsusulit? Kung mayroon nga, eh ano naman iyon? Huwag mo sabihin na darating na naman ang taong iyon upang patayin ako? Kung gayon ay talagang wala na akong takas sa kaniya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na lang na kainin ako ng kaba. Hinayaan ko lang na tumibok ang puso ko ng sobrang bilis bago ko kinalma ng paunti-unti ang aking sarili.
Epektibo talaga na kapag gusto mo matulog ay kabahan ka. Kaya siguro 'yong mga taong umiinom ng kape ay nahihirapan matulog.
Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawala 'yong kaba na aking nararamdaman. Laking pasasalamat ko naman na hindi na ganoon ka grabe 'yong kaba ko.
Unti-unti ko ng minulat ang aking mga mata at nagpatuloy na sa pagsusulat. Hindi nagtagal ay na tapos na rin ako at agad akong tumayo upang mag-unat.
Ngayon ko lang na subukan ang mag-aral sa isang paaralan na katulad nito. Kung kaya ay parang naninibago talaga ang aking katawan sa paraan ng pamamalakad nila.
Naglakad na ako palabas ng aking kwarto at uminom ng tubig. Gusto ko sanang matulog kaso mukhang mahihirapan yata ako. Ano na lang kaya ang gagawin ko? Hindi naman pwede na pilitin ko ang sarili ko dahil malamang, sasakit lang ang aking ulo kinabukasan.
Ayos lang naman sigurong lumabas ng ganitong oras, hindi ba? Hindi naman siguro masama kung lalabas ako at hahanap ng pwedeng pagtambayan habang hinihintay na antukin na lang ako. Sana nga lang ay wala silang patakaran na ganoon dito, kung hindi ay lagot ako sa magiging parusa nito. Nakalimutan ko kasing itanong kay Elfrida eh.
Lumabas na ako ng bahay bago siniguradong isara ang pinto. Siguro ay doon na lang ako sa pinakatuktok nito na kung saan ko nakilala si Brizza. Presko doon at kitang-kita ang kalangitan, gusto ko lang muna magpahinga at bukas na bukas din ay mag-aaral na naman ako ulit. Sabi nga ni Elfrida ay hindi naman daw pumapasok ang mga guro namin sa ngayon dahil may paparating na pasulit.
Naglakad na ako patungo sa labas ng aming bahay at umakyat na sa taas. Ilang sandali pang paglalakad ay nakarating na rin ako sa dito at sinalubong ako ng isang preskong hangin.
"Mabuti na lang talaga at naisipan kong pumunta sa lugar na ito." Sabi ko. Unti-unti akong naglakad palapit sa dulo ng lugar na ito at tinignan ang paligid. Sobrang sarap ng hangin at sobrang tahimik. Sa tingin ko ay tulog na lahat ng mga kapitbahay ko at ganoon na rin ang mga guro. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan na tangayin ng hangin ang aking buhok.
Hindi naman ganoon katagal ay naramdaman ko na lang ang unti-unting pag-init ng paligid at ang paglabas ni Brizza sa isang tabi.
"Magandang gabi, Kori,"bati nito at unti-unting lumapit sa akin, "Bakit gising ka pa?"
Ngumiti lang ako sa kaniya at yumuko, Kahit ganoon kami kalapit nila Flora ay isa pa rin naman silang maharlika at nararapat lamang na respituhin.
"Magandang gabi, mahal na prinsesa,"bati ko rito at yumuko, "Nandito lang po ako upang magpahangin sapagkat hindi ko pa gustong matulog."
"Kinakabahan ka ba sa pasulit ninyo?" Tanong nito. Tumango lang naman ako bilang tugon sa kaniya.
"Kung gayon ay naiintindihan ko na kung bakit mo 'yan nararamdaman. Natural lang naman iyan sa ating lahat, kahit ako nga ay ganiyan din ang naramdaman ko noong nagkaroon kami ng pasulit sa kurso na aming kukunin." Paliwanag nito at tumabi sa akin, "Ang nararapat mo lang gawin ay ang mag-aral ng mabuti. Hindi naman ito ganoon kahirap."
"Nag-aaral naman po ako ng maayos pero hindi lang talaga mawala sa isipan ko na paano kapag bumagsak ako,"tugon ko rito. Ngumiti lang ang prinsesa sa akin at naramdaman ko na lang ang mainit nitong mga kamay na humawak sa aking balikat. Ibinaling ko ang atensiyon ko rito na ngayon ay naka-ngiti lamang habang nakatingin sa aking mga mata.
"Huwag kang mag-alala,"sambit nito, "Walang taong makakalamang sa iyo sa mundong ito. Nawa ay huwag mong hayaan na kunin sa iyo ang biyayang taglay mo."
Binatawan na nito ang pagkakahawak sa aking balikat at nagsimula ng maglakad paalis sa lugar. Nagtataka lamang akong nakatingin sa kaniya, hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niyang walang taong mas makakalamang sa akin at ano 'yong biyaya na sinasabi nito.
Huwag mong sabihin na may alam si Brizza tungkol sa mga nangyayari sa akin o sa pangalawang kapangyarihan na mayroon ako ngayon? Kung mayroon nga, paano niya naman ito nalaman? Gusto ko sana itong tanungin pero katulad ng dati ay bigla na lang itong naglaho at hindi ko na makita.
Huminga na lang muna ako ng malalim bago naglakad palapit sa dulong bahagi ng lugar na ito. Umupo na ako rito at hinayaan ang aking mga paa na nakabitin ang aking mga paa.
Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata habang nasa isipan ko pa rin ang sinabi ni Brizza. Kumakalma na sana ako tungkol sa pagsusulit ngunit bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. Iyan tuloy ay hindi na ako mapakali at gusto ko na lang malaman ang mga nangyayari. bakit naman kasi ganoon eh.
"Mahal na Prinsesa."
Mabilis na iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Fengari sa aking isipan. Ilang buwan na ba itong hindi nagparamdam sa akin? Labis na ang aking pag-alala sa kaniya, buti na lang ay bigla na lang siya nagpakita ngayon.
"Saan ka ba galing?" Nag-aalalang tanong ko rito.
"Pasensiya na po kayo at sobrang abala po ako ngayon. May mga nangyayari kasi sa lugar na ito na kailangan ko asikasuhin."
"Ano ba 'yon? Ayos lang ba ang mga tao riyan? Kamusta sila Brother Nani at Sister Mayeth?" Sunod-sunod na tanong ko.
Tanging si Fengari lamang ang makaka-sagot sa aking katanungan dahil siya 'yong nandoon sa mundo nila Brother Nani. Kung may panganib nga sa mundo nila, maaring nanganganib din ang buhay ng mga tao roon.
"Maayos na po ang lahat, Mahal na Prinsesa. Hindi mo na kailangan pa mag-alala dahil protektado ko na ang lahat."
"Ano ba kasi ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ko rito. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Mukha kasing may tinatago ang Familiar ko sa akin. Unang-una iyong tungkol sa pagsusulit, pangalawa tungkol kay Brizza at heto, ito na naman po tayo sa pangatlong babagabag sa isipan ko ngayong gabi. Wala ba silang balak patulugin ang aking isipan?
"May ilang mga nilalang na galing sa mundo ng mga tao ang bigla na lang dumating at naghasik ng kanilang lagim. Hindi ko alam kung bakit pinupuntirya nila ang lugar na tinitirhan ng iyong Brother pero 'wag na po kayong mag-alala, na gawan ko na ng paraan," paliwanag niya at ramdam ko ang paghihirap sa bawat salita na kaniyang binibitawan.
"Kamusta si Sister Mayeth?" Tanong ko. Kailangan itong manatiling ligtas dahil buhay pa ang kaniyang katawan na nasa lupa. Kung pati ang kaniyang kaluluwa ay mawala na rin, maaring impossible na itong makabalik pa.
"Nasa labas na po ito ng mundo namin. Sa katunayan niyan ay naka-balik na po siya sa lupa ng mga tao."
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko ang hindi matuwa. Sobrang lawak ng ngiti ko dahil sa wakas ay na tapos na rin ni Sister Mayeth ang kaniyang paghihirap at makaka-tawid na rin sa wakas si Brother Nani.
"Salamat Fengari," sambit ko rito.
"Magpapahinga lang po muna ako, Mahal na Prinsesa. Kung kailangan niyo ng tulong ay nandito lang po ako, tawagin niyo lang ang aking pangalan at ako'y magpapakita agad."
Naramdaman ko na lang ang pagkawala ng koneksyon naming dalawa na nagpapahiwatig na tuluyan na itong nagpapahinga.
"Sino kausap mo?"
Gulat na nilingon ko naman ang taong nasa gilid ko at nakita si Elfrida na nagtatakang nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa riyan?" Tanong ko rito. Unti-unti naman na tumango si Elfrida at umupo sa aking tabi.
"Kanina pa. Nagtataka nga ako dahil kanina pa kita tinatawag pero mukhang hindi mo ako naririnig. Sino ba ang kausap mo gamit ang iyong isipan?"
"Familiar ko,"tugon ko sa kaniya.
"Familar?" Gulat niyang tanong. Tumango lang ako rito at ngumiti, "Isang maasahang familiar."
"Hindi ko inaakala na magkakaroon ka ng isang Familiar,"gulat na sabi ni Elfrida, "Kahit ako ay hindi pa nagkakaroon ng Familiar. Ayon sa mga libro ng paaralan na ito ay tanging may malakas na kapangyarihan lamang ang maaring magkaroon ng isang Familiar, siguro ay ganoon na lang kalakas ang iyong kapangyarihan."
"Hindi ba at kapag nasa pangalawang stage ka na ng Vasikos ay maari mo ng magkaroon ng Familiar?" Gulat na tanong ko rito, Unti-unti naman na tumango si Elfrida at ngumiti.
"Iyon ay kung ganoon na kalakas ang enerhiya na nasa katawan mo,"sambit nito, "Teka, gusto ko makilala ang Familiar mo. Sana naman ay sa oras na gaganapin na iyong Summoning ay ilabas mo siya ah?"
"Summoning?"
"Iyon ang araw na kung saan pinapayagan tayong nasa pangalawang antas o nasa Endiamesos na antas na magkaroon ng Familiar. Ngayon na meron ka na pala ay hindi mo na kailangan pa dumalo roon,"paliwanag nito.
"Sana nga lang ay kapag inilabas ko ang aking Familiar ay hindi ka magugulat." Babala ko.
"Bakit naman ako magugulat? Hindi naman kaya ako kakainin ng Familiar mo? Ano ka ba,"sabi ni Elfrida, "Oh siya, hali ka na at matulog na tayo. Maaga pa tayong mag-aaral bukas. Akala ko pa naman ay kung ano na ang nangyari sa'yo."
Sunod na tumayo na ako sa kaniya at nagsimula na rin maglakad.
Hindi magugulat? Titignan lang natin. Kahit nga iyong mga taong normal na sa kanila ang magkaroon ng Familiar ay na gulat noong makita si Fengari. Paano na lang kaya kung itong mga 'to ang makakita sa kaniya?
Tumabi na lang ako sa paglalakad niya at tahimik na kaming bumaba. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa aming bahay at agad na pumasok. Uminom muna ako ng tubig sa Kusina bago ko naisipan na bumalik sa sala na kung saan naka-upo si Elfrida at mayroong binabasang papel.
"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Sinulat ko,"paliwanag niya, "Oo nga pala, Kori, pupunta tayo sa library bukas. Huwag mong kakalimutan 'yon ah?"
"Sige, gigising ako maaga bukas." Sabi ko at papasok na sana.
"Huwag na, hindi naman natin kailangan maging maaga doon. May pinagsabihan na akong tao na dapat ay bigyan tayo ng bakanteng upuan,"sabi ni Elfrida sabay kindat.
Umiiling na tumango lamang ako at nagpaalam na. Pumasok na ako sa aking kwarto at patakbong nagtungo sa aking kama upang matulog. Unti-unti kong naramdaman ang paglubog ng aking katawan sa malambot na kama ko, ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan ang sarili kong makatulog na.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ