Chapter 50

3001 Words
Unti-unti kong naramdaman ang mainit na enerhiya na dumaloy sa buong katawan ko. Patuloy lamang ako sa pag-meditate hanggang sa naramdaman ko na ang buong enerhiya sa aking katawan. Nanatili lamang akong naka-pikit hanggang sa bigla na lang umitim ang paligid at siyang paglitaw ng anim na bilog sa aking harapan. Hindi ko matukoy kung ano ang mga ito at parang ang gaan sa pakiramdam. Unti-unti akong lumapit sa unang bilog na aking nakita at doon ko na pansin ang iba-ibang kulay ng mga ito. May asul, pula, berde, kayumanggi, puti, itim at dilaw, hindi ko alam kung para saan ang mga bilog na ito pero parang parte na rin silang lahat sa akin. Gusto ko silang hawakan pero bakit parang binabalanse nito ang buong lugar na kung na saan ako? Inilibot ko ang aking paningin ngunit halos lahat ng nakikita ko ay itim lang at mayroong mga kumikislap na parang bituin. Nakatingin lang ako sa mga bilog na ito nang bigla na lang lumapit ang isang bilog na kulay asul. Sinubukan kong umiwas dahil sobrang bilis nito na papalapit sa akin pero naka-sunod pa rin siya. Ilang sandali pa ay tuluyan na akong natamaan nito, at imbes na makaramdam ako ng pagkabasa ay bakit parang wala lang ito? Itinaas ko ang aking kamay at unti-unting lumalabas doon ang isang tubig na hugis bilog. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaroon ng ganito, dahil kaya ito sa bilog na humahabol sa akin? Pero bakit? Huwag mong sabihin na iyon 'yong kapangyarihan ko? Sa pagkaka-alam ko ay tanging pagpapagamot lang ang mayroon ako, teka, huwag mong sabihin ay ito 'yong kapangyarihan na tinutukoy ng taong humahabol sa akin palagi? Kung gayon ay naiintindihan ko na kung bakit, pero, paano kaya niya nalaman na mayroon pa akong ibang kapangyarihan? Isa lang naman itong normal na kapangyarihan ah? Hindi naman ito ganoon kahalaga, at isa pa, ngayon ko pa lang naman nalaman na may iba pa pala akong kapangyarihan bukod sa paggamot. Hindi ako makapaniwalang nakatingin lang sa aking kamay na ngayon ay naroroon ang isang bolang gawa sa tubig. Sobrang mangha ko na kaya kong kontrolin ang ganitong bagay. Isa sa mga pinakamahirap na kontrolin sa mundo ng mahika ay ang tubig, masiyado itong misteryoso. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at sinubukan na gawin muli ang tinuro sa akin ni Brother Nani. Ang mga bagay na tinuro niya noong nandoon pa ako sa kanilang mundo. Lumipas ang halos ilang minutong pag-eensayo ay bigla ko na lang naramdaman ang mainit na likido na lumalabas sa kamay ko. Unti-unti kong itinaas ang aking mga kamay habang naka-pikit pa rin at itinuon sa aking harapan. Hinayaan ko lang muna na dumaloy ang buong enerhiya sa aking katawan hanggang sa pumwesto na ito sa aking mga palad. Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ay ang pag-sabog ng dingding na nasa aking harapan ng sobrang lakas. Napa-atras pa nga ako dahil sa ginawa kong iyon. Gulat na nakatingin lang ako sa sirang dingding. Patay ako nito. "Anong nangyayari dito?" Agad kong nilingon ang taong nagsalita na lang bigla at nakita ang isang batang may dala-dalang mga libro at tubig na nahulog na ngayon sa sahig. Bakit may bata sa paaralan? Naka-suot lamang siya ng isang magarang damit na parang isang prinsesa at mayroong dala-dalang maliit na bag sa kaniyang gilid. May mga puting rosas din ang kaniyang buhok na naka-ipit.  Gulat na nakatingin pa rin ako sa kaniya at hindi makapaniwala, ngunit nang mahimasmasan ay agad akong lumapit dito upang tulungan siya sa kaniyang mga dala. "Tulungan na kita,"sabi ko at sinimulang pulutin ang kaniyang mga libro. Doon ko lang na pansin ang maliit na pakpak nito sa kaniyang likuran na kumikislap sa ganda. "Ano ang ginagawa mo sa silid na ito?" Tanong niya at kinuha na ang panghuling libro, "Dito mo na lang iyan ilagay." Itinaas nito ang kaniyang kamay at ilang sandali pa ay siyang paglitaw ng magandang silid na mayroong maraming libro at isang puno. Hindi ko nga alam kung paani niya pinagkasya itong malaking puno dito sa loob ng silid. Hindi ko lubos maisip na ang isang walang laman na silid kanina ay naging isang mala-silid aklatan na lugar. Sobrang ganda rin dito kasi parang nasa loob lamang ako ng isang pinaglumaan na gusali na mayroong mga puno at libro na nakakalat. "Pasensiya ka na at bigla na lang akong pumasok dito,"sambit ko, "Hinahanap ko kasi ang silid na kung saan gaganapin ang aking pagsusulit. Dito ko lang narinig ang aking pangalan na tinawag." Abala lamang ang babae sa pagliligpit ng kaniyang mga gamit nang bigla itong tumigil at lumingon sa akin. Tinignan ako mula ulo hanggang paa at tila ba kinikilatis kung nagsasabi ako ng totoo. "Seryoso ka ba na dito ka dinala?" Tanong nito, "Alam mo bang kapag nagsinungaling ka ay maari mong ikapahamak ito?" Umiling naman ako agad sa kaniya, "Para saan pa po kung magsisinungaling ako? Atsaka wala po akong alam kung ano ang magiging resulta kapag nagsinungaling ako, baguhan lang ako." Paliwanag ko sa kaniya. May masama bang mangyayari sa akin kapag nagsinungaling ako sa taong 'to? Baka bigla na lang nila ako ipatapon o ipakain sa mga halimaw sa labas ng paaralan. "Isang baguhan?" Gulat na tanong nito, "Anong antas ka na ngayon?" "Endiamesos,"tugon ko. "Endiamesos para sa isang baguhan?" Gulat na tanong nito at agad na lumipad pa itaas at hinalungkat ang mga libro sa kaniyang mga kabinet. "Teka lang at hahanapin ko ang libro kung saan naroroon ang mga lista ng estudyante ngayon." Tumango lamang ako sa kaniya at inilibot ang aking paningin, "Maupo ka muna riyan." Sinunod ko na lang ang batang iyon at umupo na sa isang upuan na gawa sa kahoy, ngunit, labis ang pagkagulat ko nang bigla na lang tumaas ang sanga nito at mayroon ng tasa na may lamang tsaa. Ang galing naman. Kahit na may kapangyarihan ako ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa mga nangyayari sa lugar na 'to. Tahimik lamang akong naghihintay hanggang sa bumalik na rin sa wakas ang babae sa aking harapan. May dala-dala itong libro at ngayon ay naka-suot na ng isang makapal na salamin. Hindi ba ito nakakabasa kapag walang salamin? "So Ikaw pala si Kori,"sambit nito, "Kori of Sola." "Opo,"tugon ko, umupo naman ito sa isang mahabang sofa sa aking harapan habang nakatuon pa rin ang kaniyang paningin sa kaniyang librong hawak. "Isa kang manggagamot na napadpad na lang dito sa aming paaralan,"basa nito at sabay lipat sa susunod na pahina. Anong klaseng libro ang mayroon siya? Bakit alam na alam yata nito ang tungkol sa nangyayari sa akin?  "Teka,"sambit nito sabay tayo, "Isa kang ulila?" Agad akong napa-yuko dahil sa tanong nito. Alam ko naman na wala akong mga magulang pero hindi naman ibig sabihin no'n ay isa na akong ulila. May kinikilala naman akong pamilya sa aming bayan at tinuturing ako ng mga ito na parang isang anak na. "Pasensiya ka na, mali pala ang tanong ko,"sambit nito. Ngumiti lang ako rito atsaka umiling. "Ayos lang po, sanay na ako,"tugon ko. Natahimik naman ang babae atsaka nagpatuloy sa pagbabasa, hinintay ko lang itong magsalita muli dahil naka-kunot ang noo nito habang inililipat ang isang pahina patungo sa susunod. "Ayos ka lang po ba? May mali ba?" Nagtatakang tanong ko. Halos isang oras na ang lumipas pero wala pa rin itong balak magsalita. Nagulat naman ako nang bigla niyang sinarado ng sobrang lakas ang pinto at ngumiti sa akin sabay iling. "Wala naman,"tugon nito, "Nais ko lang sabihin sa iyo na tapos na ang iyong pagsusulit. Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin ang resulta sa malawak na hardin. Doon namin ilalabas kung saang kurso ka nabibilang." Tumayo na ako sa pagkaka-upo at tumango, "Salamat po sa inyong oras,"sambit ko at ngumiti, "Aalis na po ako." "Mag-iingat ka." Saad nito at tumalikod na.  Ano kaya ang nabasa ng babaeng 'yon sa libro? Gusto ko sanang malaman dahil parang seryosong-seryoso ito at hindi makapaniwala. Huminga muna ako ng malalim atsaka ngumiti. Kahit ano man iyon ay ang importante na tapos ko na ang pagsusulit. Wala na akong dapat ipag-alala dahil makakasama ko na rin sa wakas si Elfrida. Kamusta kaya siya? Agad akong bumaba at hinanap ang labasan. May mga estudyante pang nagtatakang nakatingin sa akin, may iba rin na sobrang gulat ng mga ito. Anong mayro'n? Hindi ba nila inaasahan na pumasa ako? Ang sama naman nila. Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyan ng bumaba. Naka-bukas na ang lahat ng pinto sa baba kung kaya ay sigurado akong tapos na rin si Elfrida. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang babaeng 'yon ngunit hindi ko man lang nakita. Saan na naman kaya iyon pumunta? Patuloy lamang ako sa paglalakad habang hinahanap ang aking kaibigan. Gusto ko sanang sabay kaming tignan ang magiging resulta sa malawak na hardin na iyon, labis akong kinakabahan eh. Gusto ko mayroong karamay. Napakaraming estudyante rito, may ibang masaya at mayroong malulungkot. Hindi ko alam kung para saan ang lungkot nila gayong pasado naman nila ang pagsusulit, may iba pa kayang dahilan ito? "Hoy!" "Ay lungkot!" Sigaw ko. Tawang-tawa naman ang aking kaibigan na ngayon ay nasa aking harapan. Hawak-hawak nito ang kaniyang tiyan atsaka ako inakbayan, "Kamusta ang iyong huling pagsusulit?" Tanong nito. "Ayos naman kahit hindi ako komportable,"tugon ko. "Hindi komportable?" Tanong nito at kumalas sa pagkaka-akbay, "Bakit naman hindi ka magiging komportable na simpleng pag-kontrol lang naman ng enerhiya sa iyong katawan ang gagawin mo?" Kunot noong tinignan ko si Elfrida dahil sa sinabi nito. Pagkontrol sa kapangyarihan? Bakit sa akin ay tanging binasa lang naman nito ang libro na hawak-hawak ng batang iyon? Nagbibiro ba siya? "Mamaya na lang natin 'yan pag-usapan. Sa ngayon ay pumunta na tayo sa hardin at tignan ang resulta ng ating pagsusulit." Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila na lang. Mabilis itong tumakbo patungo sa lugar kung saan ipapakita ang resulta sa aming pagsusulit. Mayroon pa kaming mga estudyanteng nababangga, ngunit imbes na magalit ay nagsimula na rin silang tumakbo. "Anong nangyayari?" Sigaw ko. "Ganiyan talaga 'yan, sa oras ng resulta ay mas mabuti ng maaga tayo. Maaring gabi pa natin mahahanap ang ating pangalan." Sigaw pabalik ni Elfrida. Hindi na lang ako umimik sa kaniya at sumunod na rin dito. Ilang sandaling pag-aagaw buhay ay nakarating na kami sa harap ng isang sobrang lawak na hardin. Agad na tumakbo si Elfrida patungo sa harap ng isang kulay dilaw na bulaklak o mas kilalang sunflower at pinindot ang petal nito.  Unti-unti naman bumuka ang bulaklak at lumabas doon ang isang makapal na papel. "Ngayon ay hahanapin na natin ang pangalan nating dalawa,"saad nito. Habang abala sa paghahanap si Elfrida ay inilibot ko lang ang aking paningin. Sobrang daming estudyante na dito sa lugar at kitang-kita ko sa mga mukha nito ang sabik na makita ang kanilang pangalan. Iniwas ko na lang ang aking paningin at tinulungan na rin si Elfrida sa paghahanap. Sinunod ko na lang ang ginawa niya at unti-unti na rin bumuka ang bulaklak. Labis naman ang aking pagtataka na tanging isang papel lang ang nakita ko at wala ng iba. "Multi-magic,"ayan ang basa ko sa naka-sulat sa itaas ng papel. "Ayon! Nakita ko na ang pangalan ko!" Masayang sigaw ni Elfrida ngunit hindi ko lang ito nilingon dahil labis pa rin ang pagtataka kong nakatingin sa resulta na nasa aking harapan. Multi-magic? Hindi ba at nasa higit limang mahika ang dapat na mayroon ang isang tao para mapabilang sa kursong iyon? "Nakita mo na ba ang pangalan mo?" Tanong ni Elfrida at tinulak ako ng bahagya, "Isa kang?" Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig at sinarado ang bulaklak para walang ibang makakita. Hinila ko na palayo si Elfrida mula roon at dinala ito sa isang tahimik na lugar sa hardin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging resulta ng aking pagsusulit, paano ako magkakaroon ng multi-magic kugn dalawa lang naman ang kapangyarihan ko at wala ng iba pa? Nagkamali ba silang lahat sa akin? "Maari mo ng simulan ang magpaliwanag sa akin,"sambit ni Elfrida. "Ano naman ang ipapaliwanag ko kung kahit ako ay walang alam sa naging resulta?" Gulat na tanong ko rito. Ramdam ko ang titig ni Elfrida sa akin ngunit patuloy pa rin ako sa pabalik-balik na paglalakad. Hindi pa rin ako makapaniwala talaga.  "Bakit ka naging Multi-magic? Hindi ba at isa lang ang kapangyarihan mo?" Gulat na tanong nito. "Iyon ang inaaakala ko,"sambit ko rito, "Noong kinuha ko ang huling pagsusulit ay bigla ko na lang na kontrol ang kapangyarihan ng tubig." "Teka, saang pinto ka ba na punta?" Tanong nito, "Saang silid o anong palapag o saang banda, ipaliwanag mo." Ramdam kong natataranta na rin si Elfrida sa akin. Isa sa mga makakapangyarihang tao lang ang pwedeng magkaroon ng Multi-magic at hindi kami makapaniwala na kasali ako sa mga taong iyon. Wala nga akong alam na iyon pala eh. "Hindi ko rin alam kung paano ito ipapaliwanag sa iyo pero sinunod ko lang ang sinabi mo,"paliwanag ko rito, "Hindi ba at sinabi mo sa akin na hanapin ko lang ang silid na tatawag sa aking pangalan?" "Oo, tapos?" "Ayon na nga ang ginawa ko, pero doon ko lang na hanap ang silid na iyon sa pinakatuktok ng gusali. Nakilala ko 'yong batang may pakpak sa likod,"paliwanag ko sa kaniya at humarap dito na nag-aalala.  Gulat na gulat na nakatingin naman sa akin si Elfrida na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Seryoso ka ba?" Tanong nito, tumango lang ako sa kaniya. "Alam mo ba na ang taga-pamahala sa silid na iyon ay isa sa mga makapangyarihang nilalang sa mundo ng mahika? Iyon ang reyna ng kagubatan." "Ano?" Sigaw ko rito. Paano naging isang reyna ng kagubatan ang batang iyon? Nagbibiro ba itong kaibigan ko? Napaka-impossible na ang isang batang katulad niya ay maging isang reyna talaga! "Ang silid na iyong pinasukan ay ang silid na kung saan gaganapin ang pagsusulit sa mga taong may multi-magic, teka, matanong ko lang,"ani ni Elfrida, "Ano ang ginawa ng batang sinasabi mo sa iyo?" "Iyon ay ang labis kong ipinagtataka, ang tanging ginawa lang niya ay basahin ang isang libro na kung saan laman ang buong impormasyon ko,"paliwanag ko rito, "Hindi ko nga alam kung saan galing ang librong 'yon eh, at bakit pakiramdam ko ay buong pagkatao ko naka-sulat na doon." Gulat na hinawakan ni Elfrida ang dalawang balikat ko at tinignan ako sa mga mata. "Isa ka nga sa kanila!" Sigaw nito, "Hindi ko aakalain na ang isang taong may multi-magic ay magiging kaibigan ko." Agad itong napa-upo habang sapu-sapu ang kaniyang noo. Taas kilay ko naman itong tinignan at napa-iling, "Hindi ko rin alam. Tanging alam ko lang ay healing magic ay mayroon ako at wala ng iba." "Hindi kaya ay ang mga magulang mo ay makakapangyarihan?" Gulat na tanong nito. "Hindi ko alam,"sambit ko. "Tanunging mo!" Sigaw niya. "Wala akong magulang, hindi ba?" Tanong ko rito at umupo sa malaking ugat ng puno na nasa gilid namin, "Wala akong alam sa kasaysayan ng aming pamilya o kung saan man ako galing. Tanging itong kwentas lamang mayroon ako at wala ng iba." "Oo nga pala,"saad nito at tumabi sa akin. Nanatili lang kaming tahimik ni Elfrida ng ilang pang-sandali ng bigla na lang siyang nagsalita at ngumiti sa akin. "Huwag kang mag-alala, nandito naman ako. Ang importante ay mayroon ka ng iba pang kapangyarihan, hindi mo lang matutulungan gamutin ang mga tao, kaya mo pa silang protektahan,"sabi niya. Kung sabagay ay tama nga naman si Elfrida, hindi naman masama kung mayroon pa akong ibang kapangyarihan. Sa katunayan niyan ay mas mabuti nga dahil kaya kong protektahan ang mga taong malapit sa akin. "Sabagay,"saad ko at ngumiti na. Ngumiti rin naman siya atsaka ako yinakap. "At dahil diyan dapat tayo magkaroon ng isang malaking pagdiriwang!" Sigaw nito at tumayo na. Umiiling na sumang-ayon lang ako sa kaniya at tumayo na. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD