Habang naglalakad na kami pabalik sa aming dormitoryo o bahay ay marami kaming nadaraanan na mga estudyanteng sobrang saya ng makita nila ang kanilang pangalan sa listahan. Hindi ko maiwasan ang hindi mapa-ngiti habang nakatingin sa mga mata nilang halos maluha-luha na. Sa loob ng ilang taong pag-aaral ng mga ito ay sa wakas nakapag-tapos na rin sila, at na tapos na rin nila ang pinaka-mahirap na pagsubok sa kanilang buhay, bilang isang taong may kapangyarihan. May ibang estudyante man na hindi pinalad ngayong araw ay babawi at babawi rin naman ang mga iyon sa susunod. Inilibot ko ang aking paningin at karamihan sa mga ito ay yakap-yakap na ang kanilang mga kaibigan dahil sa wakas ay naka-pasa na rin sila. Patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Elfrida hanggang sa may biglang sumigaw sa dulo ng hardin na ito.
"Bakit wala ang aking pangalan!" Sigaw ng isang babaeng naka-suot ng isang gusot-gusot na damit at buhaghag ang kaniyang buhok. Umiitim na rin ang ilalim ng mga mata nito na sa tingin ko ay dulot ng hindi matulog ng maaga, "Hindi ito maari. Panigurado ay pasado ako sa unang pagsusulit ngunit bakit ako bumagsak at wala rito ang aking pangalan?"
Sinipa nito ang bulaklak na nasa kaniyang harapan na naging dahilan ng pagkamatay nito. Patuloy lamang ito sa pagsisigaw hanggang sa dumating ang mga kawal at dinala na ito palabas.
"May mga tao talagang pursigido ng pumasa pero laging bumabagsa,"sabi ni Elfrida at bumuga ng hangin, "Ilang beses na nga ba siyang sumubok sa pasulit na ito? Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi talaga kaya ng kaniyang kapangyarihan.
"May alam ka ba kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon siya?" Nagtatakang tanong ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Gulat ang mga tao kanina sa eksinang ginawa ng babaeng iyon, ngunit dahil sa mukhang na sanay na naman ang lahat ay bumalik na rin sa dati ang iba pa. Naaawa ako para sa babae, nilalabas lang naman niya ang sama ng kaniyang loob dahil ilang beses na itong kumuha ng pagsusulit pero hindi niya na ipasa. Sa tingin ko ay sa mga panahon na iyon ay palagi lamang siyang nag-aaral, kaya ganoon na lang ang itim sa ilalim ng kaniyang mga mata.
Kahit ako ay talagang magagalit ng ganoon pero kung hindi talaga para sa iyo o hindi mo pa talaga panahon, mahihirapan ka talagang abutin ito. Tiwala lang, subukan mo lang ulit, kung maipapasa mo na ito ay mas matamis pa sa isang prutas na hinog.
Masaya ako dahil kahit unang subok ko pa lang ay na ipasa ko na ang pagsusulit, ngunit malungkot din dahil sa tingin ko ay hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng ganitong klaseng prebilihiyo. Kung sabagay ay nag-aral din naman ako ng mabuti kaya ayos lang siguro, pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam.
"Ayos ka lang ba?"
Agad kong nilingon si Elfrida nang bigla na lang siyang nagsalita. Tumango lamang ako rito at ngumiti, "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Kanina pa kasi ako nagsasalita rito pero mukhang ang lalim ng iniisip mo,"paliwanag niya at kumapit sa aking braso, "Pero gaya nga ng sabi ko, wala akong alam kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon 'yon. Hindi naman siya namamalagi sa ating tahanan eh, nasa labas siya ng paaralan. Hindi ko rin alam kung anong klaseng pamamahay ang mayroon siya o mabait ba ang taong iyon."
Pwede ba iyon? Akala ko pa naman ay lahat ng estudyante rito ay dito na tumitira sa loob ng paaralan. Iyon pala ay may mga taong nasa labas din namamalagi? Siguro ay hindi sila komportable na sumama sa ibang estudyante.
"Huwag mong isipin na pwede tayong manatili sa labas ah? Ipinagbabawal iyon ng ating pinunong Yizun,"sambit nito.
"Bakit naman? Hindi ba at nasa labas siya nakatira?" Tanong ko rito. Mas lalo tuloy akong naguguluhan sa mga nangyayari ngayong araw.
"Oo nga at sa labas siya nakatira,"paliwanag niya, "Pero ilang beses na itong sinita at pinagalitan ngunit ayaw naman makinig. Sobrang galit nga ni Pinunong Yizun sa kaniya eh, kaya siguro hindi ito pumapasa dahil na rin sa kaniyang ugali. Ayaw nitong sumunod sa batas at gusto nitong sundin ang gusto niya. Iyon kasi ang mga katangian ng Burned ones."
Kaya pala. Kung ganoon pala ang dahilan ay hindi na ako magugulat kung bakit hindi siya ipinasa. Masiyadong masa ang katangian ng mga Burned ones, masiyado silang maka-sarili at gusto lamang nilang sirain ang buhay nila dahil umiikot na ito sa kanilang mga kapangyarihan. Hindi ko talaga sila maintindihan, imbes na gamitin sa tama ay ginagamit pa nila ito sa paraan na ikapapamahak nila
"Tara na nga at kumain, malapit na rin gumabi at nagugutom na ako,"saad ni Elfrida, "Sa susunod na araw na lang tayo mag-diriwang. Puntahan natin si Hanes at humingi ng mga gulay."
Sabay tawa nito ng malakas. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Gusto kong tanungin si Hanes tungkol sa akin. Noong unang kita pa lang namin ay nakita na niya na mayroon pa akong ibang kapangyarihan. Siguro naman ay may alam si Hanes tungkol dito, sana nga lang ay masagot niya ang mga katanungan ko dahil mismo ako ay naguguluhan na sa aking sarili. Hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin at tama pa ba ito, kung bakit mayroon akong ganitong klaseng kurso at bakit isa akong multi-magic na tao.
Isinantabi ko muna ang pala-isipan na iyon at itinuon muna ang aking atensiyon sa paglalakad. Mahirap na at baka maka-bangga pa tayo ng mga tao rito. Napakarami pa namang mga tao ngayong araw dahil an rin sa pagsusulit. Habang naglalakad kami ay iniisip ko kung ano ang dapat naming kainin, hindi ko na alam kung ano pa ba ang pwedeng lutuin sa mga oras na ito. Siguro ay magluluto na lang ako ng adobo at gulay, mas mainam na 'yong malusog kami. Lalong-lalo na ako dahil ilang kapangayarihan pa ba ang dapat kong kontrolin sa buhay ko?
Ilang sandali pang paglalakad ay nakarating na rin kami sa wakas sa pinto papunta sa aming tahanan. Agad kaming pumasok dahil ayaw namin makipagsiksikan sa iba pang babae na papasok na rin dito. Habang naglalakad kami sa lumulutang na tulay na ito ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa ibaba, hindi ko man kita ang nasa pinaka-dulo ay nagagandahan naman ako sa mga ulap. Kumikislap pa ito sa tuwing natatamaan ng araw. Gusto ko tuloy itong hawakan at itago, pero alam ko naman na sobrang impossible na kung ganoon.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa harap ng aming bahay. Pumasok na si Elfrida at ganoon na rin ako.
"Maliligo muna ako, ayos lang ba?" Tanong nito.
"Ayos lang,"saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kusina, "Sumunod ka na lang rito pagkatapos, kakain tayo ng maaga upang makapagpahinga ng maaga. Mukhang mahaba ang araw natin bukas eh."
"Sobrang haba talaga,"sang-ayon nito, "Bukas na magsisimula ang opisyal na klase natin at bukas na bukas din ay papasok na tayo sa silid ng ating kurso. Ikaw naman ay mag-isa lang doon sa silid na sinasabi ko, pero kung binago na nila ang paraan ngayon, maaring magiging magkaklase pa tayo."
"Magkaklase?" Tanogn ko sa kaniya.
"Oo, papasok ka sa mga silid na kung saan tinuturo ang mga tiyak na kurso. Hindi ba at ang multi-magic ay may kapangyarihan ng lima o higit pa?" Paliwanag niya, tumango naman ako rito at sumandal sa dingding, "Ibig sabihin no'n ay lipat-lipat ang iyong silid, papasok ka sa silid ng Water Magic, Fire Magic, Air magic at iba pa."
"Nakaka-pagod naman no'n,"reklamo ko at bumuntong hininga. Hindi ko inaasahan na ganito pala kapagod ang magkaroon ng malakas na kapangayrihan. Hindi ko naman ito ginusto eh, bakit ako 'yong napwe-perwisyo?
"Ganiyan talaga 'yan,"ani nito, "Kung gusto mong maging isa sa mga malalakas na tao dito sa ating mundo ay dapat mo lang paghirapan. Kaya mo 'yan, nandito naman ako eh."
Napangiti na lang ako sa sinabi nito at tumango, "Maligo ka na at maghahanda na ako." Tumango na rin si Elfrida at umalis na. Pumasok na rin ako sa loob ng Kusina upang simulan na ang pagluluto.
Hindi naman nagtagal ay na tapos na rin ako sa pagluluto. Medyo na parami ang karne na niluto ko kung kaya ay parang nasasayangan ako. Siguro ay pwede naman itong initin kinabukasan. Ilang sandali pa ay dumating na rin sa wakas si Elfrida na may dala-dala isang kahon, hindi ko alam kung anong mayroon ang kahon na iyon pero kitang-kita ko ang pag-iingat nito.
"Ano 'yan?" Tanong ko sa kaniya habang hinahanda ang mga pinggan at pagkain sa lamesa. Nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa kahon habang kagat-kagat ang labi nito. Seryoso talaga siya sa paglapag nito atsaka ngumiti ng maayos niya itong nailagay.
"Makikita mo rin mamaya,"tugon niya at sinimulan nang buksan ito. Hinayaan ko na lang si Elfrida at nagpatuloy na sa paghahanda, kumuha na ako ng baso at nilagyan ng tubig atsaka inilagay sa mesa.
Ilang sandali pa ay na tapos na rin siya sa pagbukas nitong kahon at bumungad sa akin ang isang hugis bilog na bagay na mayroong mga disenyo sa itaas at sa gilid nito.
"Ano 'yan?" Tanong ko rito.
"Isa itong pagkain na tinatawag na cake,"paliwanag niya.
"Cake?" Anong klaseng pagkain ang cake? Hindi ba iyan nakaka-hilo?
"Oo, Cake." Saad nito, "Ang cake ay isang uri ng matamis na pagkain na gawa sa harina, asukal at iba pa na inihurno."
"Parang tinapay lang ba?" Gulat na tanong ko rito.
"Oo, parang ganoon na nga. Iyon nga lang ay masiyadong malambot ang tinapay sa loob nito at mayroon itong mga matamis na bagay na inilagay sa loob." Paliwanag niya.
"Ganoon ba, para saan naman 'yan?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin pa rin sa sinasabi nitong cake. Natatakam nga akong tikman iyon, masarap kasi talaga siyang tignan.
Isang hugis bilog na mayroong mga disenyo ng bulaklak at paru-paru. Kulay asul ito at mayroon ring mga disenyong kulay pilak. Nakakain ba iyan?
"Mamaya na natin kakainin itong cake,"sambit nito, "Sa ngayon ay kumain na muna tayo ng tamang pagkain. Ayan lang muna ang paraan ng pag-diriwang natin habang hindi pa tayo nakaka-punta sa tahanan ni Hanes."
Tumango lamang ako at ngumiti sa kaniya. Nagsimula na kaming kumain habang nagkwe-kwentuhan tungkol sa aming pagsusulit. Ayon sa kaniya ay talagang nahihirapan siya noong doon kami sa isang silid lahat, hindi niya raw inaasahan na ang lahat ng pagsusulit na nandoon ay iyon pa ang hindi niya pinag-aralan. Akala niya raw kasi ay iyong mga mahihirap talaga, iyon pala ay ang mga aral noong unang taon pa lang nila rito.
"Kaya pala ayaw sabihin ng mga nauna sa atin ang tungkol sa pagsusulit,"saad nito, "Iyon pala ay masiyado lang madali ang lahat. Ako 'yong nababaliw para sa kanila eh."
Natawa na lang ako sa kaniya dahil panay ang reklamo nito.
"Ayos lang 'yan, ang importante naman dito ay nakapasa tayong dalawa, hindi ba?" Tanong ko kay Elfrida at uminom ng tubig, agad naman itong ngumiti ng sobrang lapat at tumango sa akin.
"Tama ka nga naman,"ani nito at kinuha na ang cake at inilagay sa aming harapan, "Ngayon ay oras na upang kainin ito."
Agad akong kumuha ng kutsilyo upang gamitin sa paghiwa.
"Para sa panibagong taon para sa ating dalawa!" Sigaw niya, "Nawa ay marami pa tayong makamit sa mga darating na araw o taon."
"Masaya ako at pumasa tayo, Elfrida,"sabi ko at ngumiti rito.
"Ako rin."
Nagtawanan lang kaming dalawa at nagpatuloy sa kwentuhan hanggang sa matapos na kamign kumain. Siya na raw ang maghuhugas kung kaya ay agad akong dumeritso sa aking kwarto upang magligo at magbihis. Gusto ko ng matulog, masiyadong nakakapagod ang araw na ito para sa akin eh.
Pagkatapos kong maligo ay diretso na ako sa pagbihis at agad na tumakbo sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata. Sa wakas ay makakatulog na rin ako, nakakapagod talaga 'tong araw na 'to para sa'kin.
Nagising na lang ako dahil sa isang malakas na katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Tinignan ko ang labas ng aking bintana at medyo may kadiliman pa rin naman sa labas. Anong problema ng babaeng 'to at kailangan niya pa akong gisingin ng ganitong kaaga? Alam ko naman na maaga akong natulog kahapon pero alam niya ba na masiyadong nakakapagod iyong ginawa naming pagsusulit? Saan niya ba nakukuha ang buong enerhiya niya upang maging masigla ng ganito kaaga? Ako 'yong napapagod para sa kaniya eh.
Tumayo na lang ako at naglakad na patungo sa pinto ng aking kwarto. Nag-unat muna ako at humikab bago ko binuksan ang pinto, bumungad naman sa akin ang naka-ngiting Elfrida habang may dala-dalang papel.
"Nandito na ang binigay ni Ina at Ama sa akin, nasaana na ang iyong sulat at ipapadala ko na rin,"paliwanag nito, "Magandang umaga nga pala sa iyo."
Agad akong na buhayan ng dugo ng banggitin niya ang salitang sulat. Tumakbo na ako sa kabinet at kinuha doon ang anim na sulat na ipapadala ko sa mga kaibigan ko. Agad ko itong ibinigay kay Elfrida at ngumiti, "Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na ngayon pala darating ang pera mo?" Tanong ko rito.
Tumawa lang ng sobrang lakas si Elfrida atsaka naglakad patungo sa pinto ng aming tahanan.
"Maari ko rin ba itong ipadala? May nakasulat diyan na lugar na kung saan mo ipapadala ang sulat,"paliwanag ni Elfrida sa taong nasa labas ng bahay, "Ayan lang at salamat."
Tuluyan ng sinarado ni Elfrida ang pinto at naglakad patungo sa isang sofa. Umupo na ito doon at sumunod na rin ako sa kaniya.
"Hindi ko rin naman inaasahan na ngayon darating ang pera ko,"ani ni Elfrida, "Depende lang kasi iyan sa mga magulang ko. Sa tuwing nandito na ang pera ay ginigising lang nila ako at ayan na."
"Akala ko pa naman ay kung ano ang naisipan mo na naman gawin ngayong araw,"reklamo ko sa kaniya at bumuntong hininga, "Anong oras na ba?"
"Alas singko na ng umaga,"tugon nito atsaka tumayo, "Baka nakakalimutan mo kung anong oras ang klase mo?"
Unti-unting lumaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na magsisimula pala ang aking klase mamayang alas syete. Kailangan ko pa kumain at maligo, pati na rin ang maghanda ng mga gamit ko. Bakit ba kasi multi pa ako eh, ayan tuloy inggit ako kay Elfrida na mamayang alas nuwebe pa siya.
Agad akong tumakbo patungo sa kwarto ko at naligo na. Pagkatapos ay nagluto na lang ng itlog at nauna ng kumain bago bumalik sa aking kwarto upang maghanda ng mga gamit. Tinignan ko ang orasan na nasa dingding ng aming sala at nagpapasalamat ng kalahating oras pa lang bago mag alas syete.
"Mauna na ako, Elfrida!" Sigaw ko mula sa sala.
"Sige, mag-ingat ka!" Tugon nito mula sa kaniyang kwarto.
Walang pagdadalawang isip ay agad akong lumabas ng bahay at napa-ngiti ng bumungad sa akin ang preskong hangin at ang magandang tanawin sa aming lugar. Marami rami na ring estudyante ang nakakalat sa labas pero ang pinagkaiba namin ay hindi pa sila nakaligo at nagtataka ang mga ito kung bakit naka-bihis na ako.
Kung alam niyo lang kung bakit, panigurado ay magugulat din kayo. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa labasan ng aming dormitoryo.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ