Dark Chest Chapter 22

1038 Words
“Alam ko kung ano ang iniisip mo. Hindi lahat ng bagay ay alam ng aking kapatid, minsan lamang nito nakikita ang hinaharap at sobrang ikli lang din ng kaniyang nakikita. Masiyadong mahirap kontrolin ang enerhiya sa oras na gagamitin ang kapangyarihan na ito.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung sabagay ay totoo nga naman. Impossible na kayang tignan ng isang tao ang hinaharap kahit gaano pa ito kalakas. Kung tutuusin ay kakailangan ito ng kontrol at maraming enerhiya. Hindi ko malalagay ang sarili ko sa sitwasyon na kung saan ay gagawin ko iyon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Oo nga at magandang ideya na nasa ganoong sitwasyon ako pero hindi rin naman maiiwasan na mabahala ka sa possibleng maging resulta. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ikakamatay ko ba ito dahil labis ang ginamit kong enerhiya o kaya ay ikakabaliw.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kaya pala at oo nga pala. Salamat pala sa lahat gabay at patnubay mo, Ariane. Kung hindi dahil sa iyo ay malamang, wala akong kaide-ideya kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko. Dahil sa iyo, napakarami kong natutunan at mas lalo akong lumakas. Ngayon, kayang-kaya ko na protektahan ang mga taong mahal ko.” ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi umimik si Ariane at bagkos ay ngumiti lamang ito. Unti-unti itong tumayo mula sa kaniyang upuan at naglakad papalapit sa railings.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi na rin ako nagsalita at hinayaan na lamang siya sa kung ano ang gusto niyang gawin. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa karagatan na kung saan ay kumikintab ang alon nito na natatamaan ng sikat ng araw.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napakaganda talaga sa pakiramdam na makakita ng ganitong klaseng tanawin. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko sa ilalim ng karagatan na ito, gusto ko silang bisitahin pero hindi na siguro sa ngayon. Masiyado pa akong abala sa pamilya ko.ㅤㅤㅤㅤㅤ Nagpatuloy na ako sa pagtingin sa paligid nang bigla na lamang nagsalita ang aking ina.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Tapos na kami pumili ng mga gamit mo. Darating iyon mamayang hapon pero bukas na natin aayusin. May plano raw kayo mamaya?” Tanong nito at bigla na lamang nawala ang salamin na hawak niya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sino-sino ang mga kasama mo, anak?” Tanong naman ng aking ama at tinignan ako.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ang mga kaibigan ko lang po noong naglalakbay pa ako. Naisipan kasi namin kagabi na gawin ang mga nakagawian namin noong magkasama pa kaming lahat,”paliwanag ko rito, “Siguro ay mag-iinom at kakain lamang kami. Kwentuhan at iba pa.” Tumango-tango naman silang dalawa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “May kailangan ba kayo? May mga pagkain sa kusina, maari niyo iyon kunin.” Wika ng aking ina. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung narinig siguro ito ni Lauriel ay talagang mabilis itong mapapailing. Ayon pa? Alam kong gusto nito ng mga pagkaing presko kaya sigurado akong pupunta muna kami sa kagubatan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala naman po, Ina. Ayos lang kami pero matanong ko lang sana kung may mga hayop ba sa kagubatan?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤ “Sobrang dami, bakit? Are you going to hunt?” Mabilis akong tumango bilang tugon, “Kaya pala. Sige, maghanda ka na muna riyan at aalis na kami ng iyong ama. May pupuntahan muna kami at babalik din mamaya. Mag-iingat ka.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Opo.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Niyakap ko muna silang dalawa bago umalis ang mga ito. Nagpahuli muna si Ariane bago ito kumindat sa akin at naglakad na rin papalayo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD