Abala sa pag-uusap-usap ang aking mga magulang patungkol sa kung anong mga libro ang kukunin nila ngunit heto ako at tahimik lamang na nakamasid sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang pigilan gayong napakarami na rin namang libro silang ibinigay sa akin. Aabutin pa yata ako ng isang tao bago ko iyon matapos.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kori.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bahagya akong napatalon sa gulat dahil sa bigla na lamang nagsalita sa aking isipan. Tinignan ko ang gawi ni Ariane ngunit nakatingin lamang ito sa malayo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bakit na isipan nitong kausapin ako sa isip kung pwede naman niyang ibulong? Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng ito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bakit?” Tanong ko rito pabalik at iniwas na rin ang aking paningin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Alam kong may rason kung bakit ito ang paraan ng kaniyang pakikipag-usap sa akin. Kung kaya ay ibabaling ko na lamanga ng aking atensiyon sa iba at ‘wag na magpahalata. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ayos ka lang ba? Pasensiya ka na at ganiyan kung umasta ang kapatid ko. Namimiss ka lang talaga niya at gusto lamang nitong bumawi.” Paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Sa katunayan niyan ay wala lang naman talaga ito sa akin ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi mahiya dahil hindi ako sanay na ginagastosan ako ng ganitong kalaki. Isa pa, alam ko rin sa sarili ko na sobra-sobra na ang ginagawa nila pero kung dito rin naman sila masaya at kung dito rin naman mapapanatag ang kanilang nararamdaman. Sino ba naman ako para pigilan ang mga ito? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Alam ko iyon, Ariane. Kung diyan sila masaya ay hahayaan ko na lamang sila sa gusto nilang gawin. Ayaw ko rin na isipin nilang pinipigilan ko sila sa pagbawi nila sa mga taon na hindi kami magkasama. Masaya akong makita silang masaya.” ㅤㅤㅤㅤㅤ
Inilibot ko ang aking paningin at nahagip ko ang aking mga magulang na masaya pa rin na pumipili ng mga bagay-bagay sa salamin na hawak nila. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na matuwa at pag-init ng aking mga pisngi.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Masaya ako at naiintindihan mo sila. Kahit sobrang sadista ‘yang kapatid ko ay mahal na mahal ko naman ito. Ayaw na ayaw kong makita itong malungkot kaya sinubukan kong pumasok sa paaralan ng Xero.” Paliwanag nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ano ang ibig mong sabihin diyan?” Tanong ko sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi ba at alam nating lahat na kayang makita ng aking kapatid ang hinaharap? Isa na roon ang pagpunta mo sa paaralan na iyon, kung kaya ay para mapanatag ang loob ng aking kapatid. Pumasok ako sa paaralan na iyon bilang propesor. Hindi ko alam kung may ideya ka ba tungkol dito pero ayon ang totoong rason kung bakit naroroon ako.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Gulat na gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ko talaga inaasahan na ganoon pala ang nangyari, kung gayon, alam na ng aking ina kung ano ang mangyayari sa loob ng paaralan at sa digmaan? Ganoon na lang ba talaga kadali malaman kung ano na ang mangyayari pagdating ng panahon?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ