Dark Chest Chapter 26.2

2595 Words
Kahit ni kaunting ideya ay wala akong alam kung saan kami papunta o kung saan kami liliko. Mabuti pa itong mga kasama ko ay parang sobrang pamilyar na sa buong lugar.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Ngayon kp lang din na pansin na sobrang lawak pala talaga ng lupain namin dito. Hindi ako sigurado kung matatapos ko bang libutin ang buong kaharian sa loob lamang ng isang araw. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napansin ko rin na parang ang lalaki ng mga gusali sa kaharian na ito. Iilan lang yata ang walang pangalawang palapag. Ang malalaking puno na makikita sa bawat gilid ng daan ang siyang nagbibigay ng preskong hangin sa mga taong naninirahan dito. “Saan nga ulit tayo dadaan?” Tanong ni Lauriel. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayan kasi. Hindi tinatandaan kung saan tayo dumadaan. Minsan kasi ay pansinin din ang paligid,”parinig ni Treyni habang nakatingin sa mga taong dumadaan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi naman masiyadong maraming tao ngayon pero sa tingin ko ay ang daming nakatitig sa akin. May iilan sa kanila na bumabati sa tuwing dumadaan ako at iilan naman sa kanila ang yumuyuko lamang.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kanina ka pa ah,”sabi ni Lauriel at inirapan si Treyni.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Akala mo naman at ako lang,”tugon naman ni Treyni sa kaniya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bago pa kayo magsimulang mag-away diyan simulan na natin ang paglalakad. Ayaw niyo naman sigurong abutan tayo ng gabi, ano?” Tanong ko sa kanila, “Sa pagkakaalam ko ay ang usapan natin ay kakain tayo ng hapunan. Kung magpapatuloy kayo sa parinigan diyan, sa tingin niyo ba ay makakahanap tayo agad ng makakakain?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Na tahimik naman silang dalawa at hindi na muling nagsalita pa. Itinaas ng dalawang lalaki na kasama ni Lauriel ang kanilang mga kamay at inilabas ang hinlalaki.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Salamat.” Basa ko sa bibig ni Draco.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung hindi sila pipigilan ng dalawa, pwes ibahin nila ako. Gusto kong matuloy ang plano namin at ayaw na ayaw ko sa mga taong katulad nila na mas marami pa ang satsat.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Tara na nga lang,”inis na sabi ni Treyni at hinila na ako ng tuluyan. Hinayaan ko na lamang ito at sumunod na lang din sa kaniya. Sumunod na rin ang aming mga kasama, si Nola naman ay ganoon pa rin. Nagpapahuli. Ewan ko ba talaga sa trip ng lalaking ito at ayaw man lang pumunta rito sa harap at mauna.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kung nasa misyon naman kami ay sinusunod lamang niya ang kung ano man ang sasabihin ni Draco ngunit kadalasan ay nasa likod lamang talaga siya at nakabantay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Minsan din ay napapansin ko na kung nasaan ako ay doon din siya. Siguro ay na sanay itong protektahan ako lalong-lalo na lagi naman itong nakabantay sa akin noong magkasama pa kami sa mga misyon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Lalong-lalo na ngayon at mukhang siya ang inaasahan ng aking mga magulang na magbantay sa akin. Mukhang siya pa nga ang pinagkakatiwalaan nila para bantayan ako, kahit may ibang tao pa silang kinuha. Ganoon na lang ba talaga dapat nila akong pag-ingatan?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ikaw ang prinsesa ng Kaharian ng Fengari, Kori. Nararapat lamang na protektahan ka nila.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Fengari?!ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sa ilang araw kong pananatili rito ay ngayon pa lamang ito umimik muli. Bakit ba ito laging nagtatago? ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Pasensiya na po kayo, Mahal na Prinsesa at ngayon ko lang kayo na isipan na kausapin. Masiyadong maraming nangyayari sa mundo namin.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ano ang mga iyon?” Hindi ko napigilan ang aking sarili na itanong ito. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit lagi itong nagtatago. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Hindi ko pa po ito kayang sabihin sa inyo sa ngayon pero sinisigurado kong malalaman at malalaman niyo rin ito.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Unti-unting humihina ang boses ni Fengari. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit bigla-bigla na lamang siyang nagkakaganito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Fengari?” Muli kong tawag sa kaniya ngunit hindi na ako nito tinugunan. Mukhang bigla na naman itong nawala at tuluyan ng pinutol ang aming komunikasyon. Ano na kaya ang nangyayari sa kaniya, sana maayos lamang siya at sana ay walang nangyaring masama sa kaniya.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko tinignan muli ang paligid. Doon ko lang na pansin na nakatingin pala sa akin si Nola.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Bakit?” Tanong ko rito at iniwas agad ang aking paningin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “May bumabagabag ba sa isipan mo? Bakit parang ang laki ng iyong problema.” Tanong nito at sinabayan ako sa paglalakad. Hindi ko na pansin na nakasabayan ko na pala ito. Siguro ay masiyadong okupado ang aking isipan nang dahil doon ay hindi ko na na pansin na nasa huli na ako ng aming grupo.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala naman,”tugon ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Kung maniniwala sa iyo sila Treyni sa bagay na iyan. Huwag ako. Alam kong may bumabagabag sa isipan mo. Ano ba iyon?” Tanong nito at nilapitan ako. Hindi na sana ako iimik nang bigla niyang hinila ang aking kamay. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Gulat na napatingin ako sa kaniya at saka sa aming paligid. Ano ba itong ginagawa niya, baka makita kami nila Treyni at aasarin na naman kami nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Sabihin mo sa akin, ano ba ang problema mo?” Tanong nito. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito. Sigurado akong nag-aalala lamang ito sa akin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Wala naman. Nag-aalala lang ako kay Fengari. Hindi na kasi ako nito kinakausap ng matagal tapos ngayon lang, bigla na lamang siyang nawala pagkatapos niyang magpaliwanag kung bakit.” Paliwanag ko rito at bumuntong hininga.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi umimik si Nola kaya na isipan kong ibaling ang aking atensiyon sa kaniya. Nakatitig lamang ito sa akin na para bang naghihintay pa sa susunod kong sasabihin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ “Ayon sa kaniya ay may problema lamang daw sa kanilang mundo kaya hindi siya nagpaparamdam pero noong tinanong ko naman kung ano iyon ay ayaw niya naman itong sabihin.” Paliwanag ko at bumuntong hininga. Laking gulat ko naman nang bigla niyang hinaplos ang aking palad. “Magtiwala ka kay Fengari. Siguro ay may rason ito kung bakit hindi niya pa kayang sabihin ang mga bagay na iyon sa iyo. Ikaw na nga ang nagsabi, masiyadong maraming nangyayari sa kanilang mundo. Baka ayaw ka lang niya mag-aalala ng sobra,”sabi ni Nola. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Sobrang haba ng kaniyang sinabi. Iyon na yata ang unang beses na narinig ko ito magsalita ng ganoon kahaba simula noong napadpad kami rito sa Kaharian ng Fengari. “Alam ko naman iyon,”tugon ko, “Pero hindi naman siguro masama kung mag-aalala ka sa kaibigan mo, hindi ba? Isa pa, sa loob ng ilang buwan namin na magkakilala masiyado na itong napalapit sa akin.” Mas lalo akong na gulat nang bigla akong hilahin ni Nola sa isang mahigpit na yakap. “Ayos lang si Fengari. Hindi mo kailangan mag-aalala ng sobra. Kung hindi naman, malalaman mo naman ito agad dahil kusa itong magsasabi sa iyo. Naging malapit na rin naman siya sa iyo, hindi ba?” Tanong nito. Hindi ko na alam kung nasaan na ang aming mga kasama. Sa ngayon, na patigil kami ni Nola sa paglalakad dahil bigla na lamang ako nitong niyakap. Hindi ako umimik at hinayaan na lamang siya. Dahan-dahan kong itinaas ang aking dalawang kamay at inilagay ito sa kaniyang likod. Pagkatapos ay unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko na lang na mas lalong humigpit ang aming yakap. “Hoy, kayong dalawa. Mamaya na kayo maglambingan. Ayaw niyo pa umamin na kayo na pero kita nga naman namin sa galawan niyo,”natatawang sabi ni Sam. Mabilis akong kumalas sa yakap at umiwas ng tingin ngunit ramdam ko ang mga titig nilang lahat. “Tara na nga!” Sigaw ko at na una nang maglakad. Hindi na ako nag-abala pa na tignan silang lahat at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala akong pakealam kung saan ako papunta. Basta ang sa akin lang ay makalayo ako sa kanilang mga titig. “Hoy hintayin mo naman kami!” Sigaw ni Treyni. Bahala kayo riyan. Wala akong oras makipag-asaran sa inyo. Bakit naman kasi ganito si Nola eh! “Kori, teka lang naman! May dadaanan pa tayo. Hoy!” Agad akong tumigil dahil sa sigaw ni Lauriel. May dadaanan pa pala kami ngayon lang nila sinabi. Nakakainis na talaga ang mga ito. “Saan ba tayo pupunta talaga?” Tanong ko sa mga ito at inirapan sila. “Bibili ng gamit. Ano ba sa inaakala mo?” Tanong ni Draco. “Akala ko kasi ay didiretso na tayo sa kagubatan. Hindi man lang kayo nagsabi na may dadaanan pa pala tayo.” Sabi ko. “Ay, hindi ba namin na sabi? Pasensiya na.” Natatawang sabi ni Treyni. Na una nang maglakad si Draco at Sam habang bitbit nila ang ilang mga gamit namin. Ano pa ba ang kakailangan nila? Hindi pa ba kompleto? Sa dami ng kanilang dala ay may kulang pa? Napapailing na lamang akong sumunod sa mga ito hanggang sa makarating kami sa isang tindahan na punong-puno ng mga sandata. “Ano ba gagawin niyo rito?” Tanong ko. “Bibili ng tinapay. Ano sa tingin mo?” Tugon ni Lauriel at umiiling na pumasok sa loob. “Iba talaga ang epekto ng yakap ni Nola, ano?” Nang-aasar na tanong ni Treyni at sumunod na rin kay Lauriel. Inirapan ko lamang ito at sumunod na sa kanila. Kakainis talaga ang mga babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD