Pagkapasok ko ay agad akong namangha sa aking nakikita. Isang tindahan lamang ito ng mga sandata kung kaya wala akong inaasahan pero noong pumasok na kami ay hindi ko mapigilan ang sarili ko ang mamangha. Napakalaki ng buong gusali. Ang mga desinyo ng bawat sulok ay kakaiba. Ang mga sandata ay nasa gilid lamang at nakalagay sa loob ng salamin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ano ba ang bibilhin niyo rito?” Tanong ko sa kanila.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bibili raw ng bagong sandata si Draco. Hindi ko nga alam kung para saan pa gayong hindi pa naman sira ang sandata niya.” Tugon naman ni Sam.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Nagtitingin-tingin na si Draco sa paligid at sumunod naman si Lauriel. Tinutulungan yata nito ang kaniyang asawa na makahanap ng magandang sandata.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Alam mo na kasama ko sa labanan ang sandata, Sam. Noong huling beses natin sumabak sa labanan, muntikan ng may mangyari kay Lauriel dahil ay bumaon nito sa katawan ng halimaw.” Paliwanag naman ni Draco at nagpatuloy pa rin sa pagpili.ㅤㅤㅤㅤ
Kaya pala na isipan na nitong maghanap na lang ng bagong sandata. Kahit ako ay ganoon din siguro ang gagawin ko sa oras na ayon ang nangyari sa mahal ko sa buhay.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi umimik si Sam dahil naiintindihan na yata niya ang nangyayari. Hindi na lang din ako umimik at hinayaan na lamang ito.
Wala talaga akong ideya sa kung ano ang nangyari noong mga panahon na nakipaglaban kami para sa kapayapaan ng lahat.ㅤㅤㅤㅤ
Wala rin akong ideya kung ano ang nangyari sa mga kaibigan ko noong mga oras na iyon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Masiyadong nakatuon ang aking atensiyon sa pinakapinuno nila at kung paano tapusin ang dapat tapusin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kahit ganoon, masaya naman ako dahil naging tagumpay ang aming labanan. Naging payapa rin ang lahat. Masaya ko na sa wakas ay dumating din ang panahon na kung saan ay lalabas na ang aking mga sinasakupan na walang kinatatakutan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Oo. Unti-unti ko ng natatanggap ang katotohanan. Unti-unti ko ng tanggap kung ano ba talaga ako at ang mga responsibilidad ko.
Pumili na silang lahat ng mga sandata. Samantalang ako naman ay nagtitingin-tingin na lang din ng pwedeng bilhin.ㅤㅤㅤㅤ
“Magandang umaga, Mahal na Prinsesa.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Laking gulat ko nang bigla na lamang may sumulpot na isang maliit na tao sa aking harapan. Nakayuko itong nakaluhod sa harapan ko. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ang kaniyang dapit na punong-puno ng dumi dahil na rin siguro sa kakatrabaho.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Magandang umaga sa iyo,”bati ko rito pabalik, “Maari ka ng tumayo at harapin ako.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. Wala rin akong ideya kung tama ba itong ginagawa ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Wala akong alam patungkol sa buhay ng isang prinsesa. Hindi pa ako tinuturuan ng aking mga magulang kung ano ang dapat gawin sa oras na may babati sa akin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mukhang kailangan ko pa itong pag-aralan.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Tanong nito, “May gusto po ba kayong bilhin?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Wala naman talaga akong gustong bilhin. Gusto ko lang tignan ang mga naka-display dito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Maayos pa naman ang aking mga sandata. Maayos pa rin ang aking suot-suot na damit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Gusto ko lang tumingin-tingin. Sinamahan ko lamang ang aking kaibigan na bumili ng kaniyang esapada,”tugon ko at inilibot ang aking paningin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Doon ko lang din na pansin na wala pala rito ang aking mga kaibigan. Hindi na mahagilap ng aking mga mata ang kanilang anino.
Nasaan na kaya ang mga iyon. Saan na naman kaya sila na padpad?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Nakita mo ba sila?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Mabilis na umiling ang maliit na tao sa harapan ko atsaka naglakad na patungo sa isang upuan at pumatong roon.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Hindi ko po sila makita mula rito. Maaring nasa kabilang parte sila ng gusali,”tugon ng lalaki. Tumango lamang ako at nagsimula ng maglakad.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Kung may gusto po kayong bilhin ay ‘wag kayong magdalawang isip na lumapit sa akin. Gagawin ko po ang lahat na makakaya ko.” Sigaw nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Umikot ako at hinarap ito sabay ngiti, “Sige. Babalik ako rito.”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ngumiti lamang ang maliit na tao at sa isang iglap ay bigla itong nawala.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang may humawak sa aking braso. Nang tignan ko kung sino ito ay isang babae pala.
“Nakikita mo siya?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
May katandaan na siya at kagaya sa taong lumapit sa akin kanina ay marumi rin ang kaniyang damit.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Sino po?” Tanong ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ang namamahala sa gusaling ito, nakikita mo ba?” Tanong ng matanda.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Kung ang tinutukoy nito ay ang maliit na taong iyon kanina ay oo kitang-kita ko.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Dahan-dahan akong tumango at nginitian siya. Dahan-dahan na lumaki ang mga mata ng matanda atsaka ito napa-upo sa sahig.
“Bakit sa iyo lang siya nagpapakita? Bakit ayaw niya sa akin. Ano ang sinabi niya sa iyo?” Tanong nito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ano ang nangyayari sa taong ito? Hindi ba niya nakikita ang taong iyon?ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Sinabi lang niyang bumalik ako sa oras na may kailangan akong sandata o biblhin. Susubukan niyang tulungan akong makuha ito,”tugon ko rito.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Hindi umimik ang matanda at patuloy pa rin itong nakaupo sa sahig. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang nangyayari.
“Kori? Anong ginagawa mo riyan?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Ibinaling ko ang aking paningin sa tumawag sa akin at nakita si Lauriel na nagtatakang nakatitig sa gawi ko. Pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin sa matanda na nasa sahig.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Ayos lang po ba kayo?” Tanong ni Lauriel at lumapit sa matanda ngunit hindi pa nga siya tuluyang nakakalapit ay tumayo na ito at umalis, “Ano ang nangyari sa taong iyon?”ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Nagkibit balikat lamang ako at tinignan kung saan tumakbo ang matanda.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
“Bahala na nga. Tara na at magsisimula na tayo sa ating paglalakbay patungo sa gubat. Nakabili na si Draco ng kaniyang sandata.” Tumango lamang ako at tuluyan na kaming lumabas ng gusaling iyon. Kakaiba rin ang naranasan ko sa gusaling iyan pero kahit ganoon, at least ngayon alam ko na kung saan ako lalapit kapag may kailangan akong bilhin.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ